At last, natapos din kami ni Maikee dito sa kitchen. Pinahugas ko nalang yung mga ginamit sa pagluluto sa isa naming maid.
Then, we served the food sa diner table.
Pagkatapos, nagpunta na din kami sa labas para manood ng laro nila Lance.
Nagulat ako sa pagdating namin doon dahil nakita ko si daddy na nakikipaglaro din. Nakakatuwa. Ngayon ko lang ulit siya nakitang ganito kasaya.
Pinasa ni Kyle yung bola kay Lance na siguro ka-team niya sa laro tapos sabay shoot.
Tumayo naman si Mandy upang mag-cheer para kay Lance.
"Goooo babe! I Love You." sigaw nito.
"Mandy, mukha bang PBA ang pinapanood natin? Ang OA mag-cheer ha." Halatang naiirita si Maikee nang sabihin ito.
Gusto kong tumawa pero wag nalang. Akalain mo, alam pala ni Maikee ang salitang OA no?
Natahimik naman si Mandy saglit. Nakaramdam din siguro siya.
Hawak naman ngayon ni Daddy ang bola tapos hinaharangan siya ni Kyle to keep the ball out of Mcchaine's hands. Pero sa galing lumusot ni Daddy, naipasana naman agad niya ito kay Mcchaine.
Si Lance naman hinaharangan ngayon si Mcchaine para hindi maka-shoot si love ko.
Agad naman nag cross over si Mcchaine tapos yun oh! Na-shoot niya yung bola! Ang galing!
Pumalakpak naman kami ni Maikee.
Tinuloy lang nila yung laro. Halatang concentrated si Mcchaine at Lance. Si Daddy at Kyle naman nagtatawanan. Ang cute nga nila tignan e.
Nasa kamay naman ni Lance yung bola tapos nasa harap niya si Mcchaine. Hindi open si Kyle kasi sobrang dikit ni Daddy sa kanya at hindi siya makagalaw. Paano? Kasi nakayakap si Daddy sa kaniya. Hahahahaha. Mga baliw talaga!
Makakaiwas na sana si Lance kay Mcchaine pero timing naman ang pag-agaw ni Mcchaine sa bola at mabilis siyang tumakbo upang i-shoot ito sa ring.
Nagtagumpay naman siya sa pag-shoot nito. Pumalakpak muli kami ni Maikee.
Nag-time out naman si Kyle dahil napagod ito sa pagtakas sa yakap ni daddy. Hingal na hingal nga siya e.
Sabay-sabay kaming pumasok sa loob upang magpahinga.
Siyempre ako, inasikaso si Mcchaine. Pawis na pawis ito.
Pinunasan ko iyon at inabutan siya ng tubig.
"Gusto mong mag-shower?" tanong ko dahil sobrang lagkit na ng balat niya sa pawis niya and to cool down his body - to refresh him.
"Yes, please." sagot nito.
Then we went to my room and showed him the shower. Inabutan ko din siya ng towel. Dad voluntarily let Mcchaine borrow one of his shirts.
I waited for Mcchaine to finish.
Nakaupo ako sa kama ngayon. Ugh. I missed this room. Finally, I can sleep again with my pillows.
Ilang minuto din ay lumabas na din si MCchaine sa CR.
And he's half naked. And I'm like "Kanina pleaseeeee?!"
Parang nag-slow ang paligid ko. Ugh. Ang hot beybeeeeh!
Those 6 pack abs are burning so hot.
Unti-unti kong kinagat ang lower lip ko dahil baka mamaya tumulo na lahat ng laway ko.
Dahan-dahna niya ako nilapitan.
Sobrang lapit na niya sa akin. Tapos kinuha niya ang isang kamay ko at inilagay niya sa hot niyang body. Baby, napaso ako! Ang hoooot. Omg!
BINABASA MO ANG
You Are The Risk I'll Always Take
General Fiction"If you are going to be one of my mistakes, then you'll be the best mistake I've ever had" x Not yet edited so please pagtiyagaan niyo muna. But if you don't want the unedited, contact me on how to order the published book. Edited na po yun :))