Chapter 8

3 0 0
                                    

Pagkatapos namin mag-away ni Lance dahil sa hayup niyang utot, di na kami nagpansinan. Ewan ko diyan. Nakaka-bad trip siya. Akala mo naman kinagwapo niya yung pagsusungit niya sakin.

After a few minutes, dumating na si crush ni Lance.

Nagstart na din kaming magreview ni Mandy. Ganoon din naman si Lance.

It's already 10:38 PM noong nagsimulang magbuka ng bibig si Mandy.

Yes. Sobrang tahimik namin.

Noong nakarating na kasi si Mandy dito, di na siya nagsalita kasi nadatnan niya kami ni Lance na nagbabasa ng libro. Kaya sumabay nalang siya.

"It's already 10:38. You wanna talk?" Tanong ni Mandy na halatang naiirita sa ingay ng katahimikan ng kwarto ko.

Di na ako sumagot kasi baka mabadtrip na naman ako.

"If it's okay, Mandy uhm... Can you help me understand my English lessons?" Nagmamalanding sagot ni Lance.

Ay. Kinabog ang kalandian ko. #BreezyMode

Regaluhan ko 'yan ng panty e.

"Sure." Sagot naman ni Mandy.

Edi mag-sama kayong dalawa! Tutal mukha naman akong third party dito, so wala akong pake kung maglaplapan o makapanood pa ako ng live na sex dito. Haaaaaay! Ang landeee! Wth. Sabayan mo pa ng malanding paglapit ni Mandy sa tabi ni Lance. Walang hiya! Fine! Edi you own my room na -_-

Di ko na sila tinignan pa simula noong nakita kong nilapitan na ni Mandy si Lance.

Naramdaman kong inabot ni Lance yung notes niya at binasa naman ni Mandy. So, anong kinalaman ng lesson ng Engineering sa Law? Related na pala yung pagtatayo ng building sa pinaglalaban ang batas. Aba matinde!

Nakaramdam ako ng inis. Di naman ako naiingit pero nakakairita lang talaga.

Sobrang ingay! Nakinig ako sa usapan nila.

Narinig ko ang salitang "Diving".

Adventure yan. Alam ko na yan. 'Yan ang laging topic ni Lance at lahat ng babae nilalandi niyan.

Hanggang sa natahimik sila dahil sa phone ko na biglang nagring.

Tinignan ko kung sino yun at sa laking gulat ko...

Si Mchaine..

Yung... Yung Cruuuusshhhh koooo!

Yung cruuush ko simula noong elementary! Omg! Antagal kong hinintay na magring ang phone ko na siya ang tumatawag.

Oo. Ang dami kong crush. Pagdating sa crushes di ako loyal. So di lang si Lance, K?

Sinagot ko iyon.

"Hello." Paunang bati niya.

"Hello." Sagot ko naman.

Omg! Am I dreaming?

"Uhm, naistorbo ba kita, Raniella?" Tanong ni Mcchaine.

I feel like I'm floating in the aaaiiirrrr :)

Napapalip bite nalang ako sa kilig at pinapalo yung unan na katabi ko. Buti nalang di ko katabi si Mandy kundi nagkapasa-pasa na 'yun sa pinag-gagagawa ko. Hahahahaha.

"Di naman. Bakit?" Sagot ko naman.

Emeeeegeeed. I am so kinikileeeeg! Napapatalon na nga ako e kulang nalang ang magpagulong-gulong ako sa floor sa sobrang tuwa at kilig.

"Law ang coarse mo sa school niyo, right?" Tanong niya.

"Oo. Bakit?" I replied.

"Law din kasi ang coarse ko and I'm wondering if when I transfer at your school you could be my tour guide and my tutor." Sagot niya

At sa narinig ko, nagawa ko ang bagay na hindi ko inakalang gagawin ko....

Ang mag-walling at gumulong-gulong.

Di ko inakalang mangyayari sa akin na ang napapanood ko sa theaters at nababasa ko lang sa libro.

Omg! Sa dami daming tao sa school, ako pa! Ako pa napili mo. Mcchaine!

"Raniella, Are you still there? Pwede naman akong mag-favor nalang sa iba kung ayaw mo. It's okay." Sabi ni Mcchaine

Ohh Noooo! Di. Gusto ko kaya. Gustong gusto ko.

Kanina pa kasi ako gumugulong-gulong dito at di ko napansin na naghihintay pala ng sagot si Mcchaine. Raniella, where's your presence of mind? -_-

"Oh no. It's okay. Ako na magto-tour at magtu-tutor sayo. Kailan ba transfer mo?" Sagot at tanong ko.

"Really? Oh Dear God, you don't know how happy I am right now, Niella. Thank you. Thank you very much. Uhm... Baka magalit nga pala sakin yung best friend mo niyan ah?" Sagot ni Mcchaine

Magagalit? Sino?

"Ha? Sinong best friend? Si Maikee or si..." Di ko na naituloy ang sinasabi ko dahil bigla itong sumagot.

"Lance." Sagot niya.

Bakit naman magagalit yun e sayang-saya nga kasama si Mandy? Tss.

"Hahahahaha. Di. Don't mind him. Wala naman siyang dapat pagkagalitan." Sagot ko.

"You've been best friends for a long time huh? Strong kayo." Natatawang sabi niya.

Tss. E di ko nga lang maiwan 'yan e. Di ko din naman talaga kayang iwan si Lance.

Nakatingin ako sa puntong ito sa kanya.

Ang sweet nila ni Mandy.

May pasimpleng akbay pang nalalaman itong si Lance.

Si Mandy naman nakasandal sa chest ni Lance. O diba? Daig pa couples.

"Oo. Hahahahaha" Sagot ko.

"Baka naman more than friends na 'yan ha?" Nagulat ako sa sinabi ni Mcchaine. Lakas ng instincts ah. Siyempre joke lang. Assumer ako e.

"No. We're just friends. Just that." Sagot ko.

"So ibig sabihin ba niyan, may pag-asa na ako sayo?" Mukhang seryosong tanong ni Mcchaine.

"H-ha?" Nauutal kong sagot.

"Wala. Don't mind what I've said earlier." Mabilis na sabi niya.

"O-okay." Nanghihinayang kong sagot.

"By the way, mag-eenroll ako pagkatapos ng summer." Sabi niya.

"Tagal pa pala e." Sagot ko.

"I know, but I really can't wait to have you." Masayang sabi ni Mcchaine.

"A-ano ulit yun?" Sagot ko.

"Sabi ko, I can't wait to have you as a tour guide and tutor." Paglinaw nito.

Sayang! Rinig ko naman e. Malinaw yun e.

Binawi pa kasi e!

Tss.

Mga lalaki talaga kahit kailan, paasa! Wow. Naranasan ko na?

"Hehe. Ako din."  Sagot ko.

"I have to go. Aasikasuhin ko pa yung papers ko para I can fly back there in the Philippines and transfer to Saint Matthew's. Thank you, Harcind. See you soon! Bye!" Then, he hanged-up.

Harcind?

Gaga! Oo, pangalan mo yun, Raniella!

Pero di kasi ako sanay na tawagin sa pangalang iyon.

Nakakapanibago lang.

"Raniella, are you okay?" Nagulat ako ng tinawag ni Mandy ang atensyon ko.

"Uhm... Oo naman. Okay lang ako. May inisip lang. Hehe." Tapos bumalik na ako sa pagbabasa ng libro.

"Si-sino yung kausap mo kanina?" Tanong ni Lance sa akin.

"Si Mcchaine." Sagot ko.

You Are The Risk I'll Always TakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon