Nandito na kami sa pinaka-taas ng station ng zip line kung saan namin mae-experience ang zip line. Okay. Ang gulo po pero please imagine niyo nalang. Hahahahahaha.
Kami na ang next mamaya and I'm not really happy about this. Mukhang aatakehin pa ako muna ako sa puso bago ako makapag-zipline adventure.
Lord, huwag niyo po akong pababayaan. Masama po akong damo kaya wag po muna niyo akong kukunin. Huhuhu.
"Babe." tawag ni Mcchaine na parang tuwang-tuwa pa sa itsura ko.
"Naka-ilang mysteries ka na sa dasal mo?" he smirked.
Sa totoo lang, gusto ko itong patulan pero takot kasi akong gumalaw e. Ang taas nito tsaka... Ano... Ano e... I AM AFRAID OF HEIGHTSSSSS!
"Humanda ka sa akin pagbaba natin dito. Kumukulo na dugo ko sayo ha?" sabi ko habang naninigas parin sa kinatatayuan ko.
Ini-snoban ko nalang ang lalaking ubod ng yabang. Tumingin ako sa dalawang babaeng nagreready na for the zipline.
They look excited. Ako, I look dead.
"Babe, we're next." sabi ni Mcchaine
Hinawakan ni Mcchaine ang kamay ko saka tinignan na parang nakakita siya ng multo. Ano na naman ang pakulo nito?
"Your hands... They're cold." he said.
Humarap siya sa akin at hinawakan ang mga pisngi ko.
"Don't be nervous. Nandito lang ako. As long as you're with me you are safe and sound." he comforted me.
I just smiled at him and together we step forward then get ready for the adventure.
"Ma'am, Sir Ready na po tayo. Bibilang nalang po ako ng tatlo tapos adventure begins" Sabi ni Manong.
Kuya, pangpa-kaba po ba yan o pampa-excite?
"Harcind, everything's fine. I got you. You got Me. I Love You, You Love Me."
"Ambisosy----"
"Heeeeep! Walang aangal. Ramdam ko yun babe." Tapos humalakhak ang hayup.
Kung hindi lang naman ako nakabitin e bubog sarado na itong taong 'to e.
"1...." Omg! Nagsisimula na ang countdown ng buhay ko "2..." Malapit na... Lord, kayo na po bahala sa akin. Alam ko naman po na naging mabait akong anak sayo at sa tatay ko. "3!"
"Waaaaaaaaaaaaah! Ibaba niyo na akoooo! Mamaaaa! Noooo! Baba niyo ako!"
Halos mangiyak na ako. Jusko. Lord, kukunin mo na ba ako?
"Babeeee, you're not going to die! Ako, mabibingi na sa sobrang ingay mo!" Sigaw ni Mcchaine.
Medyo natauhan naman ako pero ayoko na talaga e. Ang taas kayaaaa!
"Harcind, look into my eyes. What do you see?" He said.
Tinignan ko siya. Oo, sinunod ko nalang iyon dahil takot akong tumingin sa baba.
"My reflection." I answered.
"Yes. That's right. I see a girl too. A beautiful girl. She is more beautiful than the city lights and stars. You're beautiful, love." sabi nito habang nakangiti.
"Wag kang matakot. I got you."
"I know. You got me, always."
Ngumiti siya na parang tanga. I mean, sobrang laki ng ngiti niya na para bang mapupunit na yung labi niya.
"I Love You." ani Mcchaine.
And then the ride is done.
Tinanggal na namin yung kung ano-anong nakasuot sa amin (Yung harness at helmet)
"You okay now?" tanong ni Mcchaine saka inayos yung buhok ko.
"Uhm... Oo... Siguro." Sagot ko.
Mukha akong uminom ng alak at hindi nag-zip line. Wth. May hangover din pala pag zip line no?
"We'll just take a rest sa hotel and we're off to Boracay." Sabi ni Mcchaine habang naglalakad kami papunta sa kotse niya.
Sa totoo lang, naninigas pa ako. Walang hiya. Sana pala di ko nalang sinubukan. Di ko nga alam kung he's trying to show me what fun is about or he's just trying to kill me.
"Babe, you okay?" sabi nito habang nakatingin sa akin
"Mukha ba akong okay? Halos manigas ako dahil sa so called adventure mo tapos tatanungin mo ako kung okay lang ako? Tapos tatawagin mo akong 'Babe' ngayon? Sa tingin mo ikocomfort ako niyan? Mas naiistress ako. Diyan ka na nga."
Nakaka-asar. Ewan ko kung bakit ako naaasar pero naaasar talaga ako.
Naiiirita akoooo!
Nakarating na kami sa pinag-parkan niya ng sasakyan pagkatapos ay pinagbuksan niya ako ng pinto saka naman ako pumasok.
"Look, I don't know why you're mad but I want to say sorry. I know that he's always the one you'll choose. Ako lang naman yung pinipilit yung gusto e. I'm sorry. I hate myself. Last 3 days nalang naman na. Don't worry, after this ititigil ko na lahat. Including my feelings for you kahit mahirap. Kung siya ang nilalaman niyan, okay lang. If letting you go will make you happy then I'll let you go. I want you happy." sabi nito pagkatapos ay inistart na yung engine.
Actually, I feel so guilty dahil sa nasabi ko. I mean, the way I acted awhile ago.
But honestly I really don't know why I acted like that. Siguro dahil sa hindi ko masyadong nagustuhan ang pagsakay doon kanina.
Nanatili kaming tahimik sa buong byahe hanggang sa nakarating na kami sa hotel.
Nagpark siya sa parking lot pagkatapos ay pinagbuksan niya ako ng pinto like he always do.
Bumaba ako at di siya pinansin. Ang awkward kasi e. Nagpatuloy ako sa elevator at sumunod naman siya.
Hindi kami magkatabi this time sa elevator. Nasa likod ko siya habang ako nasa harap (obviously).
"Tuwing kailan ka nagkakaroon?" nagulat ako sa biglaang pagsasalita nito.
It took awhile until his question synced in my brain. I'm confused.
"H-ha?" sagot ko.
"I said, Tuwing kailan ka nagkakaroon?" ulit niya.
"What do you mean?" ani ko.
"I mean yung monthly ---"
"Don't you dare! Ano naman ang kinalaman mo sa monthly ganon naming mga girls? Ano? Itatanong mo kung paano gamitin ang nilalagay namin? Anong brand ang gamit ko? Ano?! Sumagot ka! Bakla ka no?" pagputol ko sa sinabi niya.
Walang hiya 'to. Wala kang karapatang gawing topic yan!
"No. Hindi yan. I don't mean anything of that. Gusto ko lang malaman mo na may ta--- ano... tagos ka." pahina at pahina niyang sinabi.
Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ng bibig. RANIELLAAAA! What the hell?
"Uhm... Sorry." Sabi ko.
"It's okay. May gagamitin ka ba?" tanong nito in a worried way.
"Yun lang. Uhm... Can I ask a favor?" ani ko.
Shit. Kahit nakakahiya gagawin ko. Kailangan ko na e. Nagpapanic na kooooo!
BINABASA MO ANG
You Are The Risk I'll Always Take
General Fiction"If you are going to be one of my mistakes, then you'll be the best mistake I've ever had" x Not yet edited so please pagtiyagaan niyo muna. But if you don't want the unedited, contact me on how to order the published book. Edited na po yun :))