3

89 13 0
                                    

Heartless Queen: 3

"What the hell are you talking about?" Malamig na tanong ko matapos ay mabilis kong hinawakan ang kamay nyang may hawak ng kunai na nakatutok sa leeg ko at agad lumayo sakanya. Mabilis kong inikot ang kamay nya dahilan upang mabitawan nya ang kunai at malakas kong sinipa ang tyan nya.

"a-ck!" ipit nyang sabi nang mapaupo sya sa damuhan. Tinignan ko sya ng malamig na may halong pagbabanta, "Don't show your fvcking face to me again or else you're dead."

Napatingin sya sa akin na may halong kaba at takot habang nakahawak sa tyan nya pero mas lalo ko pa syang tinignan ng malamig. Dahan dahan syang tumayo at umuubo pa matapos ay tumingin sa akin.

"How did you know me?" Malamig na sabi ko sakanya at na-icrumpled ang kamao ko. Ang pagkakaalam ko ay nakamaskara ako na balot ang mukha ko sa tuwing pupunta ako sa lugar na iyon. Pero bakit nya ko kilala? Hindi naman ako nagpapakita at lalong mailap naman ako. Idagdag mo pa na iba ang boses ko pagsinusuot ko ang maskara ko. Siguradong may nagsabi sakanyang--

"M-melisa."

Natigilan ako at medyo nangunot ang noo. Melisa? Paano? Bakit nya sinabi? Akala ko ba mapagkakatiwalaan ko sya? Si Melisa ang tanging taong may alam ang pagkatao ko. Pinsan ko sya ngunit ayoko sakanya. Hanggang ngayon ay sinusumpa ko pa rin sya.

"I am Melisa's protector. Pinapahanap ka nya."

Di ko mapigilang hindi sya tignan ng masama kaya napaatras sya ng isang hakbang. Mas lalo ding nagsarado ang kamao ko. Nakaramdam ako ng matinding galit at nagsalita sakanya, "I don't care about her. Stop chasing me. I am warning you already. And shut your mouth up or else i'll kill you." Malamig na sabi ko matapos ay nagsimula ng maglakad palayo.

"You still don't care if someone is destroying our precious world?"

Nagpakawala ako ng isang buntong hininga at pumikit ng mariin. Ayoko na. Tumigil na ko.

Minulat ko ang mata ko matapos ay nagpatuloy na lang sa paglalakad. Hindi ko maintindihan kung bakit nya ko pinapahanap. Kung kelan tumigil na ko. Kung kelan ayoko na. Bakit nya ko pinapahanap? Dahil walang magkokontrol? Impossible.

"You're unbelievable."

Huling salitang narinig ko sakanya matapos ay wala na.

xx

"Omg! May transferees?!"

"Oo daw!"

"Lalaki nanaman ba?"

"Omg, ang gwagwapo naman ng transferees ngayon!"

"Babae daw gaga!"

"Ay sayang."


"Pero magaganda naman daw."

"Madami ba?"

"Ang pagkakaalam ko."

Umagang umaga tsismis agad. Umagang umaga bulungan agad. Ano pa? Ano pa?

Naglalakad akong nasa bulsa ng palda ko ang isa kong kamay. Wala pa ring ekspresyon ang mukha ko habang deretso ang tingin. Transferees. Kelan ba matatapos ang pagtratransfer ng mga students?

"Good morning, Kheaaaa!!~"

Napapikit ako ng mariin pero di ko tinigil ang paglalakad ko. Nagsarado din ang kamao ko dahil sa inis na bumalot sa akin. Umagang umaga binabadtrip nyo ko. Sige lang. Maganda yan.

"Good morning, bestfriend!"

Tangna talaga itong magpinsang ito. Ang tataas ng energy. Ang iingay na feeling close. Kelan ba nila ko titigilan? Hindi pa ba natatakot na masaktan ulit si Zhelo dahil sa pagsuntok ko sakanya?--

Heartless Queen [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon