Heartless Queen: 12
Huminga ako ng malalim habang nakatitig sa repleksyon ko sa salamin. Naka simpleng jeans at sweater lang ako. Tumingin ako sa nakasabit kong cap sa gilid ng salamin at kinuha ito. Kakailangan ko ito mamaya. Hindi pang jejeng cap ito kaya wag kayong ano.
Archery at Basketball. Namimiss ko rin kasing maglaro ng ganon. Isa pa, bigla akong nagcrave eh.
"*tok.tok* Young lady, someone is here waiting for you."
Someone? Paniguradong si Zhelo ito. Ano nanaman bang problema non? Napairap ako sa ere matapos ay inayos ang shoulder bag ko sa gilid at nagsimulang maglakad. Nahagip ng mata ko ang black na mask sa gilid ng table kaya wala sa sariling kinuha ko ito. Baka kailanganin ko rin ito.
"Young lady, pinapasabi po ni Milady na may vacation sya for one week. Di na rin po sya nakapagpaalam sayo dahil kailangan na nya umalis kaninang umaga." Nakayukong sabi ng butler ko pero inisnob ko lang ito at pinagpatuloy sa paglalakad.
Mabuti naman kung ganon. Matatahimik ang buhay ko dito sa bahay.--
"Good morning."
Nanukot ang kilay at noo ko nang makitang nakatayo si Tyron sa may sala habang nag aayos ng shirt. Gulo gulo ang buhok at parang dumanak ng matindeng digmaan. Anong ginagawa ng isang ito dito?
"I know that stare. Nilusob nanaman ako ng mga babae ng papunta ako sa school. Wala akong nagawa dahil marami sila at wala akong mapupuntahan. Saktong napadaan ako dito at kumatok."
Paano nya nalamang bahay ko ito?
"Nakita lang kita na dito ka umuwi." Inis na sabi nya na parang inaakusa ko syang stalker ko. Psh. Ang tigas naman ng bungo ng isang ito.
Nagsimula ako sa paglalakad muli habang di pinapansin ang mga maids na yumuyuko sakin. Pagkalabas ko pa lang ng pintuan ay may narinig agad akong ingay kaya nangunot nanaman ang noo ko.
What the fuck is that?
"Sht."
Lumingon ako kay Tyron na nasa gilid ko na unti unting pumupunta sa likod ko. Anong dinala nya sa likod ng gate na ito?
"Baka iniintay nila ko jan. Mas mabuting magkotse na lang tayo." Inis na sabi nya tapos ay tinuro ang kotse namin.
Sa pagkakaalam ko nagbakasyon muna ang driver namin dahil na rin sa gusto ko. Kaya sinong magmamaneho? Ayoko ding lumusob sa labas dahil feel ko madami sila.
Tumingin ako sa butler ko at saktong kinakapa na nya ang bulsa nya. Lumapit ako sa kotse matapos ay sumunod na ang butler ko at binigay ang susi. Pinindot ko ito at kusang tumunog na ito hudyat ng pagbukas.
"Err. Anong meron?"
Napalingon ako kay Tyron at kusang lumipat ang tingin ko sa mga maids na gulat na nakasilip sakin. Nang makita nilang nakatingin ako ay agad agad silang pumasok sa loob na parang kidlat sa bilis.
"Di ka ba marunong magmaneho kaya nagulat sila? Baka masagasaan tayo ah."
Pagkapasok pa lang nya at pagkaupo sa passenger seat ay yan agad ang tanong nya ng di ko pinansin. Hahawakan ko na sana ang kambyo ng biglang hawakan ni Tyron ang braso ko. Malamig na tinignan ko sya kaso nagulat ako ng bigla syang lumapit habang naka poker face.
"Always wear your seatbelt. Tsk." Casual nyang sabi kaya napatingin ako sa kamay nyang nilolock ang seatbelt.
Hinayaan ko syang gawin yon as long as di nya ko hinahawakan hanggang sa okay na kaya pinaandar ko na ang kotse. Unti unting bumukas ang gate at ganun na lang ang pagkakunot ng noo ko ng makita ang mga babaeng naghihintay sa labas.
BINABASA MO ANG
Heartless Queen [ON-GOING]
Action"She once killed five armored man with a fucking blade." "blade, sir?" "yeah, that small blade." "ohh." "She's a woman of focus, danger, commitment and discipline." "But where is she now?" "No one knows for she is so powerful. She's truly the Queen...