13

9 1 0
                                    

Heartless Queen: 13

"May pupuntahan ka, Zhel?"

Otomatikong napalingon ako sa dereksyon nila Zhelo at Gladysse pagkatayo ko pa lang. Napansin kong lumingon rin si Dhizy kaya nagpamulsa na lang ako.

"Zhel? Aba. Ba't nagbibigay ng nickname yan kay Insan?!" Rinig kong bulong ni Dhizy sa gilid ko kaya nag simula akong mag lakad papunta sakanila.

Lapastangang babae. Ang lakas ng loob batuhin ako ng bola. Lumalapit pa kay Zhelo-- wait, wala kong pake.

"Nako. Anjan na sya."

Di ko pinansin ang sinabi ni Nezter habang nakatingin sakin dahil nakatingin ako kay Zhelo na nakatingin ng nakapoker face kay Gladysse na nakangiti sakanya.

"Uhm. Kain tayo?" Tanong ni Gladysse ulit kaya napataas ang kilay ko.

Dere deretso ako sa paglalakad hanggang sa nasa pagitan na nila ko. Deretso lang ang tingin ko pero nakita ko sa peripheral vision ko na napatingin sakin si Gladysse. Natahimik silang lahat kaya lumingon ako kay Zhelo na nakatingin sa ibang dereksyon.

Tinignan ko ang kamay nya sa gilid nya at hinawakan ang wrist nya nang kinagulat nya at pagtilian ng lahat.

"Iche-cheer mo pa ko sa archery na sasalihan ko." Malamig kong sabi sakanya.

Nakatingin ito sakin na gulat na gulat. Napaawang pa nga ang bibig nya kaya tumingin ako dito. Hinawakan ko ang baba nya at sinarado ito.

"Is this real?!"

"KYAAAAAH!"

"AZI AND ZHELO!?"

"PAANO SI TYRON?!"

Lumingon ako kay Gladysse na halatang pinipigilan ang magtaray. Napatingin ito sakin pero tinignan ko lang sya ng malamig matapos ay hinila na si Zhelo.

"Jealous Azi.."

"Ganto pala magselos si Bestfriend."

"Kinikilig ako. Tara ganyan din tayo, Dhizy."

"Manahimik ka jan!"

Tumigil ako sa paglalakad at lumingon sakanila sa likod. Natahimik sila pwera na lang kay Tyron na kanina pa tahimik at nakatingin saakin. Nakapoker face ito habang nakatingin sakin tapos ilang sandali ay iniwas ang tingin.

"Si Zhelo parang tanga"

Napatingin agad ako kay Zhelo sa gilid ko at saktong lumingon sya sakin galing sa pagtitig sa kamay nyang hawak ko.

"Kinikilig ako." Parang mapupunit na yung pisngi nya sa lawak ng ngiti nya kaya binitawan ko yung kamay nya.

Nanlaki ang mata nya at parang pinagbagsakan ng lupa kaya nagpatiuna na ko sa paglalakad.

"Bakit mo binitawan kamay ko?!"

"Baka mamatay ka na sa kilig."

"Iiih. Ayaw mo ko mamatay?"

"Fuck you. Mamatay ka na." Inis na sabi ko at tinignan sya ng masama.

Tumawa sya pati sila Dhizy sa likod kaya binilisan ko lalo ang lakad ko.

"Wag mo inisin si Bestfriend!"

"Alam mo ba kung bakit badtrip yan kanina Azi?"

Napalingon ako kay Zhelo at saktong napanguso sya tapos ay nangunot ang noo sa inis.

"Bakit?" Wala sa sariling tanong ko sabay lingon sakanila.

Natigilan sila at napatitig sakin ng ilang segundo kaya nangunot nanaman ang noo ko.

Heartless Queen [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon