Chapter 39

2 0 0
                                    

"Bes, grabe. Okay ka lang? Ano? Sabihin mo lang! Itatakbo ka na ba namin sa hospital?" OA na sabi ni Maikee

Jusko. Hospital agad?

"Gaga! Pwede bang kahit ngayon lang, wag OA?" Sagot ko.

"Kasi naman bes. Hindi ka pa pwedeng mamatay kasi masama kang damo at lahat ng masasamang damo di namamatay ng maaga." Sabi nito sa way na parang sinesermonan ako.
Atsaka isa pa, ano bang sinasabi nito? Gusto niya ba akong patayin? Aba'y sira ulo ito a!

"You want a slap?" Naiinis kong sagot.

"Oh. Sorry bes." Sagot niya.

Hindi naman nagtagal ay dumating na din si Mcchaine bitbit ang mga pinamili namin kanina. Inilagay niya muna iyon sa likod ng sasakyan saka siya lumapit sa akin.

"Damn. I'm nervous. Are you okay? Do you need something?" Sabi nito sa tonong nag-aalala.
Hinawakan ko lang kamay niya at ngumiti sabay sagot, "I'm okay. It's usual."

"Ata Ti kunam." Halatang sarcastic na sabi ni Maikee.

*Ata Ti Kunam - is came from the dialect Ilocano which means "Yan ang sabi mo."

"Maikee!" Suway ko.

Nanahimik naman ito agad.

Ilang minuto lang kaming nanahimik pero nabasag iyon noong nag-ring ang phone ni Maikee.
Sinagot naman niya iyon agad. Baka importante kaya sobrang bilis niyang sinagot. Maybe the call is from her mom.

Saka lang naman mabilis ang pagsagot niya pag mommy na niya ang tumatawag e. Bakit? Kasi pag naka-tatlong missed calls na ang mommy niya sa kaniya siguradong bunganga ng nanay niya ang bubungad sa kaniya pag uwi niya.

"Hello?" Pagbati nito sa kausap niya.

"Ha? Bakit ang bilis naman. Pauwo palang kami e." Sagot niya.

Sa sagot niyang ito, alam kong hindi na ang mommy niya ang kausap niya. Sino kaya?

"Uhm... Sige. Malapit naman na kami." Muli niyang sagot.

"Ikaw lang ba ang pumunta o kasama mo si Mandy? E si boyfie ko?"

Sa puntong ito, nakilala ko na kung sino ang kausap niya. Si Lance. Ewan ko pero bigla akong nakaramdam ng kaba. Wala naman siguro itong ibig sabihin kasi siyempre ilang araw ko na siyang nakita at ngayon ko lang ulit siya makikita.

Naramdaman kong hinawakan ni Mcchaine ang pisngi ko.

Napatigin ako sa kaniya at ngumiti.

"I Love You." He whispered then he kissed my hand. The one that he is holding.

"I Love You More, Love." Sagot ko.

"I Love You Most, Love." Sabi nito habang naka-ngiti.

Sa buong biyahe hawak ni Mcchaine ang kamay ko.

~*~*~*~*~*~

Nang makarating kami sa bahay agad ibinaba ni Mcchaine ang mga pinamili ang agad ko naman binuksan ang pinto upang maipasok na niya ang mga iyon sa loob.

Si Maikee naman nagpaiwan sa labas kasi hihintayin niya daw si Kyle. Haynako. Hindi na talaga mapaghihiwalay yung dalawang iyon. Sana... Sana ganoon din kami Mcchaine.

You Are The Risk I'll Always TakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon