IYOLM.38

2.1K 42 2
                                    


Third Person's P.O.V.

SA ROOF TOP NANG HOSPITAL

'Kung mawawala ka rin lang naman... Ayoko nang mag patuloy. Dahil hindi ko kayang mabuhay sa panahon kung saan wala ka na...' a niya sa kalooban niya.

Mamaya ay tatanggalin na nila ang life support ni Haya. Sabi nila ay nahihirapan na ito at masyado nang marami ang naging ag hihirap nito. At kung talagang hindi na ito gigising pa at patuloy lamang na mahihirapan, ang mabuti pa ay mag perform na nang Euthanasia kesa naman mas lalo lang tumagal ang pag hihirap nito. Kesa naman...

Isang hakbang nalang. Isa nalang. Kapag tumalon siya ngayon diyan paniguradong siya pa ang unang makakarating sa kabilang buhay. Siya ang mag hihintay sa napipinto nilang pag sasama muli ni Haya. Ang babaeng sagad hanggang buto ang buti. Ang babaeng pinasakitan niya nang sobra noon ngunit lubos niyang minamahal ngayon. "Hihintayin kita doon." a niya sa huling pangungusap.

"Haya..." banggit ni Fierce sa pangalan nang asawa. Hinakbang niya ang isang paa patungo sa espasyong wala nang sasalong pasimano.

Madaming dumadaan na tao sa ibaba. Madami din siyang nakikita na mga sasakyan. Sa bandang gilid na sila nang hospital kaya tanaw niya ang kalsada sa ibaba. Maganda yan. Suwerte at malas. Suerte kung pag bagsak ay masasagasaan agad nang 10 wheeler. Masaklap pakinggan pero lkung iisipin mo ay magandang daan para sa diretsong biyahe patungo sa kabilang buhay.

"Hoy mamang may toyo!" natigilan ito sa pag hakbang nang makinig ang isang boses na kailan man ay hinding hindi niya malilimutan. Napa iling siya.

"Naririnig na kita. Nababaliw na ako. Siguro dapat ko nang bilisan." ngumiti siya nang mapait at umiling habang hindi tumitigil ang agos nang mga luha sa mga mata niya. Bumilis ang tibok nang puso niya sa totoo lang. Para kasing totoo ang boses sa ulo niya. May katok na yata siya. Muli na sana niyang ihahakbang ang paa nang...

"Itutuloy mo talaga yan? Hindi mo man lang ba ako hihintayin?" this time napa hinto na talaga siya at bumulis pa lalo ang tibok nang puso niya.

The voice he is longing to hear again. Nananaginip parin ba siya? Ilang beses na ba siyang palaging niloloko nang imahinasyon niya? 'Yun bang parang totoong totoong nasa harap niya iyo, hinahaplos nito ang mukha niya, ngumingiti siya nang puno nang buhay. Hindi ma putla ang mukha niya't hindi hapis gaya nang totoo niyang kalagayan.

Hiningal siya sa mga ala-ala hindi dahil sa pagod kundi dahil sa matinding pag nanais na sana totoo na lang ang mga imahinasyon niya. Na sana, talagang mag balik siya. Sana... Pero alam niya naman na isa na naman ito sa laro nang nasisira niya nang ulo. Ang marinig ang boses nito. Ang mayakap ito at makasama kagaya noon. "Haya... Mahal na mahal kita." Pinikit niya ang mga mata sa huling pagkakataon. Handa na siya. At desidido na siya na siya ang mauuna sa kabilang buhay. Hihintayin niya ito doon at magkakasama na sila sa wakas.

Pero bago niya pa man magawang i-hakbang ang isa niyang paa ay naramdaman niya na ang pag hatak sa kanya nang isang kamay na siyang nagpa bagsak sa kanya pa atras. The next thing he know, naka upo na siya sa lapag at nananakit na ang kanyang pwitan dala nang pagkaka bagsak niya.

"Fuck! What the hell!" He cursed when he realized what happend. Mabilis siyang tumindig. Naka talikod parin siya sa kung sino man ang humila sa kanya pabalik kaya nang makuha ang balanse't naka tindig nang matatag ay agad siyang pumihit para sinuhin ang walang kuwentang nilalang na pumigil sa binabalak niya.

"Sira ulo ka na ba Fierce? Anong balak mo't naka tayo ka pa talaga sa tangway? Mag papakamatay ka na ba? Tapos tinawag kita ni hindi ka man lang lumingon! Tuod ka na ba?" galit na a nang boses bago pa man siya maka harap. Ayan na naman ang tibok na parang guston basagin ang kanyang dib-dib sa lakas nang pag tibok nito.

IF YOU ONLY LOVE ME [ #Watty's2015 Hidden Gem Winner ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon