After eating, we went immediately to our room to take a rest. Well, ako di masyadong nangangailangan ng rest dahil natulog na ako kanina.
"I'm tired." Mcchaine whispered pero sa sobrang tanga niya, imbes na whisper na siya lang ang nakakarinig, whisper na rinig na rinig ang ginawa niya.
Gusto ko sana siyang asarin pero mukhang pagod na talaga siya.
"Mag-rest ka na. I can manage myself." sabi ko.
He smiled pagkatapos ay tumango siya.
Before he laid on the bed, he said "Yung medicines mo, inumin mo na. Wag mong kakalimutan. I Love You."
Then he fell asleep na.
I went to our balcony, pinagmasdan ang magandang view sa harp ng kwarto namin.
I was so relaxed while watching the view, suddenly my phone rang.
Maikee's calling me.
I answered the call immediately because Mcchaine might wake up.
"Hello?" I greeted.
"Hi besshieee. Omg! I missed you so much! Ano? Kamusta? Kayo na no? Huy! Sumagot ka nga! Ano? Ikaw di ka nagkukwento ha! Di mo ako tinatawagan. Wala man lang akong kaalam-alam na kayo na pala! Ano? Anong ginagawa mo? Maganda ba diyan? Uy, punta tayo ulit diyan a? Yung kasama na ako! Para masaya! Picutran mo nga yung view. Omeeee. Bessh!" mabilis na sabi nito. Akala ko si Eminem na 'to e.
"Hinay-hinay lang bes. Mawalan ka ng hininga." sagot ko habang nagpipigil ng tawa.
"Sagutin mo na kasi yung tanong ko!" demanding masyado bes?
"Saan ba sa mga tanong mo ang gusto mong sagutin ko? E daig mo pa si Boy Abunda sa sobrang bilis mo magtanong e. Feeling ko nasa Tonight With Boy Abunda tuloy ako."
Narinig kong bahagya siyang tumawa.
"Kayo na ba ni Mcchaine?" seryoso nitong tanong.
Nang itinanong niya ito, hindi ko inakalang sobrang iinit ang mga pisngi ko. Hot-seat ako neto.
Di ko alam kung anong isasagot ko. Pero alang-alang sa pag-momove on ko gagawin ko ito.
"Yes." matipid kong sagot.
"Ha? Kailan pa?!" boses lalaki ang narinig ko.
Pamilyar iyon pero ayoko nang tanungin pa. Baka yug boyfriend lang ni Maikee yun. Alam ko naman na sa sobrang sweet nung dalawa, di na sila mapaghihiwalay.
"Hoy, Maikee! Naka-loudspeaker ba yang phone mo?" tanong ko.
Aba, itsitsismis pa ako ng babaeng ito. Napaka. Napaka-tsismosa.
"Di bes. Talagang malakas lang talaga yung speaker ng phone ko. You know?" sabi nito sa kinakabahang tono ng boses.
"Uhm... Kamusta ka na? Okay ka ba diyan?" pang-iba nito sa usapan.
"Yes. I'm so fine. Inaalagaan naman ako ni Mcchaine." napatingin ako kay Mcchaine na natutulog ng sobrang himbing. "He's sweet. Maalahanin. Iniisip niya muna ang kaligayahan ng ibang tao kesa sa sariling kaligayahan niya. Gentleman. Perfect man." sagot ko.
Naramdaman kong may ngiti na namang nakaguhit sa labi ko. Why am I always like this? Tuwing pag-uusapan si Mcchaine, I always smile like an idiot. I get this feeling na parang electricity na unti-unting kinakain ang sistema ko.
"Ganun? I'm happy for you then." sabi ni Maikee.
Nagulat ako sa naging sagot ni Maikee. Actually, di naman ganito sumagot si Maikee sa akin e. Lalo na pag talagang masaya siya para sa akin. Wierd.
"I have to take my medicine na. Call me nalang later again. Bye bes." sabi ko.
Naalala ko yung sonabi ni Mcchaine. Baka mamatay ako ng wala sa oras. Hahahaha.
"Bye." sagot ni Maikee saka niya binaba ang phone.
Pumasok ako sa loob saka uminom ng gamot
Biglang may papel na lumusot sa pintuan. Nilapitan ko iyon at binuksan ang pinto para tignan kung sino ang may gawa noon. Pero nang mabuksan ko ang pinto wala akong nakitang tao o anino ng tao.
Pinulot ko ang papel sa inilusot ng taong iyon.
Hey Raniella! I'm happy that you're happy and enjoying your vacation with Mcchaine. Don't stop loving each other. You look good together :)
Huh? Who the hell wrote this? Masyado siyang updated. Excellent ang connection niya sa wifi. -_-
~*~*~*~*~*~*~
It's already night time and I have to change clothes now because I still have a dinner date. Char! Hahahahahahaha.
Nag-shower na muna ako tapos nag-ready ng susuotin ko. I'm not with Mcchaine. Siguro nauna na iyon or naglalakad sa labas.
I'm wearing a Strapless Summer Hi-Lo floral dress. Isa ito sa mga binili ni Mcchaine pa sa akin. I have to say this, that guy have a good taste in choosing clothing for women.
Kinuha ko yung phone and wallet ko sa bed. I turned it on and I have no notification.
I took a picture of myself first for my instagram. Di ako blogger but I love posting OOTDs.
I'll edit the brightness and contrast nalang siguro mamaya. I have to go na kasi baka mainip pa yung date ko. Char again! Wow. Ang ganda ko masyado. Hahahahaha.
Bumaba na ako at dumeretso sa isang restaurant. Yung restaurant na sinabi ni Mcchaine na pupuntahan namin for dinner.
Malapit lang naman.
I went inside na agad and one staff of the restaurant approached me.
"Good evening madam. Any reservation?" he asked.
"Yes. Mr. Mcchaine Feliciano." I answered.
He checked the list then finally he said, "This way, Madame"
She showed me the way hanggang sa narating namin kung nasaan si Mcchaine.
He was standing, nakatingin sa malayo. He's wearing a black tuxedo. Sobrang formal ata ng dinner na ito. Di ako masyadong nainform.
I went near him. Pero nakatalikod parin siya. Mukhang may malalim na iniisip.
"Hey." bati ko.
Lumingon siya at humarap sa akin.
Ngumiti ito at lumapit sa akin. Hinila niya ang upuan at tinignan ako.
"Come on, sit here." sabi nito.
Sinunod ko naman.
Pagkatapos ay umupo siya sa upuan niya na nasa harap ko.
Table lang ang pagitan namin pero ramdam ko na parang may something lalo na nang tinignan niya ako ng deretso sa aking mga mata.
"You wanna eat now?" tanong niya.
"Yes, please." sagot ko.
He gave a sign to the waiter. Siguro para iserve na yung pagkain.
Agad naman kumilos si kuya waiter.
"Di ka ba comfortable? You seem not okay." he said.
"Yes. I'm fine." sagot ko.
Mayamaya lang ay sinerve na ang pagkain.
BINABASA MO ANG
You Are The Risk I'll Always Take
General Fiction"If you are going to be one of my mistakes, then you'll be the best mistake I've ever had" x Not yet edited so please pagtiyagaan niyo muna. But if you don't want the unedited, contact me on how to order the published book. Edited na po yun :))