IYOLM.33

1.8K 25 1
                                    


Third Person's P.O.V.

MASAKIT parin ang ulo niya. Pang ilang ulit na ba siya'ng nawalan ang malay tao at naka tulog? Hindi niya na matandaan.

Ano na ba'ng nangyayari at nasaan na siya? Malamig..
Madilim.

At nasa pareho parin siya'ng silid.

Buo at buhay parin siya ngayon pero pakiramdam niya'y nasa iba'ng panahon siya. Nahagip nang paningin niya ang orasan. Alas dos nang hapon pero pakiramdam niya ay alas onse na nang gabi. Sarado kasi ang lahat nang bintana dito at blind ang kulay bukod sa kortina nito'ng kulay itim nga ba O dark blue? Naka off din ang mga ilaw kaya wala'ng nakaka takas na liwanag.

Sandali siya'ng napa tigil. Kaunti nalamang ang kirot sa likod nang ulo niya pero ang mga ala-ala niya noon ay siya'ng umu-ukil-kil sa kanya'ng isip. Pakiramdam niya ay para'ng kahapon lamang nagyari ang lahat.

Isa'ng malakas na lagabog ang kanya'ng na rinig. Kasunod ay ang iyak nang isa'ng bata na kilala'ng kilala niya. Sumikdo ang dib-dib niya kasunod nang masagana'ng luha na umagos mula sa mga mata niya papunta sa mukha niya.

"Anak ko.."
......

Palagay ang loob ko na wala'ng makaka tunton sa amin dito hanggang sa matapos ang mga papeles na pinapa asikaso ko. I-aalis ko na siya dito. Ilalayo ko na siya. Akin na siya sa wakas.

Na putol ang iniisip niya nang mag bukas ang pinto sa harapan niya. Napalis siya sa pangangalumbaba at napa tunghay.

"Miss me? May kasama ako at magugulat ka." -- she said. Damn! Akala ko na dispatsa na nang mga tao ko ang isa'ng ito? Isip niya. Kinabahan siya. Hindi niya alam kung bakit pero kinukutuban siya.

"What are you doing here Carmella? And Who is that?" -- halata sa boses niya ang inis dito. Hindi niya napigil ang pag ahon nang mataas na boses dahil uminit na ang kanya'ng ulo.

Kumilos ito at pumihit sa direksiyon nang kasama niya'ng naka tali at tinanggal ang Piring nito na ilong na lamang ang natatakpan. Inalis din nito ang busal sa bibig nang bata at natigilan siya nang mapag tanto kung sino ang dala nang magaling na babae.

"Puta! Mag sabi ka nga nang totoo!" -- hinaklit niya ito sa baraso. Halata'ng nagulat ito at nasaktan sa ginawa niya na sadya'ng biglaan but the woman still manage to smile like idiot. "Bakit mo dinala yan dito? Hindi ko siya kailangan! Ibalik mo ang batang yan sa ama niya!" -- inis na turan niya.

Nababakas niya ang takot sa ekspresiyon nang bata. Maiiyak na ito. Malapit na. Hindi niya maaari'ng ipagka mali. Ito ang anak ni Haya sa lalake'ng iyon. Ang bunga nang pamu-muersa nang hayun na si Fierce sa babae'ng una niya'ng minahal. He's so sure he look preasured. Nag aalala siya. Kinukutuban na baka may binabalak ito para maka ganti sa kanya. "I wanna go home. I want momma. Please.." -- naluluha na nito'ng sabi na halata'ng sinusupil lamang nito ang napipinto'ng pag iyak.. Tinapunan ito ni Carmella nang mabilis na tingin at kaagad ding ibinalik ang tingin kay Paolo. Tama lamang ang mga sandaling iyon para ma compose niya muli ang sarili at itago ang kaba.

"Why Paolo? You scared?" -- mapang asar ang pagkaka sabi nito. Sarkastiko at halata ang laman. Naka ngisi lamang nang nakaka loko ang binata kahit ang totoo ay lumalakas ang masama'ng kutob niya dito. Pakiramdam niya . "May..dapat ka ba'ng ika-takot? Ano'ng inaalala mo? Dahil ba niloko mo ako at ipina gapos sa isa'ng abandonado'ng gusali?" -- lumapit ito sa kanya. Sinenyasan niya ang isa sa mga tauhan para kuhain ang bata'ng nasa harap nila. Mukha ito'ng ma-to-trauma na sa mga nararansan. Hindi pa naman siya ganoon ka sama para hindi maging sensitibo sa kalagayan ang isa'ng bata na wala'ng muwang. At si Carmella. Ang babae. Mukha'ng wala na siya'ng pakialam sa matatapakan niya. Alam niya na pag hihiganti na lamang ang nais nito. Pero siya ay hindi dahil tanging si Haya nalamang ang gusto niya at wala'ng iba. Galit man siya kay Fierce ay wala na siya'ng paki. Kaya niya'ng kalimutan lahat mapa sakanya lamang ang babae'ng hindi nag patahimik nang mundo niya sa loob nang marami'ng taon.

"Fuck you Carmella. Fuck you! Ano'ng pinaplano mo? Ha?" -- haklit-haklit niya parin ang babae sa baraso. Halata niya'ng gusto na nito'ng ngumiwi dahil sa higpit nang pagkaka kapit niya sa baraso nito ngunit mas pinili nito ang ngumisi'ng para'ng aso.

"Wala naman." -- sagot nito sabay tingin sa kaliwa at sa itaas nito'ng direksiyon. Naroon parin ang nakaka inis na ngisi nito. Tila demonyo na ito. Wala na siya'ng puso. Hindi niya ito masisisi dahil sa tindi nang pinag daanan nito. Pero ano man ang dinaranas niya ngayon at nilagpasan niya noon ay kasalanan nito'ng lahat. Hindi nito dapat isinisisi ang mga nangyari sa iba.

........

Fierce's P.O.V.

"Wag gagawa nang ingay. Mula dito ay papasukin natin nang mano-mano ang lugar. Malalaman nila'ng narito tayo sa itaas kung naka Chopper parin tayo'ng lalapit doon at kapag nagka ganoon ay magkaka gulo at maaari'ng manganib ang buhay nang asawa at anak ni Mr.Polaris." -- the officer incharge said. Lahat kami ay nasa ibaba na at naka tindig habang pinagigitnaan namin ang pinaka mataas sa kanila. Kasama ko ang mga kapatid ng asawa ko at lahat kami ay armado.

"Follow the instruction given to you. Hindi lang isa ang sasagipin natin kundi dalawa kaya maging alerto dahil malakas ang paniniwala ko na iba ang motibo ni Hellics sa pag kuha sa asawa ni Mr.Polaris." -- a nito na akala mo ay wala kami. Nakikinig lamang ako sa kanila at bawat segundo at pagkakataon ay lalo lamang tumitindi ang pagaalala ko. Pakiramdam ko'y sinisilihan ang puwit ko.

Nagka palitan kami nang tingin ng mga ito. Kinakabahan ako. Natatakot ako sa kalalabasan nang pag sugod namin. Sa tanang buhay ko, ngayon ko lamang naramdaman ang ganito'ng klase nang pakiramdam. Ang matakot para sa kaligtasan nang pamilya ko. Iba pala ang pakiramdam. Hindi ko inakala na isang araw, pagdadaanan ko ang lahat nang ito ngayon. Akala ko noon ang buhay ay madali lang. Na iba ang pagdaraanan ko sa pinag daraanan nang iba.

Pero ngayon, para akong pinag tatawanan nang kapalaran. Pakiramdam ko sinukluban ako nang langit at lupa. Ang kuwestionableng kalalagayan nang anak at asawa ko ay paghihirap na walang kapantay.

Mula sa kinatatayuan ay natanaw na namin ang resthouse na maaaring kinalalagyan ngayon nang mag ina ko. Ayon sa Kanila, dito nila na trace si Carmella. Ang hayup. Bakit pati anak ko idinamay niya? Sana kung galit siya sa akin at kay Haya, ay kami nanlamang ang sinisingil niya. Pati inosenteng bata ay dinawit niya pa. Napaka bata pa nang anak ko. Wala siyang awa.

Umigting ang mga naka sara kong kamao. Gigil na tumayo ako at hindi mapakaling tinitigan din ang resthouse.

Mabilis na gumala ang mga mata ko at gumana ang isip ko. "Walang bantay. Pero may mga sasakyan. Nandito sila." -- sabi ko. Hindi lang naman yun ang pinag batayan ko. Nararamdaman ko talaga na nariyan sila. Kutob. Malakas ang pakiramdam ko na malapit na ako sa anak at asawa ko.

.......

Ayun. B.C. Days. Sorry po ngayon lang.








IF YOU ONLY LOVE ME [ #Watty's2015 Hidden Gem Winner ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon