10

35 1 0
                                    

Heartless Queen: 10

"Q-queen."

Otomatikong napamulat ako ng tingin nang marinig ko ang boses na iyon. Kitang kita ko ang isang babaeng halos kulang na lang ay maging taong dugo. Ang buong katawan nya ay nababalutan ng dugo at ang mukha nya ay puro dugo. Nakahawak ito sa kanang bewang at halatang nanghihina na ito.

"What happened?" Malamig kong tanong at tsaka tumayo. Naglakad ako sa harap nya ng nakapamulsa at tinitigan sya. Ang mga matang iyon ay may katakutan. Punong puno ng takot.

"Lumusob nanaman s-sila." Nanghihinang sabi nya at bigla na lamang syang napaupo sa damuhan. Pinunasan nya ang mata nya dahil may tumulong dugo doon. May sugat din pala sya sa ulo nya.

 
"Explain." I said.

"They're finding you. They want you. Gusto nilang mapalabas ka. Alam kong selfish 'tong mga ginagawa ko. Alam kong mapapahamak ka lang sa mga sinasabi ko pero kailangan ka talaga namin. Si Melisa, ayaw nyang lumabas ka. Ayaw nyang bumalik ka dahil maaari kang mamatay. Ang dami nila masyado. Baka hindi mo kayani---"

 
"I can crush them." Gigil na sabi ko at napa tigang bagang ako. Unti unting naging isang bato ang kamao ko at napapikit dahil nagdidilim nanaman ang paligid ko. Kaya ayaw ni Melisa na bumalik ako? Kaya gusto nyang kalimutan ang lahat?

"Pinipigilan nya ko sabihin sayo. Ayaw nyang madamay ka. Ayaw nyang mapalabas ka. Kahit na 60% na lang ang natitira saatin. Unti unti na tayo maubos. Mangangalahati na." Sambit nya at umubo. Tumingin sya saakin na puno ng takot.

"Anong nangyari ngayon?" Sagot ko at nilevel ang upo sakanya.

"Last time they attacked the South side. And now, they attacked the West side. Saktong andun kami ni Melisa para magplano ng mga gagawin nang biglaan nanaman sila lumusob. Nakipaglaban ako at prinotectahan si Melisa. Nakipaglaban kami. Pero sa huli, sinabi ni Melisa na tumakas ang lahat. Nangalahati ang namatay at kalahati ang sugatan. Nilead ni Melisa ang way kung saan sila magtatago habang ako ay palihim na tumakas at nagpunta dito."

"Anong nangyari sa South side?"

"Wala na. Patay na ang lahat. Yun ang una nilang atake. At ngayon ay nasakop na nila iyon." Umiiling na sabi nya kaya nangunot ang noo ko,  "Anong ginagawa ng mga nasa North at East side?!"

"Nagtangka kaming umatake pero nabigo kami. Kaya ang plano ni Melisa ay depensahan na lamang. Ngayon ay prinoprotektahan namin ang Main door." Natigilan ako at napabuntong hininga. Ganun ba sila kalakas? Saan sila nanggaling? Anong atraso ko sakanila?

"Nabalitaan mo ang pag ambush sa likod ng school nyo, hindi ba?" Tanong nya kaya napatingin ako sakanya ng seryoso. "Pumunta ako doon. Nakita ko. Yung sulat nila sa puno."

"Sinasama nila ang mga inosenteng tao. Kaya lumulusob sila sa iba't ibang lugar. Hinahanap ka."

Nangunot ang noo ko sa sinabi nya, "Bakit sa likod pa ng school? Bakit doon pa sila nag ambush? At bakit andun ang mga underlings ko?"

"Prinotectahan namin yung lugar na iyon pero nabigo kami. Namatay lahat pero nagtagumpay kami kahit papaano dahil tumigil sila sa paglusob sa lugar na iyon. Pati sa syudad ay hinahanap ka nila. Lahat ng bawat sulok ng mundo."

"May humabol sakin nung isang araw. Nakakotse. Babae at lalaki." Seryoso kong sabi at inaalala ang itsura nila.

"Hindi ka nila kilala huwag kang magalala."

"Bago nun ay nakita ko ang itim na usok. Na sa tingin ko ay nasunog ang isang building. Matapos ay tumawag si Melisa. Run ang sabi nya tsaka na lumitaw ang mga lalaking armado." Seryoso kong sabi at tinignan sya ng malamig.

Heartless Queen [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon