Chapter 13

9 0 0
                                    

"Seriously? Parang nag-usap lang tayo kanina tungkol diyan! Why never care about what I feel, Raniella? Best Friend mo ako pero masakit isipin na kahit ako pinagtataguan mo ng sikreto mo. Akala ko transparent tayo? Tss." nagulat ako sa tono ng boses ni Lance habang sinasabi niya ang mga salitang iyon.

"La-Lance... Di ko naman si-sinasadya e." Damn, Raniella! Don't Cry!

I won't cry. I won't. I won't.

"Damn it! Now you're showing me your teary eyes? Para ano? Para di ako magalit sayo dahil sa ginawa mo?" sigaw pa nito.

Ayoko naaa! Bakit ba kasi siya nagagalit kay Mcchaine?

"Teka lang, Lance. Di kasi kita maintindihan e. Bakit ba ang init ng ulo mo kay Mcchaine?! Ano bang ginawa niyang masama? Ano? May ginawa ba siya sayo na di mo nagustuhan? Nabastos ka ba niya?" nanlaki ang mga mata niya sa sagot ko.

Di ko na kasi mapigilan e. Kung maka-asta kasi siya parang may relasyon kami. Dinaig niya pa ang tatay ko. Grabe. To be honest, Naaasar ako sa kanya.

Naiintindihan ko naman siya dahil sa ginawa ko. Alam ko ang mali ko pero ang idamay niya si Mcchaine, di naman na pwede yun. Wala naman kasing kasalanan at kinalaman si Mcchaine e. Why Mad bruh?

"So mas kinakampihan mo na si Mcchaine ngayon?" sabi nito sabay irap sa akin.

"Di ko siya kinakampihan, okay? Napaka-OA mo lang kase. Parang may ginagawa naman kasi kaming masama. Don't you trust me?" -ako.

"Of coarse, I trust you, Cap.---" di na niya naituloy ang sinasabi niya dahil agad akong sumabat.

"Then why are you so mad kapag nakaka-usap ko si Mcchaine?" tanong ko.

"Because I don't trust him!" sagot nito.

Ah.. Okay! So pataasan na ba ng boses? I could do better than that Mr. Javier -_-

"Why not trust him?!" tanong ko muli.

"Because I don't want you to be owned by someone! Someone I don't trust. Someone I don't like!" nagulat ako sa naging sagot nito.

Anong ibig mong sabihin, Lance? Bakit iba 'tong nararamdaman ko? Bakit ang gulo gulo mong kausap? Di ka naman ganya dati e. Di ka naman mahirap kausapin dati. Pero nung dumating si Mcchaine at Mandy sa buhay nating dalawa nag iba na ang lahat.

I mean, we both like someone pero bakit kailangan pa namin mag-away dahil lang kay Mcchaine.

I hate this feeling. I really hate this feeling. I hate arguing about non-sense. Di ko naman sinasabing non-sense si Mcchaine.

Pero what the hell! Bakit kailangan pang mangialam ni Lance sa buhay ko?!

"Just Go..." mahina kong sabi pero sigurado akong narinig niya ako.

Napayuko ako ng ilang sandali at tumigin sa kanya.

Nagulat siya sa naging sagot ko.

Nanlaki ang mga mata niya at parang may sinasabi. Yung "anong sinabi mo?" look.

"What do you mean?" tanong nito na para bang nalilito siya sa sinabi ko.

"I said... Go..." ulit ko.

Nakita kong pumatak ang luha niya sa kanyang pisngi. Gusto ko siya yakapin, inaamin ko.

Pero di ko kaya. Ayoko. Maybe this time, I get to choose what I want to do, what I want in my life and do everything I love.

Sawang sawa na akong maging malungkot dahil sa maagang pagkawala ng nanay ko, sa pagdidikta ng tatay ko sa kukunin kong kurso at sa mga bagay na hinihiwalay sa akin ni Lance sa gusto ko.

Inaamin ko na ayoko din si Mandy para sa kanya dahil na-iinsecure ako kasi si Mandy napapansin niya tapos ako hindi pero di ko sila pinakialaman. Hinayaan ko sila. Hinayaan kong makuha ng kaibigan ko ang mahal ko. Sana... Pati yung mahal ko hayaan ako sa gusto ko gaya ng ginawa ko.

I deserve this. I deserve to be free. Matanda na ako.

"You chose him more than us?" sabi ni Lance habang papalapit sa akin.

Umatras ako papalayo sa kanya.

"Y-yes." sagot ko.

"Oh... Raniella... I don't know you anymore" sabi nito habang humakbang paatras at palayo din sa akin.

"Get out, Lance." I replied. Pagkatapos ay tumalikod ako.

Ayokong makita niyang mahina ako.

Masakit. Masakit na ipagtabuyan ko yung taong nakasanayan kong makasalamuha.

Masakit na pakawalan ang taong mahal mo...

"Is that what you want?" -Lance.

"Yes." sagot ko.

Naramdaman kong humakbang siya... paatras... palayo... palayo sa akin

"Would that make you happy?" tanong nito.

"Absolutely..." sabay ng mg salitang binitawan ko ang pagpatak ng luha ko.

"Would that make you breathe easily?" muli siyang nagtanong.

"I'll breathe easier." hawak ko sa puntong ito ang dibdib ko.

Humakbang na naman siya papalayo.

"Do you still want me in your life?" tanong nito. Narinig ko ang paghikbi ni Lance.

Gusto kong tumakbo papalapit sa kanya pero di ko magawa.

Parang naka-glue ako sa kinatatayuan ko.

Gusto kong mabuhay na walang kumokontrol sa akin. Sorry Lance.

I want you in my life so much. But I want to live my life. Ayokong pagsisihan ang buhay na pinili ko sa mga huling oras ng buhay ko dahil hindi ko man lang nagawa ang gusto.

"No." sagot ko.

Narinig kong bumukas at sumara ang pinto ko. Humarap muli ako at nakita kong wala na si Lance.

Napa-upo ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

Then I felt something...

Something that is damn painful.

"Daaaaaaaaad!" sigaw ko.

Napahawak ako sa dibdib ko kung saan masakit.

"Daaaaddyy!" tawag ko muli.

Nakita kong pumasok si Daddy at dali-dali itong lumapit papunta sa akin

Nanghihina ako. Nahihirapan na akong humiga.

"Ipa-start mo yung sasakayan! Dalian mo!" sigaw ni daddy sa isa sa mga maid namin.

"Are you okay?" tanong ni daddy habang hawak hawak ang isang kamay ko.

Di ako maka-sagot dulot ng mahirap kong pagkuha ng hangin.

Naramdaman ko nalang na binubuhat ako at pinasok sa sasakyan.

Naririnig ko at bawat paghikbi ni Daddy habang nakahiga ako sa lap niya at hinawakan ang noo ko.

Hanggang sa naramdaman kong binuhat ako muli at tinatakbo papasok sa isang gusali.

Narinig ko ang bawat pagmamadali ng mga tao doon then my eyes went all black out.

You Are The Risk I'll Always TakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon