8

42 2 0
                                    

Heartless Queen: 8

"Aha! Sino iyon ha? Boyfriend mo?"

Saglit akong napatalon ng unti sa pagbungad saain pagkapasok ko pa lang ng pintuan. Inis kong nilingon ang matandang ito na naniningkit ang mga matang nakatingin sa labas ng bintana. Akala mo spy kung makatingin.

Tumingin ulit sya sakin at nginitian ako ng malawak. Inangat angat pa nya ang kilay nyang singkapal ng semento.

"Gwapo ha! Pakilala mo naman sakin!" Asar nya at nginitian ako ng malawak kaya napa-irap ako. Ako? Boyfriend ang gimunggong utak na iyon? No way. Kahit kaming dalawa na lang ang natitira dito sa mundo, hinding hindi magiging kami. Itaga nyo pa sa mukha ng babaeng nasa harap ko at ngiting aso.

"Tsk." Tanging sagot ko at nagpatuloy na sa paglalakad. Deretso lang ang tingin ko habang nagbobow ang ibang maids na makikita ako.

"Oh! Oh! Saan ka pupunta? Magdidinner tayo!"

Hinawakan ako nito sa braso at pinatigil. Napapoker face ako lalo habang tinitignan syang naka sad face na parang emoji. Kahit umiyak ka pa jan, wala akong pake.

"Alis," Tipid kong sabi at tinignan sya ng malamig tsaka nilagpasan sya pero laking gulat ko nang biglang may nagpasok ng plastic sa ulo ko. Nanlaki ang mata ko kasunod nang paghawak ng kung sino sa magkabilang kamay ko at sa paa ko.

What the fuck? Anon-

"Sa ayaw at sa gusto mo sasama ka sakin. Bihisan sya!"

Paulit ulit akong napamura sa isip ko habang kinakaladkad nila ko sa kung saan. Para nila kong pinosasan-pinosasan nga! At saan naman nila nakuha ang posas na ito?!

Nagpumiglas piglas ako pero ilang tao ata ang nasa magkabilang kamay ko. Nag-greet teeth ako at naghanap ng unting butas sa plastic na nakalagay sa ulo ko. May maliit nga na butas kaya nakita ko sila. At ganun na lang ang inis ko sa sobrang dami nilang nakahawak sa kamay ko. At ang nasa harap ko ay ang kumekendeng kendeng na matandang panget na ito! Sinusumpa talaga kitang babae ka, pag ako nakalabas dito magtago ka na.

"Oh dali. Bihisan sya!"

Tumigil kami at may biglang dumagan sa paa ko kaya di ako makasipa. Naramdam ko ring inaalis nila uniform ko. Di nyo matatanggal yan dahil nakaposas ako!

*Sringgk!*

Sht.

"Ay ang sexy mo talaga, Azi!!"

Wengyang barabas. Bwisit! Sirain ba naman uniform ko!? Ay sht, teka baka makita nila yung sugat ko!

"Kyah! Azi?! Anong nangyari jan sa tagiliran mo? Pati sa leeg mo?!"

Napairap ako at nagpumiglas pero ang bibigat ng kamay nila. Ang lakas naman ng trip ng mga 'to! Mga sumo wrestler ba ito sa bigat? Ano ba?


"Anyway, ayos ka lang naman diba? Kaya mo yan. So, bihisan nyo ulit!"

Arrrgh!

Nagpumiglas ako nang maramdaman kong inalis nila yung posas. Obviously, hindi nila kayang damitan ako ng nakadikit ang kamay. Pero sobrang daming kamay ang nakahawak saakin kaya di ko sila maalis. Bwisit, sumasakit lang ang tagiliran ko sa mga baboy na ito.

*After 10 minutes*

"Perfect! Simpleng polo at jeans lang ang dyosa't diwata mo na, nak!"

Inalis nila ang plastic sa ulo ko matapos ay binitawan na nila ko. Kitang kita kong sabay sabay yung mga maids na pumunta sa likod ng babaeng ito. Pagbabayara-

"Tara na! Di ka na makakapalag!" Sabi nya sabay hila sakin. Aangal pa sana ako pero full force ang hawak nya sa kamay ko ng kinagulat ko. Hindi na lang ako nagsalita at hinayaang kaladkarin ako sa kotse. Masasayang lang ang laway ko sakanya.

Heartless Queen [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon