Chapter 22

5 0 0
                                    

"Harcind, tutulo na yang laway mo."

"Laway ng maganda!" Gulat kong sabi.

May gusto pa akong isama sa characteristics niya na nasabi ko kanina. Kabute siya. Kabute ho si Mcchaine.

"Sht. Nagulat ulit kita. Fck. Are you okay? Gusto mo ba ng tubig?" Natataranta niyang sabi.

"Di. Okay lang. Di naman ako masyadong nagulat. Okay pa ako." Sagot ko.

"So, okay ka pag lumabas?" Nag-aalalang tanong niya then he cupped my face.

"Oo naman" sagot ko.

Tinanggal niya naman ang kamay niya na naka-hawak sa pisngi ko. Pagkatapos ay inabot ang isang kamay niya.

"Off we go?" Naka-ngiti niya itong sinabi.

Tumango lang ako at tinanggap ang iniabot niyang kamay.

Sobrang higpit ng hawak niya sa kamay ko.

Di naman ako nasasaktan pero ramdam ko ang higpit ng hawak niya.

Napa-tingin ako sa kanya habang naglalakad kami. Nakita ko na naka-ngiti siya.

Siguro pag kada isang ngiti 500 pesos mayaman na itong kasama kong 'to. Yaman nito sa ngiti. Wth. Hahahahaha.

"Gwapo na nga, mas nagiging mas Gwapo pag nakangiti."

Raniella! Anong sinasabi mo? Landi mo a. Hoy hoy hoy!

Wtf. Omeeegweeed. Anong sinabi ko? Sht sht. Narinig niya ba? Sana Hindi. Hindi yan. Hindi niya yun narinig. Wala siyang narinig.

E paano kung narinig niya? Anong gagawin mo haliparot ka?

Maka-haliparot 'to. Grabe siya o.

Oo nga naman. Paano pag narinig niya?

Edi gamitin ang www.ExpertPalusotTipsParaSaKatangahanNiRaniella.com

"A-ano?" Unfortunately may kutob akong narinig niya dahil sa naging tanong niya.

"Sabi ko ang gwapo ng sapatos ni kuya. Ayun o!" Palusot ko sabay turo sa sapatos ng lalaking naka-tayo sa may tabi.

"So mas pogi yun kesa sa akin?" Parang bata siyang naka-pout ngayon.

Hindi. Mas gwapo ka kesa dun sa sapatos ni kuya kahit SC Under Armour pa yung sapatos nun.

"Oo." Pang-asar ko.

My turn to play. Kanina pa 'tong lalaking 'to e.

"Okay lang. Alam ko naman na nagsisinungaling ka." Sagot nito

Di lang siya kabute. Mayabang din. Pasalamat ka pogi ka kundi pinatulan na kita.

Ay! Hard ko! Hahahahaha

Di ko nalang siya pinansin. Na-guilty ako e. Hahaha.

Una kaming nagpunta sa Burham Park.

Naglakad-lakad kami.

Ngayon ko lang nalaman na mahilig pala si Mcchaine sa photography. Mahilig siyang kumuha ng nature pictures.

Naupo muna ako sa isang bench sa park habang kumukuha siya ng litrato. Pinagmamasdan ko siya. Talagang masasabi mong gusto niya ang ginagawa niya sa bawat galaw at expression ng mukha niya tuwing kumukuha siya ng litrato.

You Are The Risk I'll Always TakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon