Chapter 32

1 0 0
                                    

"Wala kasi akong gagamitin e. Napaaga kasi e. Uhm... Pwede bang... Ano... Ugh..." Nahihiya akong sabihin yung thing e. Kasi siyempre lalaki siya. Ang awkward na nga diba? Dadagdagan ko pa ba yung awkwardness?

"Napkin?" natingin niyang sinabi ito.

Naramdaman ko ang init sa pisngi ko.

"Mauna ka na sa room tapos ako nalang ang bibili. Stay in the bathroom. I-lock mo yung door. Wag kang magpapapasok ng kung sino-sino. May keys naman ako. Lock mo yung door. Bibilisan ko nalang." sabi nito.

Kumalma ang loob ko noong nagvolunteer si Mcchaine.

Saktong bumukas na ang elevator. Hinatid niya muna ako sa room tapos saka na siya umalis.

I immediately went to the bathroom at umupo sa floor.

I keep thinking about good times para di ako madistract sa nararamdaman kong pag-agos ng red river of life.

I feel a little uncomfortable or should I say, sobrang ayoko ng buhay babae? Ugh. Bakit kasi kailangan pa ng monthly period?

Habang nakaupo ako sa sahig ng C.R. napaisip ako.

Noong unang panahon, may monthly period din kaya ang mga babae katulad ng mga babae ngayon? If hindi uso ang machines at technology noon ano ang gamit nila sa tuwing may period sila? Wash and wear kaya ang mga undies nila? or baka wala silang gamit. Omooo. Ano kayang ginagawa nila?

Wth, Raniella. What are you talking about?! Damn. Ang laki na ng sayad mo sa utak. Pero wala namang masama sa pagiging curious right? Hahahahaha.

Mayamaya lang ay dumating na si Mcchaine.

He knocked the bathroom's door so I opened it. Inabot niya sa akin yung paper bag na alam kong sa loob nun ay yung sanitary napkin na binili niya para sa akin.

Pagka-open ko ng paper bag nakita ko ang sandamakmak na sanitary napkin. Ewan ko kung sinasadya niya o hindi. Whisper, Sisters, Modess, Carefree at kung ano ano pa. What the hell, right? Akala mo kung one year na akong may menstrual period.

I opened one pack of the sanitary pads na binili ni Mcchaine. Pero ang laki ng problema ko ngayon. I have no undies with me. I mean yung pampalit ko. Alangan naman na magpapakuha ako kay Mcchaine diba? Marunong naman po akong mahiya.

E anong gagamitin ko? E kung baliktarin ko nalang kaya yung suot ko ngayon? Yuccck! Ewww!

I have to do something. Utak mo, Raniella. Gamitin mo. Tanggalin mo na sa talampakan mo yang utak mo. Lagay mo na sa ulo mo bilis.

After 5 minutes...

Panis na ang luto ng lola mo di pa ako nakakapagpalit. Ang luwang naman kase ng oras mo kanina, Raniella. Bakit di ka man lang muna kumuha ng undies mo e alam mo naman na magpapalit ka? Inuna mo kasi yang pag-iisip mo sa mga gamit ng mga babae noong unang panahon kesa sa gagamitin mong pangpalit.

I really have no choice ruight now. Kailangan ko nang sabihin kay Mcchaine. Wala nang hiya-hiya. Do or die na izuu mga bes.

I slowly open the door at sumilip kung saan parte ng mundo meron si Mcchaine.

Look around. Look here. Look there. Bingooo!

Kinagat ko ang lower lip ko sa sobrang kaba. I just closed my eyes and slowly close the door. Ayoko na. Dito na ako titira sa banyo.

"Is there something that you need?" ani Mcchaine.

Omg. He saw me. What the hell will I do?

Lumakad siya papalapit sa door ng banyo.

"May kailangan ka pa ba?" tanong nito muli.

"I need... Uhm... I need... I need my" here it goes. There's no going back. Panindigan mo ito Raniella. "Undies" mahina kong sabi. I'm not sure if he heard it or not.

Bigla itong umalis sa harap ko at pumunta sa hindi ko alam na lupalop ng mundo.

Sinara ko agad ang pinto at tinanggap ang katotohanang dito na ako titira. I'm so stuck here. Pamporeber na ito.

Mayamaya lang ay may biglang kumatok sa pinto.

Nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko ba o hindi.

Pero sige nalang. Malay mo kumuha talaga ng undies si Mcchaine. Hahahahahaha. Pero parang imposible.

"Raniella, Yung ano mo... Uhm... Yung undies mo hawak ko." sabi nito.

Nakaramdama ako agad ng awkwardness sa pagitan naming dalawa. Wth.

Sa sobrang gusto ko nang lumabas dito at makapagpalit na binuksan ko nalang agad yung pinto at hinablot agad agad yung undies ko mula sa kamay ni Mcchaine.

Nakarinig ako ng fireworks sa utak ko noong oras na nakuha ko na ang undies ko. Agad agad akong nagpalit saka naglinis ng kalat ko at lumabas ng banyo.

I feeel sooo Aliveee! :D

"Hey. Okay ka na? We have to hurry up right now. Namove yung oras ng flight natin. We have to rush now. Inayos ko na yung mga gamit mo. You can trust me. Wala akong ginawang masama sa mga gamit mo. I packed all your things na. Sinigurado ko na din na wala ka nang naiwan dito. Let's go?" Mabilis niya itong sinabi. Damn, I hardly understand every word he said. Eminem, is that you?

"Wait. Di ba ako magpapalit muna?" sagot ko.

"Uhm... Sige. Pero yung top mo nalang ang palitan mo. Dalian mo ha?" nagmamadaling sabi niya sabay hagis ng damit ko sa akin.

Bumalik ako sa banyo saka nagpalit. Hula ko, seconds lang yung oras ko sa pagpapalit ng damit e. Lumabas ako agad at isiniksik nalang sa bag ko yung damit na pinagpalitan ko. E sa nagmamadali e. Sorry ha?

Nag-unahan kaming lumabas sa door saka niya naman hinawakan yung kamay ko at hinila papunta sa elevator upang makapag-check out sa lobby.

Pagkadating namin sa lobby agad niyang kinausap yung babae sa front desk. Madali lang iyon. Pagkatapos ay lumabas na kami ng hotel at saktong dumating na din yung kotse ni Mcchaine. This time, yung driver niya na ang nagdrive.

Sobrang bilis ng takbo ng sasakayan. Mcchaine is still conscious with time. Ayaw niyang nalelate siy. Ayaw niyang may namimiss siyang mahalagang bagay.

Finally, we arrived in the airport quick. Pumasok kami ng airport at chineck in namin yung mga baggage namin at ngayon naghihintay na tawagin ang plane namin.

BEACH HERE WE COME.

You Are The Risk I'll Always TakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon