Chapter 9

4 0 0
                                    

Simula noong nalaman ni Lance na nakakausap ko na si Mcchaine, di na niya ako masyadong pinapansin. Mas madalas na silang magkasama ni Mandy. Edi si Mandy na ang best friend!

Tapos na ang exams at wala ng masyadong ginagawa sa school. Clearance at requirements nalang ang hinahabol namin ngayon.

Wala akong kasama.

Si Maikee kasi as usual, kasama si Kyle.

Niyaya nila ako kanina na sumama sa kanila pero sabi ko ayaw ko.

Ikaw ba gusto mong pagkamalan na third party?

Syempre, ayoko!

Si Lance... Ayun tanaw ko hanggang dito na masayang kasama si Mandy.

Wow. They look happy. No. They look perfect for each other.

Ano ba?! Ano bang sinasabi ko? Tss.

Ano na kasi yung gagawin ko? Tss. Masyado na akong distracted diyan a!

Oo nga pala. Pupunta pa ako sa teacher ko sa English tapos okay na. Tapos na clearance ko! Wooooo! Mag-ingay, Pilipinaaaaaaaass!

Pumunta naman ako sa English Faculty Room of BS Law

Nakita ko naman agad yung teacher ko at agad naman niyang pinirmahan yung clearance ko.

"Thank you, Ma'am" Pasasalamat ko.

Ngumiti lang siya pabalik tapos umalis na.

Umalis din naman ako agad sa building na iyon at dumeretso muna sa isang maliit na cafe malapit sa school.

Ang hirap naman talagang magkaroon ng kahati sa gusto mo at sa best friend mo.

Tawagan ko nalang kaya si Lance, mangungulit lang. Para pag effective at na-miss niya ako, edi may kasama na akooo!

*ring *ring *ring

Tss. Di lang sagutin.

Sungit talaga nito kahit kailan.

Try uleeeyt! Sinong best friend naman ang susuko sa best friend dibaaa?

*ring *ring *ring

"What?" Ayun! Sinagot din ng butiki.

Tss. Wala man lang hello? Di uso?

"San ka, Mate?" Tanong ko.

"Sa school. Bakit?" Sagot niya.

Ang cold niya. Ba't ganun? May nagawa ba akong mali? Kung babalikan ko naman kasi lahat ng pangyayari, sasakto yan sa gabing nag-group study kami.

Nung tinanong niya kung sinong kausap ko, sinagot ko na si Mcchaine yun. Tapos biglang di siya kumibo. Di na siya nagsalita. Kinaumagahan naman, di na siya nagpaalam sa akin. Kay Daddy ko pa nga nalaman na umalis na siya e.

Ano bang meron? Bakit ba ang gulo-gulong tao ni Lance?

"Wala kasi akong kasama e." Sagot ko.

"So?" Malamig niyang isinagot sa akin.

"Lance, may problema ba?" Tanong ko.

"Wala!" Pagkatapos ay binagsakan niya na ako ng phone.

E kung wala, bakit mo ako iniiwasan?! Ang gulo mo! Mas magulo ka pang kausap kesa sa langgam namin sa bahay! Ang laki ng problema mo! Nakakasira ka ng araw!

"Hey." Isang boses ng lalaki ang narinig ko mula sa likod ko. Liningon ko naman iyon. Laking gulat ko sa nakita ko.

"M-M-Mchaine?" Nauutal kong sabi.

Omg. Ang gwapo niya parin. Di siya nagbago. Same attractive eyes. Same enticing lips.

"Mind if I drink my coffee with you?" Tanong niya.

Ugh. The voice, sobrang nakakalaglag ng panty.

"No. Sige lang. Wala naman akong kasama e." Sagot ko.

Umupo siya sa harap ko at ngumiti sa akin.

Nakss. Killer smile parin ang dating ng ngiti mo sa akin Mcchaine.

"So, How are you?" tanong niya habang nakangiti.

Mcchaine, wag kang ngumiti. Natutunaw ako e.

"Okay lang naman. Maganda parin. Hehe. Charot." Sagot ko.

Natawa naman siya. Wth. Mas ngumiti siya. Natutunaw na ako.

"Bakit mo binawi? Totoo naman. You still look beautiful. I mean, you are more beautiful now." Banat ni kuya na may matching killer smile pa.

Lord naman. Sabi ko french fries lang. Coke float at fries binigay mo. May burger pa.

"Hahahahaha."

"Why are you laughing? Wala naman akong nasabing joke." Sabi ni Mcchaine.

Tapos dumating na yung order niyang coffee. Nilibre niya din ako. Sabi ko wag na, pero nag-insist siya e. Wala naman akong magagawa. Wala din kasi akong pera e. Tumambay lang talaga ako dito.

Nagkwentuhan lang kami tungkol sa buhay niya sa ibang bansa at yung tungkol sa school.

Hanep din pala itong taong 'to e. Kaya pala siya napadpad ulit dito sa Pilipinas kasi bumabagsak siya sa mga subjects niya sa school nila sa Amerika. Hahahahahaha. Puro parties lang kasi inaatupag doon.

Nagkwento din naman ako sa kanya kung anong naging buhay ko sa Saint Matthew. Nasabi ko sa kanya na anti-social ako. Nung una, di siya naniwala pero sa mga sumunod kong kwento naniwala din siya. Sa totoo lang, di siya boring kasuap. Di siya awkward kausap. He knows how to make you laugh hard. He's a man with a sense of humor.

"Hatid na kita" Mcchaine insisted.

Oo nga pala, kung nalilito kayo, Nandito kami sa labas ng cafe ngayon. Kanina pa kasi kami nakatambay sa loob. Masakit na din ang mga pwet namin. Hahahaha.

Ayoko sana kaso magpahatid pero nakita ko si Mandy at Lance. Balak ko din sanang kausapin si Lance pero mukhang di pa pwede.

"Sure, if you insist" Sagot ko.

Pinagbuksan niya ako ng pinto. Sobrang gentleman siya. Kaya ko 'to crush e.

~*~*~*~*~

We're on our way to our house when he opened a topic.

"Bakit di mo man lang pinansin o nilapitan si Lance kanina?" Tanong niya habang nagda-drive.

"Hahahahaha. Kasama niya si Mandy. Baka kasi iwasan niya ako. Mas close na kasi sila ng girl na yun e." Nagulat siya sa naging sagot ko. Halatang nacu-curious siya kung bakit di kami nagpapansinan ni Lance.

"Woah. Best Friends kayo diba?" Sabi ni Mcchaine.

"Yeah. I think so. Di na kasi siya tulad ng dati. I mean, we used to be together everyday kahit gaano pa siya o ako kabusy sa ginagawa namin." Sagot ko.

"You know what? You should talk together. Yung kayong dalawa lang." Advice ni Mr. Killer Smile (Mcchaine)

Then, something went inside my head. Parang may nakakalimutan ako. Hindi naman gamit kasi tinignan ko naman ng mabuti yung bag ko. Oh! I remember.

"Yung audition niya... Omg! Mcchaine, can you turn back the car?" Natataranta kong sabi.

Ngayon yung date ng audition ni Lance. I need to be there. I mean, I promised him kasi. Kahit ganito ang sitwasiyon namin susuportahan ko parin siya. Best Friend ko yun e.

"Why?" Tanong niya.

"Audition ni Lance ngayon. Pwede mo ba akong dalhin dito?" Tapos pinakita ko yung address kung saan yung exact place.

"I know this. Okay." Agad niya naman inikot ang sasakyan niya at binilisian ang takbo nito.

Wala akong pake kung mauntog ako o kung ano dito sa sasakyan basta ang alam ko, I NEED TO WATCH AND SUPPORT MY BEST FRIEND

You Are The Risk I'll Always TakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon