We just finished our dinner. Grabe. Luamki ata yung tiyan ko. Di ako makahinga sa suot ko e. Feeling ko kailangan ko nang tanggalin 'to now na.
Napatingin ako kay Mcchaine. At nakita ko na naman siyang nakatingin sa malayo. Mukhang malalim ang iniisip.
"You said we have something to talk about." pagbasag ko ng katahimikan.
Napatingin ito sa akin. Seryosong mukha ang bumungad sa akin. Tila meron itong gustong sabihin na hindi niya mailabas.
"Look, hindi ko gusto ang gulo. I promise you after this talk walang mangyayaring di maganda. I just want to be honest with you, Harcind." sabi nito.
Naguluhan ako sa sinabi ni Mcchaine. Madaming tanong ang nabuo ngayon sa utak ko. Mga tanong na hindi ko alam kung saan ko sisimulan hanapan ng sagot.
Sa sobrang curious ko, "Just spill the beans." sagot ko.
"Alam kong sobrang close kayo sa isa't isa ni Lance. Alam ko at alam mo na mas kilala mo siya kesa sa sarili niya. Alam kong importante at special siya sayo. At alam ko din na mahal mo ang kaibigan mo. Ayokong pangunahan ka, Harcind. Pero sa mga tingin mo kay Lance, hindi mo kailan ibinigay ang ganoong tingin sa ibang tao. Sa bawat ngiti mo pagkasama mo siya, sobrang meaningful. You always seem happy with him. Alam kong hindi ko kailan malalagpasan si Lance pero Raniella, ang alam ko lang kaya kong ibigay sayo ang buhay ko, buong pagkatao ko, buong puso ko, buong kaluluwa ko."
Halos tumulo ang luha ni Mcchaine habang binabanggit ang bawat salitang iyon. Sobrang nakikita ko ang sincerity niya sa mga sinabi niya. I can't even say a word right now.
"Mcchaine..." hindi po naituloy ang sasabihin ko dahil agad itong nagsalita.
"Wait... I have to finish all what I want to say. Please?" sabi nito.
Tumango ito saka naman siya nagpatuloy sa pagsasalita.
"I loved you from the very start. Believe me or not but I swear, I'm telling nothing but the truth. Mamula noon hanggang ngayon, ikaw parin ang tinitibok ng puso ko." Naguguluhan ako sa sinabi ni Mcchaine. What does he mean? "Nahirapan akong lapitan ka noon. Natakot ako. Kasi baka pag nilapitan kita galawin ako ni Lance at baka ang pamilya ko ay idamay niya. Hindi ko sinisiraan ni Mcchaine but Harcind alam mo at alam ko ang tungkol kay Lance. He has been in a gang. At leader siya ng gang na iyon. I was so close on telling you what I feel about you pero dahil lang sa naduwag ako, hindi ko nasabi sayo yun. Nagalit ako sa sarili ko dahil iyon ang unang beses na hinayaan kitang bumitaw sa kamay ko. I'm sorry, Harcind. I'm sorry because I'm a coward." sa bandang ito, nakita ko ang Mcchaine na hindi ko inakalang makikita ko. Tumulo ang luha mula sa kaniyang mga mata. Gusto kong punasan ang mga luhang iyon pero pinigilan niya ako sabay sabing, "Sandali lang. Di pa ako tapos." Nagpatuloy siya.
"Ilang beses ako hindi makatulog sa gabi dahil masakit isipin na hindi ko man lang naipaglaban ang nararamdaman ko sayo, paano nalang pag naging tayo? Pero Harcind, I can tell you that I'm ready now. Handa na akong ipaglaban ang nararamdaman ko. Handa na akong ipaglaban ang ninanais kong tayo. Mahal kita. Mahirap paniwalaan lahat ng sinabi ko, pero Harcind ito ang totoo. Alam ko na tumatakbo sa isip mo ang mga salitang "tao ka kaya pwede kang magsinungaling". Oo, tao ako at kayang kong gawin iyon. Pero kung wala talaga akong nasabing totoo sa lahat ng sinabi ko, please believe me... Yung 'Mahal kita' ang pinakatotoo sa lahat. I Love You and it never changed and it will never be changed. You are the oxygen I breathe."
Halos mamula ang mga mata niya sa sobrang bilis ng pagdaloy ng luha niya. I felt everything. Ibang iba ang nararamdaman ko. Gustong gumalaw ng mga paa ko. Gusto nilang pumunta sa tabi ni Mcchaine at mismo ang mga kamay ko ang nag-uutos sa akin upang yakapin si Mcchaine ng mahigpit.
"Bakit... Bakit di mo agad sinabi?" tanong ko.
Ewan ko ba kung tatanungin ko lang ng mga tanong sa utak ko. But you can't blame me for having billions of questions in my head. Ang daming unexpected na pangyayari.
"I'm sorry." matipid nitong sagot.
"Ayokong pangunahan ka sa mga desisyon mo. Raniella, if you can't love me the way I love you, you can just tell me right now. Ayoko kasing nag-aassume akong pwede pa." sinabi niya ito habang nakayuko.
Napaisip ako. Mcchaine deserves so much. Kaya ko bang ibigay iyon?
"I don't think so. I can't love you the way you deserve." sagot ko.
Napansin kong nanginginig na siya sa pag-iyak.
"But I'm sure I can love you in the way I know and I can." sinabi ko ito ng may ngiti sa mukha. Ewan ko kung bakit pero may feeling ako na sobrang kakaiba but I must admit, it feels good.
Napatingin siya ng deretso sa akin and I swear that stare gave me chills.
Ngumiti ito at napa-face palm.
"I'm not sure of what I've heard." sabi nito na para bang hindi siya makapaniwala sa naging sagot ko.
"I... Love... You.. Mcchaine" sagot ko.
Halos magpagulong gulong siya sa floor noong sinabi ko iyon. He looks like a kid jumping.
"Harcind, I promise you, you won't regret this." sabi nito sabay yakap sa akin.
"I know." ani ko.
After that, we danced and talked. Sobrang saya ng gabing ito.
A beautiful place and a beautiful story.
Then we walked outside until we reached the hotel. Nagulat ang guard sa aming dalawa dahil siguro sa kakaibang hawak ni Mcchaine sa kamay ko and his tuxedo jacket around me.
Paglapit namin sa door pinagbuksan kami ni manong guard at nginitian si Mcchaine na para bang nag-uusap sila sa pamamagitan ng kanilang mata.
Then Mcchaine said to manong guard, "Finally."
Huwag mong sabihin na pati si Manong friendship niya na rin. Hahahahaha.
Tahimik kaming umakyat sa room namin pero ramdam ko ang tuwa ni Mcchaine.
"I'll just take a shower." sabi ni Mcchaine pagkapasok namin sa room.
"Okay." sagot ko.
"How about you?" tanong nito.
"Later." sagot ko.
"No. Ikaw nalang muna. While I get ready..." sabi nito habang naka-smirk.
Uh-oh. Di ko ata gusto 'to.
"...with my clothes." habol nito sabay tawa.
"I didn't know my girlfriend has a dirty mind." sinamaan ko siya ng tingin at unti-unti naman itong tumigil. Na-gets niya naman siguro.
"Sorry." agad nitong sabi. Ang cuuuuteee. Emeeeged.
Pagkatapos ay pumasok na ako sa cr upang mag-shower.
BINABASA MO ANG
You Are The Risk I'll Always Take
General Fiction"If you are going to be one of my mistakes, then you'll be the best mistake I've ever had" x Not yet edited so please pagtiyagaan niyo muna. But if you don't want the unedited, contact me on how to order the published book. Edited na po yun :))