Chapter 38

2 0 0
                                    

We finally arrived at my homeland! Yay!

Pagkalabas at pagkalabas namin sa airport ay sinalubong kami ni Daddy at ni Maikee.

"Omeeegeed! Hi bessyy! Long time no see. It's been forever! Huhuhuhu. I miss you!" salubong ni Maikee.

Wow ha! Parang sampung taon akong nawala. Yung hindi kami nag-usap ng ilang years. Huwaaaw! Iba talaga pag best friend mo ang sasalubong sayo e.

"Hi baby, Mcchaine." bati ni Daddy.

I kissed daddy then he hugged me back.

"Hello tito. How are you?" sagot ni Mcchaine.

"Very fine, hijo. Sasabay ka ba sa amin sa bahay o uuwi ka na muna?" tanong ni daddy kay Mcchaine.

"Uhm... Hindi muna tito. I have to drop my things muna sa bahay tapos siguro susunod nalang ako dun." Mcchaine responded.

Tumango naman si Daddy.

"You take care huh?" paalala ko.

He smiled at me and replied, "Yes, babe. Kayo din. I'll see you guys later. Bye."

Nauna na si Mcchaine kasi nandun nadin kasi yung service niya.

Isinakay naman namin nila Daddy yung mga gamit ko sa car tapos umuwi na din kasama si Maikee na walang tigil sa pagtatanong sa akin kung anong mga nangyari sa buong trip.

Hanggang sa makauwi kami wala siyang ibang tinanong kung hindi "Anong nangyari?", "Bakit ba ang ganda ganda mo?", "Paano nga naging kayo?", "Paano siya nagpropose?", "Ano nga?", "Uy, Pwede mag-share?"

In fairness, nakakabingi din itong babaeng ito. Parang milya milya ang distansya ko sa kanya. FTW.

Nasa kwarto na kami ngayon at hanggang ngayon walang tigil ang bunganga ni Maikee.

"Maikee!" sigaw ko.

Woooo! Tumahimik din siya!

"Ano na nga?" pangungulit ulit niya.

"The important thing is we're together... FINALLY." sagot ko.

"Omg, bes. Ang sweet niyo kanina. Ako na ata ang president ng team HarChaine!" sabi nito.

"Sira ulo." sagot ko.

Inilabas ko naman agad sa bag ko yung mga pasalubong ko.

Ibinigay ko kay Daddy yung sa kaniya tapos ibinigay ko na din yung kay Maikee yung kaniya.

Sa totoo lang, hindi ko na binilhan ng shirts yan. E pagkain lang naman ang kailangan niyan e.

"E ito? Para kanino ito?" tanong ni Maikee habang hawak yung mga souvenirs na paka kay Lance at Mandy.

"Pakibigay naman kay Lance at Mandy, bes." suyo ko sa kaniya.

"Bakit hindi ikaw?" Eto na naman siya e. Puro Tanooong!

Hindi na siya nagsawa.

"E kasi di ko naman alam kung nasan sila." sagot ko.

Palusooot pa, Raniellaaa.

"Haaay... Di na kailangan na ako ang magbigay kasi darating yung dalawa mamaya. Iwe-welcome home ka daw." sabi nito.

"Maikee, surprise ba dapat yang 'Welcome Home'?" sagot ko.

"Uhm... Ano bes... Ah... O... Oo. Hehe" Sabi ko na e. Wala talagang magtitiwala dito dahil walang secret ang hindi nailalantad pag sa kanya mo sinabi. Yan pa!

"Halika nalang. Magluto nalang tayo. Tayo nalang ang mag-surprise." Irita kong sabi.

"Okay!" Maikee responded.

Bumaba na kami pareho tapos dumeretso na sa kitchen. Tinignan ko kung ano ang mayroon doon na pwedeng lutuin.

Pero pagbukas ko ng mga cabinets and refrigerator, wala. Walang pwedeng maluto.

"We need to go to the grocery store." Bungad ko kay Maikee.

"Ha?! Really? Alam mo bes... Kasi ano... Pagod ako bes e." Palusot nitong babaeng ito.

"Maikee ang tamad mo." Puri ko sa kanya. Yes! Puri talaga yun.

"Haaaay... Tara na nga! Nahiya naman ako sa medyo may katamaran din." sagot niya.

Saktong pag-open namin ng door, bumungad si Mcchaine.

He kissed my cheeks and asked, "Where are you girls going?"

"Sa grocery lang, Mcchaine. Para di naman ako matawag na TAMAD, sasama nalang ako kay medyo tamad para mabawasan naman ang katamaran ko." Sarcastic niyang sabi na sanhi ng tawanan namin.

"I'll go with you." sabi ni Mcchaine.

"Mabuti yan para di ka matawag ng girlfriend mo na tamad kasi nakakahiya naman sa kaniya." sabi ni Maikee sabay sakay sa kotse ni Mcchaine.

Tinext ko naman agad kay daddy na pupunta kami sa grocery kasi nasa kwarto niya na naman yun at baka ayaw magpaistorbo.

"Anong lulutuin bes?" tanong ni Maikee.

"Simplehan lang natin. Tayo tayo lang naman ang nandun mamaya e." sagot ko.

"Is Lance coming?" tanong ni Mcchaine.

"Uh-oh. AWKWAAAARDDD." Sungot ni Maikee.

"Yes. He's coming with Mandy." I answered, ignoring Maikee.

"Oh... Okay. Is Mandy his girlfriend already?" he asked.

"Oo. Medyo may katagalan na din ata e. Di ko sure kung gaano na katagal pero confirm na sila na." chismis ni Maikee.

"Maikee, halata." Mcchaine answered.

"Ha? Anong halata?" tanong naman ng isa.

"Halatang alam mo lahat. Chismosa masyado?" pang-aasar ni Mcchaine.

Pinalo naman ni Maikee si Mcchaine ng isang beses.
After 15 minutes, nakarating na kami. May shortcuts kasing alam si Mcchaine kaya medyo mabilis lang.
We went inside the store and started picking all ingredients that we need.
I decided to cook pasta and shanghai rolls.
Si Mcchaine ang taga-tulak ng cart, ako naman ang taga-kuha ng kakailanganin at si Maikee sumusunod lang sa amin. As if naman tutulungan kami ng babaeng yan.
Nandito kami sa may pasta section. I want to cook carbonara so I have to get the fettuccine pasta. And I have a major problem. Hindi maabot. Sorry ha? 5" lang kasi height ko e.
While trying to reach the pasta, bigla akong may naramdaman na masakit. Biglang sumikip ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga.
Lumapit si Mcchaine sa akin at inalalayan ako.
"Love, are you okay? Anong masakit?" He asked.
"Nothing. It's nothing. Paki-abot nalang nung pasta na iyon tapos magbayad na tayo so we can go home and I can cook early." Sabi ko sabay turo sa pasta na kinukuha ko kanina.
Oo, nangyayari naman ang mga ganoong pangyayari dahil sa sakit ko pero yung sakit na naramdaman ko kanina is different.
Buti nalang hindi ako hinimatay.
"Bes, halika na. Mauna na tayo sa car. Si Mcchaine na daw ang bahala sa mga pinamili natin." Sabi ni Maikee ng may halong pag-aalala.
Pumayag nalang ako dahil kinakailangan ko din ng hangin na hindi nagmumula sa aircon.

You Are The Risk I'll Always TakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon