"You see that girl at Forever 21 store?" Turo niya doon sa store sa mall na nasa likod ko.
Lumingon naman ako.
"Ang daming babae. Asan?"
"Yun babaeng naka-black pants and white grid crop top. Naka-messy bun. Yung nandoon sa may cashier." Sabi niya.
Hinahanap ko yun at nakita ko na! Parang kilala ko yun a! Tinignan ko iyon ng matagal.
"What about Mandy?" Tanong ko.
Yes, its Mandy. Obviously.
"I got a crush on her." Sagot ni Lance.
Sa puntong ito, mas nasaktan ako. Mas malaki ang chance na magkaroon ako ng kahati sa oras ng best friend ko; sa taong gusto ko. Gusto kong umalis. Gusto kong tumakbo pero di ko magawa kasi baka kausapin na naman ako ng conscience ko at baka matadtad din ako ng tanong kay Lance. Ayokong malaman niya ang nararamdaman ko. Mahalaga si Lance at ang friendship namin sa akin. Ayokong mawala yun dahil lang sa nararamdaman ko para sa kanya.
"Crush lang naman diba?" Di ko napigilang tanungin siya ng ganito.
"No. I'm in love with her every single day. Her eyes are like stars in my daylight. Her hair, never fails to make her gorgeous. He lips are so damn kissable. I love every inch of her, Raniella. Damn, she's so perfect." He said while looking at Mandy.
I can see in his eyes that he's really serious of what he's talking about.
Di pa kami pero nasasaktan na ako. Aray naman. How much more pag naging kami tapos iwan niya ako? Edi pupulutin nalang ako pira-piraso?
Ambisosya! Magiging kayo ba?
Ayan ka na naman konsensya. Jusko. Shut up naman kahit ngayon lang.
"Cap, ayan na siya. Mag-hi ka tapos pakilala mo ako ha? Ayan na, lalabas na siya." Sabi niya.
Naglakad kami papunta sa direction ni Mandy.
"Omg! What a coincidence?! Hi Ella." Then, she beso beso me.
"Hi Mandy. Did you received Aica's message?" Tanong ko.
As if I'm gonna let Mandy go closer to my best friend. Duh! It's not that easy, bruv.
"Yes. You wanna go group study? I mean, yung tayong dalawa lang. Mas di kasi tayo makaconcentrate pag madami tayo e. Oh, if that's okay with you." Mandy suggested.
"Raniella would love to go group study with you, Miss" Singit ni Lance
Miss? Really? So ngayon, di mo na alam yung pangalan niya? What's with you, Lance?
"Call me Mandy." Pagpapakilala naman ni Mandy.
"Lance." Pag-introduce naman ni Mate ng sarili niya kay Mandy.
They both shook hands and what a life?! So, nagmukha naman akong third wheel ngayon.
"I'll just go home to get my things packed up and ako nalang pupunta sa house niyo. Alam ko naman ang address mo. I'll just text you if I'm on my way. For now, I gotta go. I'll just see you tonight." Haaa! I'm laughing at your face, Lance. AKO ang kinausap! Di ka pinansin!
"Bye!" Paalam ni Mandy.
"I have to go sleepover in your house." Lance said excitedly.
"NO WAY!" Diin ko.
Magsasalita pa sana si Lance pero biglang nagring yung phone ko.
From: Mandy
Hey Ella! Hoping to see you and Lance tonight! :)
"Haaaaa! Anong 'NO'? Baka kasi kasama ako no?" Lance said sarcastically.
Nakikibasa pala ang tao. Chismoso kahit kailan. Walang hiya.
Ini-snoban ko nalang siya at nagpatuloy sa paglalakad.
Nag-arcade games nalang kami. Basketball and combat games.
Pagkatapos noon, tumungo na kami sa Parking Lot.
~*~*~*~*~
Nakarating naman kami sa bahay ng maayos. Sobrang bilis kasi magmaneho ng kaibigan ko e! Jusko. Kesyo daw darating si Mandy. Baka daw nauna pa kesa sa amin dito sa bahay. E pagdating namin dito, wala pa naman siya. Tss.
"Hey dad." Pagbati ko kay Daddy.
"Hey." He replied.
"Hi Tito." Bati naman ni Lance.
"Hello. You sleeping here?" Tanong ni Daddy kay Lance.
"Opo tito. Baka kasi makatulong ako sa pagrereview ni Raniella at baka matulungan niya naman din ako." Sagot ni Lance.
Review? Review ng lesson o Review ng mukha ni Mandy? Yung totoo, please?
"Paano naman nakatulong ang lesson ng Engineering sa lesson ng Law?" Pambara ni Daddy kay Lance.
Good for you, Lance. Good for you. You better call your mom and tell her you got burned by my dad.
"Dad, my friend Mandy is coming. Group study po." Paalam ko kay Daddy.
"Sure." Sagot ni Dad.
"Oh wait, yung Mandy ba e babae?" Tanong ni Daddy.
"Yes naman, Tito." Lance answered quickly.
"Alam ko na kung bakit ka nandito, Enrico." Dad said.
"Opo. Kasasabi ko lang. Magrereview po." Sagot ni Lance.
"You dirty little liar. You are here because of Mandy. You like her, innit?" Dad confronted Lance.
"Hahahahaha. You got it, Daddy" I revealed.
Tinignan lang ako ni Lance ng masama tapos sabay na kaming umakyat papunta sa kwarto ko.
Nang pumasok ako ng kwarto he was right behind me and something unexpected happened.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
HE FARTED.
"Yuck! Ang baho, Lance! Lumayas ka nga!" Sabi ko habang takip takip ang ilong ko.
I swear, it's really bad. Parang may kasama pa ngang tae e. Ewwww.
Naamoy ko na lahat ng amoy ng utot nitong taong 'to pero ito ang pinakamabaho.
"Ang arte mo! Di naman ako ganyan magreact pag umutot ka. Hayup!" Galit na sabi ni Lance.
Oo nga, di naman siya ganun magreact pag umutot ako pero sino naman kasing tao ang di magrereact pag nakaamoy ka ng utot na amoy tae?
"So, magaaway tayo ngayon dahil sa utot?" Tanong ko habang takip takip parin ang ilong ko.
"Alam mo minsan, di ko naramdaman na naappreciate mo ako e." Madramang sabi ni Lance.
"So, anong ibig mong sabihin? Mag-thank you pa ako dahil muntik mo na akong ma-poison sa utot mo? Oo na, Lance. Na-appreciate ko yung utot mo." Sagot ko.
"Yan ang hirap sayo e!" Pasigaw na sabi ni Lance.
"Ako na naman?" Pasigaw ko din na sagot sa kanya.
Hanggang sa...
"Alam niyo kayong dalawa, kung mag-aaway kayo huwag na kayong magsumbatan! Magpatayan nalang ako. Nambubulabog kayo ng nagpapahinga e. Pagod ako sa trabaho, okay? Ikaw, Raniella kumuha ka nalang ng dalawang knife sa baba at magpatayan nalang kayo. Pag natapos na, edi matira matibay!" Ayan tuloy. Napagalitan pa kami ni Daddy.
Sinusumpa ko talaga yang utot mo, Lance!

BINABASA MO ANG
You Are The Risk I'll Always Take
General Fiction"If you are going to be one of my mistakes, then you'll be the best mistake I've ever had" x Not yet edited so please pagtiyagaan niyo muna. But if you don't want the unedited, contact me on how to order the published book. Edited na po yun :))