22

5 1 0
                                    

Heartless Queen: 22

Ang kalangitan ay punong puno ng kadiliman. Walang bakas ng mga butuin at para bang nakikipag laro ang buwan ng tagu-taguan sapagkat wala ito sa langit. Dumampi ang malamig na simoy ng hangin sa aking balat habang ako ay nag lalakad sa labas ng West Side.

Tanging pulang ilaw lamang ang makikita sa buong lugar at kitang kita ang mga taong tila alertong alerto na nag mamasid sa buong paligid.

"Fuckers." bulong ko sa sarili nang may makitang lumabas mula sa gate. Puro mga kababaihan na nag tungo banda sa may gilid ng gusali at tila ba'y nag mamadali. Sinundan ko sila ng tingin at dahan dahang nag lakad palapit sakanila.

"Malilintikan tayo neto!"

"Bakit kasi pumasok ka sa loob ng room na 'yon, Aya?!"

"Hindi ko naman alam na andon si Eagle! And pwede ba don't call me Aya here!"

Nag pantig ang tenga ko at natigilan sa pag lakad nang marinig ko silang nag uusap. Napa higpit ang hawak ko sa katana ko na nasa likod at inayos ang maskarang suot ko. Kung hindi ako nag kakamali ng iniisip, sila Erika ang nakikita ko ngayon. Mukhang tama ang hinala kong gangster sila pero hindi ko inaasahang nasa panig sila ng kaaway ko.

"Aish fuck! Hindi pa rin magaling ang sugat na ginawa ng Azi na 'yon! Tumigil na muna tayo at mag pahinga saglit!" rinig na rinig ko ang boses n'ya at tila ba nakaramdam ako ng inis kaya nag simula agad akong nag lakad.

Hingal na hingal sila. Ang dalawa ay naka hawak sa magkabilang tuhod nila habang naka yuko at ang tatlo ay naka upo na sa pagod. Tumingin akong muli sa gate ng West Side at nang makitang walang anumang bakas ng tao ang nandon ay lumabas na ako sa tinataguan kong puno.

"Sht, Erika! May tao!" tumingin sakin ang isang babaeng naka upo. Naka sando s'ya at naka pantalon ngumit may maskara rin ito. Base sa katawan nya s'ya yung Sheila.

"fuck may nakakita satin."

"chillax lang, isa lang 'yan."

Napa taas ang kilay ko sa sinabi ni Erika habang nakatingin sya sakin. Naramdaman ko ang biglaan nilang pag nginig nang ilabas ko ang katana ko.

"masama ang kutob ko dito, Karina." rinig kong sabi ng isa pang naka yuko sabay umayos s'ya ng tayo. Karina? mukhang yan ang code name ni Erika.

"I'll ask questions and all of you will only answer it." malamig na tugon ko kasabay nang pag lapit pa sakanila. Tila nakakita sila ng multo habang nakatitig sakin dahil hindi sila gumagalaw pero nanlalaki ang mata nila.

"S-sino ka?" tanong ng isang babaeng naka upo na ngayo'y dahan dahan umaatras.

Agad kong tinutok ang katana ko sakanya at sinamaan ng tingin, "I said all of you will only answer my questions."

"K-kalaban ka ba?" mahinang sambit ni Erika at bigla na lang napa upo.

"What's the name of your gang?" malamig kong tugon sakanila at sumabay pa ang ihip ng hangin kaya natakpan ng kaunti ang mukha ko ng aking buhok.

"S-Spice Ladies.." natatakot na sambit ni Erika at dahan dahang umatras.

"T-tawagan mo sila.."

"k-kaila..ngan natin ng tulong di..to.."

Tumingin agad ako sa dalawang babaeng nag bubulungan at mabilis na nag lakad papunta sakanila. Kitang kita ko ang pag ka taranta nila at ang pag buka ng bibig nila ngunit mabilis kong nilagay ang katana ko sa loob ng bibig ng kanilang pinuno.

Heartless Queen [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon