Heartless Queen: 9
"Good morniiiing, Khea~"
Napalingon ako sakanya pag kapasok ko pa lang ng gate ng school. Ngiting ngiti sya na kulang na lang ay mapunit na ang labi at pisngi nya.Tinignan ko lang sya ng malamig na tingin matapos ay nagsimula ulit maglakad habang nakapamulsa. Wala akong oras para makipagtalo sakanya. At ang mungo ay sumunod sakin sa paglalakad. Inakbayan pa ko kaya mabilis ko syang tinignan ng masama. Dakilang hokage ah,
"Uy nakita nyo yung transferee?"
"Hindi! Meron?"
"Oo! Lalaki ubod ng kagwapuhan! Jusko pak na pak! Ang gwapo sobra! Mapapatulala ka pag nakita mo!"
"Weeh?! Saan mo nakita?!"
Nalipat ang tingin ko sa mga babaeng kasabay namin maglakad. Kinikilig sila at kulang na lang ay mangisay dahil sa pinaguusapan nila.
"Zamral."
Napatingin ako kay Zhelo dahil sa tono ng pananalita nya. Ang sama ng tingin nya sakin na parang may ginawa akong masama. Inangatan ko sya ng isang kilay at tinulak sya sabay nagsimula ulit maglakad.
"At iiwan mo ko ha?! Pupuntahan mo 'yon?"
Nangunot ang noo ko pero nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad at di sya pinansin. Sinapian ata, kung ano ano sinasabi, 'langya."Kyaaaaaah!! Ayun! Si pogi! Pak! Ohmygosh, lumuluwag undergarments ko!"
"Kyaaaah!"
"Hi pogi!"
Napatigil ako sa paglalakad at inis na napapikit. Umagang umaga ang landi agad. Active na active ang mga malalanding hormones, 'langya!
"Kyaaaah!!!!!"
"Omg! Mamamatay na ko sa kilig!!"
Bumuntong hininga muna ako ng sobrang lalim at dumilat na. Pagkadilat ko ay may naaninag akong nakatayo sa bandang gilid ko. Medyo malayo at parang nakatingin saakin kaya walang reaksyon akong lumingon.
"Zamral!!"
Isang lalaking nakatayo sa di kalayuan ay nakalingon sakin ng nakapoker face. Nakapamulsa rin ito at walang reaksyon ang mukha kaya napangiwi ako sa isip ko. Boy version ko ba 'to?
"Tsk."
Nang makita nyang nakatingin ako sakanya ay nag-tsk sya at masungit na nag-iwas ng tingin. Kusang tumaas ang kilay ko sa naging reaksyon nya. Aba, ang kapal ng mukha. Sino sya para tignan ako ng ganun? Tch.
"Ano nagwapuhan ka na?!" May isang tigreng lumitaw sa harap ko habang ang sama ng tingin saakin--
"Ano?! Di ka makasagot? Mas gwapo pa ko don!" Sigaw nya kaya napairap ako.
Pake ko kung sinong mas gwapo sainyo. Hindi ako interesado sa mga kagaguhan nyo.
"Aziiii!! Insaaan!"
At may dumagdag pa sa sisira ng araw ko. Nagliteral na nagpoker face na ko sa inis. Nagsimula akong maglakad at di sila pinansin. Dada ng dada. Sayang ang mga laway, 'langya.
"Azi! Bestfriend namiss kita!"
"Ano?! Di mo ko pinapansin?! Naguguilty ka na ba ha?"
"Problema mo, Insan? Alam mo, minsan naiisip ko kung takas ka sa mental."
"Wag kang sabatera! Paano di mag-iinit ang ulo ko? Kung may feeling gwapong transferee na umaaligid kay Khea!"
Masyadong advance ang utak. Umaaligid? Ano sya aso? Tas ako yung pagkain?
BINABASA MO ANG
Heartless Queen [ON-GOING]
Acción"She once killed five armored man with a fucking blade." "blade, sir?" "yeah, that small blade." "ohh." "She's a woman of focus, danger, commitment and discipline." "But where is she now?" "No one knows for she is so powerful. She's truly the Queen...