Lumipas ang ilang minuto at nakakabinging katahimikan bumuka din ang bibig ng lalaking 'to. Sabi na e. Di naman ako matitiis e nito e. Ikr.
"Sorry na. I just want you to be safe." panimula nito.
"Sorry din." sagot ko.
Kahit alam kong wala naman akong kasalanan. Choss! Hahahahaha
Lumapit ito sa akin at niyakap ako.
"I just... I just don't want you to be anyone's best friend too. May kahati na nga ako sayo na si Maikee madadagdagan pa ba ng Mcchaine?" sabi ni sabay pout.
Aww... So sweet of my best friend naman. :))
"Friend lang siya. Okay?" sagot ko sa kanya.
At dahan-dahan niyang hinawakan ang mga kamay ko at hinawak sa pisngi niya pagkatapos ay ngumiti ito ng pagkalaki-laki.
Tumango lang siya pabalik at inalis ko naman ang kamay ko mula sa pagkakahawak sa pisngi niya. Ang awkward na kasi e.
"Pero Cap! Salamat kanina ha? Akala ko talaga di ka na pupunta e. Akala ko nakalimutan mo na yung tungkol sa audition ko. Akala ko galit ka sa akin kasi di kita pinapansin sa sobrang inis ko na may communication pa kayo ni Mcchaine at masaya ka pang kausap siya. Ibang-iba yung mga ngiti mo pag kausap mo siya. Kanina sa audition, hinanap kita sa mga audience. Tapos nahanap kita. Nginitian kita pero ibinalik ko nalang ang tingin ko sa mga judges kasi nakita kong kasama mo siya. Na nakatingin siya sayo. Lalaki siya at Lalaki ako, Niella. Alam ko ang ibig sabihin ng bawat ginagalaw ng mga lalaki. At sa mga tingin niya sayo, may iba. Niella, I don't want you to be owned by Mcchaine o kahit kaninong lalaki. Gusto ko akin ka lang. Akin ka lang, Raniella." nagulat ako sa haba ng sinabi ni Lance. Kakaiba ang mga tingin niya sa akin sa mga oras na iyon. I can see in his eyes that he means every word that he said.
Ano ng ibig sabihin mo Lance? Di ko alam kung kikiligin ako sa sinabi niya o hindi. Kasi best friend ko siya e.
Ayokong umasang mamahalin niya ako pabalik. Ayokong umasang magugustuhan niya din ako. Ayokong masira ang friendship namin dahil lang sa lecheng nararamdaman ko.
Natakot ako sa mga sinabi ng best friend ko. Natakot ako na baka mas mahulog ako sa kanya. Baka dumating ang araw na sobrang nahulog na ako at naging possessive na ako sa kanya. Ayoko. Ayoko.
"La-Lance, s-s-sa-saan nanggaling yan?" Bakit ganun? Bakit nauutal ako?
Raniella! Focus. Wag kang papaapekto.
"Wala lang. Hahahahaha" Sabi ko na e. Dapat lang na di ako kinilig at umasa. Natawanan tuloy ako. Dumb me.
"Ang cute mo, Cap. Namumula ka." H-ha? Nakooo! Nagb-blush ako? Wag naman. Di naman ako kinilig e. Tss. Di nga ba? Aba, ewan! Pati sarili ko di ko na maintindihan.
"Pero, seryoso ako. Wag si Mcchaine" sambit ka nito.
"Bakit wag si Mcchaine? Mabait naman siya. Tsaka---" Okay. So wala na akong karapatan na tapusin yung sasabihin ko?
"Ayoko sa kanya. Ayoko sa katulad niya. Ayoko siya para sayo. Kung para sayo mabait siya, sa akin hindi. Kesyo gwapo siya sa paningin mo, qualified na siya? Aba, Cap kailangan niya munang dumaan sa akin bago sayo." sabi niya sabay smirk.
"What's wrong with him ba, Mate?" tanong ko.
"Basta! Ayoko sa kanya! Get me?" pasigaw na sabi niya.
Tss. Daddy, is dat chu? Dinaig ang tatay ko! Bongga!
I smell something dilis. Hahahahahaha.
"Nagseselos ka ba kasi siya ang nakaka-usap ko nung di mo ko pinapansin?" tanong ko sa provoking way.
"A-ako? Magseselos? Bakit? Ano bang meron siya na wala ako?" sagot pa nito na tila naaasar.
"Charm." sabi ko sa kanya sabay ngiti sa kanya.
Di na siya nakaimik noong sinabi ko iyon.
Hahahahaha. He's so cuteeeee *O*
He's so cute pag sobrang naaasar na siya.
"Alam mo, Mate? Kahit ilang beses pa kita asarin na wala kang charm, lagi mong tatandaan na..." sabi ko habang hawak ang braso niya na unti-unting sumasandal sa kanya. "na totoo yun. Talaga naman kasing wala kang charm! Asan ka ba nung nagpa-ulan si Lord ng charms? Hahahahaha" pagpapatuloy ko sa pang-aasar kay Lance.
Inirapan naman ako nito ng parang bakla.
"Nasa langit kasi ako noon. Ako kasi yung pinasabog." banat nito.
Tss. Tss. Ang laking sinungaling ng batang 'to.
"Yabang oy." sabi ko sabay tulak sa kanya.
"Dito ka na naman ba matutulog?" dagdag ko.
"Oo." matipid niyang sagot.
"Okay." aba siyempre, matipid din ako no.
-
Nagdinner na kami kasama si daddy. As usual, out of place na naman ako sa usapan nila. Feeling ko nga di nila ako kasamang kumain kanina e.
Nandito kami ni Lance sa kwarto ko ulit.
May kwarto dito si Lance pero sa sobrang tamad niyang pumunta dun ayan siya na may kwarto sa kwarto ko.
Natulog sa kama ko. e. Tss.
Sosyal ka! May kwarto ka pa sa bahay ko. Walang hiya ka talaga! Bwisit.
Nagshower lang ako saglit at nagpalit na agad.
Pinagpatuloy ko naman ang pagbabasa ng libro na binili ko sa bookstore noon nang biglang nag-ring yung phone ni Lance.
Nilapitan ko iyon and to my surprise... Si Mandy lang pala nagtext.
"Hoy, Mate. Nagtext si Mandy." pag-gising ko kay Lance.
Ngunit di parin ito sumasagot. Tss. Mantika!
"Laaaaancceee!" sigaw ko sa tenga niya at success! Gising naaaa!
"Ang ingay mo! P*nyeta." bwisit na sagot nito.
"Nagtext si Mandy." sabi ko sabay belat sa kanya.
"Basahin mo." utos nito.
So, I'm your assistant now? Ang hirap naman maging best friend mo!
"Please?" dagdag niya.
In-open ko naman yung message at nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko.
"Basahin mo na." -Lance.
From: Mandy
Hey Lanceeeey! Uhm... I just want to tell you something. Pero promise me di mo ako iiwasan after this. Okay? I really like you Lance Enrico Javier. I don't know kung paano kita nagustuhan. Maybe dahil sa personality mo at siguro din sa simple but attractive smile of yours. Lance, this past few days di lang friend ang turing ko sayo... I saw you as a boyfriend material. Lance, gustong gusto kita. No. Mali. Mahal na mahal kita. I know, I should've told you about this before. Call me after you read this, huh? I love you.
BINABASA MO ANG
You Are The Risk I'll Always Take
Ficción General"If you are going to be one of my mistakes, then you'll be the best mistake I've ever had" x Not yet edited so please pagtiyagaan niyo muna. But if you don't want the unedited, contact me on how to order the published book. Edited na po yun :))