Mcchaine's POV
After I ate my lunch dali-dali na akong pumunta sa hospital. Pagka-akyat ko sa floor ng kwarto ni Raniella, nagulat ko nang nakita ko si Maikee na natutulog sa upuan sa labas ng kwarto ni Raniella. Nakapagtataka.
Hindi ko muna siya ginising at dahan-dahan akong lumapit sa door. Unti-unti ko itong binuksan at isang scene ang dumurog sa buong puso ko. Namanhid ako.
Kinakausap ni Lance si Raniella at tila umiiyak pa. Pinagkinggan ko ito at hinintay itong matapos.
Pero sa huli'y nagsisi ako kung bakit ko pa iyo ginawa. Sobrang bigat ng nararamdaman ko habang pinapakinggan ang bawat salitang binibigkas niya. Hanggang sa humantong sa pinakamasakit na part, ang sabihin niya mahal niya si Raniella. Mahal niya ang girlfriend ko.
Mas lalo akong natakot. Pero alam ko naman e. Alam ko naman na mahal din ni Raniella si Lance e. Ipinilit ko lang talaga ang hindi pwede. I went to the comfort room immediately noong tumayo na si Lance.
Tumingin ako sa salamin. Nakita ko ang Mcchaine na pilit pinipilit ang sarili sa napipilitang tanggapin siya. I get it. At least sinubukan ko.
Kung gising lang si Raniella, sasabihin din niya na mahal niya si Lance. Ang tanga ko no? Alam ko naman na hindi pwede e.
After many minutes, lumabas na din ako at nagtungo sa kwarto ni Raniella. Umupo ako sa tabi niya.
"Masaya ka ba sa kaniya? Mas napapasaya ka ba niya? Mahal mo ba siya?" Tanong ko kay Raniella at umaasang sasagutin niya.
Nakatitig ako sa kaniya at nakita kong may luhang tumulo mula sa kaniyang mga mata.
"I'll take that as a yes." Sabi ko.
Maybe I should just continue with my original plan.
I called the father of Raniella immediately
"Hello?" He greeted.
"Tito, I found a donor already." Sabi ko pagkatapos ay binabaan ko na siya ng phone.
Agad akong nagpunta sa doctor ni Raniella. I knocked. Fortunately, nandoon naman siya.
"May I talk to you, doc?" I asked.
"Sure. Please, sit." Sabi ng doctor pagkatapos ay umupo naman ako sa harap niya.
"I found a donor already for Ms. Cordova." Bungad ko.
"That's good." Sagot niya.
"It's me." Agad kong sabi.
"No. We can't do that. You can't just donate your heart. Hindi pwede dahil buhay ka at hindi din natin sure kung compatible kayong dalawa." Sabi nito.
"We're compatible! Matagal ko nang pinaghandaan ito. Pina-investigate ko na iyon. We'll do this. All we have to do is sign the contract then we're good." Pagpilit ko.
"Hindi nga pwede. Kahit ilang beses mo pa akong pilitin hindi ako papayag. Please, just stop this and go. Madami pa akong gagawin." Pagtanggi niya.
Pero buo na ang decision ko. It's final. Wala nang makapagbabago pa sa ikot ng plano ko.
"Kung nakikita mong nasasaktan na siya, hindi ba gagawin mo ang lahat para wag lang niyang maramdaman ito? Kung nakikita mo siyang napipilitan na siya, hindi ba dapat itigil mo na at magparaya nalang para hindi na siya mahirapan? I want to lessen the pain. Masaya siya kay Lance. She wants to spend her life with Lance at hindi sa akin. Pag mahal mo ang isang tao gagawin mo lahat ng makakaya mo maging masaya lang siya. Masaya siya kay Lance. How can she be happy with him if this is her condition? She deserves to live and she deserves a man who will love her completely. Oo, mahal ko siya. Pero si Lance ang mahal niya. I love her kaya ginagawa ko ito. So, please just sign this." Pilit ko. Ibinigay ko ang papel na matagal ko nang inayos.
I'm really hoping that he'll sign the contract.
"Sorry but I really can't." Sagot niya.
"Natapos na ang buhay ko noong araw na nawalan na ako ng magulang. I want to finish my pain. Ganoon din kay Raniella at Lance." Sabi ko habang nakayuko.
"You are really willing to do this. Napakabait mong tao, Mcchaine. Kaya mong ibigay ang buhay mo para sa taong mahal mo kahit hindi niya ito gaano deserve." Sabi nito habang hawak yung contract.
Tumango ako.
"She deserves it. I can tell you." Sagot ko.
Kinuha niya ang pen sa table niya at pinirmahan din ang papel. I was so thankful.
"When can we do it?" Tanong ko.
"Whenever you're ready." Sagot niya.
"Tomorrow." I replied.

BINABASA MO ANG
You Are The Risk I'll Always Take
General Fiction"If you are going to be one of my mistakes, then you'll be the best mistake I've ever had" x Not yet edited so please pagtiyagaan niyo muna. But if you don't want the unedited, contact me on how to order the published book. Edited na po yun :))