IYOLM.34

2.2K 32 2
                                    

HAYA'S P.O.V.

NAKA rinig ako nang mga sigawan sa labas nang pinto. Parehong senario at lugar parin. Narito parin ako sa kuwartong ito kung saan ako kinulong nang lalakeng iyon.

Hindi ko na sana gagalawin ang pagkain na ibinigay niya sa akin pero ayoko manghina. Lalaban ako ano man ang mangyari. Susubukan kong bumalik sa anak ko. Babalik ako at hindi ako papayag sa plano niya. Nababaliw na siya kung inaakala niyang basta nalang ako sasama sa kanya. Nagulat ako nang makarinig nang ingay mula sa labas. Partikular ang mga sigaw nila Hellics at iyak nang anak ko.

Ang anak ko narito!

Agad akong tumindig at mabilis na lumapit sa pinto saka tinangkang buksan ito at binayo ngunit sadyang malaki at matibay ang pintong gawa sa matigas na uri nang tabla kaya wala akong nagawa kundi ang manawagan.

"Buksan niyo ito! Hellics! Anong ginagawa niyo sa anak ko!" hiyaw ko. Gusto kong maka wala dito. Gusto kon puntahan ang anak ko pero nakaka inis dahil kahit anong gawin ko ay wala akong magawa. Hindi ko kayang wasakin ang pinto. Nakaka inis na mahina ako at wala akong magawa para puntahan at isalba ang anak ko.

"Tumahimik ka Babae! Napaka ingay!" a nang isa pang boses. Boses babae mula sa kung saan.. At hindi ako puwedeng magka mali. Siya yun! Hindi parin nag iiba ang boses niya. Matagal man nang lumipas ang panahon ngunit ganoon parin siya.

"Hayup ka Carmella! Anong ginawa niyo sa anak ko!" sabi ko. Lalong nag wala ang kalooban ko. Siya marahil ang kumuha kay Athicus. Kung si Hellics ang pag iisipan ko ay wala siyang motibo para kuhanin ang anak ko dahil sinabi niyang ang layunin niya ay kunin at ilayo ako sa mag-ama ko. Kaya sa palagay ko ay ang babaeng iyon ang may pakana nang pag kuha sa anak ko dahil siya lang ang may motibo na kuhanin at saktan ang anak ko. Gaya nang ginawa niya noon.

"Hello?" sagot ko sa cellphone ko habang nag mamaneho. Hindi na ako nag abala na basahin ang pangalan nang caller dahil madami akong kasabay sa daan. Mahirap na baka maka aksidente pa ako.

"Hello Haya. Wala ka bang nararamdaman?" kilala ko kung kanino ang boses na iyon. Paano ko hindi makikilala ang boses nang babaeng kaagaw ko sa puso nang asawa ko. Ang babaeng dahilan kung bakit miserable ang buhay may asawa ko. Ang babaeng kahit kailan ay hindi ko mapapalitan sa puso niya.

"A-anong sinasabi mo? Anong kailangan mo?" tanong ko. Nag simula nang manginig ang mga kamay ko at dagain ang dib-dib ko. Bakit? Parang may hindi tama. Parang maraming mali. Peri baka guni-guni lang.

"Ahh. I guess hindi pa nga. Wag kang mag alala. Mabilis lang ang lahat. Eventually, mararamdaman mo din 'yan. I bet malapit na mag stop. Maka hinto ka kaya?" a niya. Kaagad ay binalot ako nang takot sa narinig nang ma unawaan ang kahulugan nang kanyang sinabi.

"A-ano? A-anong... A-nong ginawa mo? Liwanagin mo!" sabi ko dito. Narinig ko ang malamyos na halakhak niya.

"Ohh sorry. Sorry. Can't help it. Hindi ka nagkaka mali nang hinala Haya. I just did it. Tinanggal ko nga. Pero wag kang mag alala. Kasabay mo ang matandang 'yun. Papayag ba naman ako na ikaw lang? Malakas ka sa akin. Kaya may kasabay ka..."  a niya kasabay nang malalakas na namang mga halakhak.

"Carmella huwag. Maawa ka. Huwag mong gawin ito. Di'ba nangako ako? Tutuparin ko naman yun. Wala ka bang tiwala?" sabi ko. Huminto siya sa pag tawa.

"Palagi mong sinasabi yan. Huwag mo na akong paikutin. Alam ko ang balak mo. At hindi mo ako mapapaikot. Masyado nangatagal ang hinihingi mong palugit at naiinip na ako kaya pasyensiyahan nalang tayo. Kung hindi mo kayang tuparin ang pangako mo, papatayin nalang kita."  a niya sa akin. Alam ko na seryoso siya. Alam kong gagawin niya ang sinabi niya. At kung ganoon nga, hahayaan ko nalang. Alam kong wala din naman ako magagawa kung hihingi pa ako nang tulong. Ayokong may madamay sa mga mahal ko sa buhay. Nararamdaman ko din naman na wala na talaga. Na wala naman talaga akong inaasahan. Alam ko na hindi niya ako makukuhang mahalin. Ako ang naman itong asumera. Aasa asa. Pero ang totoo niyan nag papaka tanga lang talaga ako. Binibigyan ko lang naman nang kahulugan ang lahat nang kanyang ikinikilos. Pero ang totoo niyan ay Tanga lang naman ako na pinaniniwala na ang sarili na merong pag asa na mapalitan ko si Carmella aa puso niya.

IF YOU ONLY LOVE ME [ #Watty's2015 Hidden Gem Winner ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon