5

65 12 0
                                    

Heartless Queen: 5

*Hack completed*

Nilagay ko ang kamay ko sa baba ko at pinatong ang siko ko sa table habang nakatingin sa laptop ko. Seryoso akong napatitig sa mga profiles ng mga napatay kanina. Mabuti ay ako ang gumawa ng system dati at inayos ang security dahil kung hindi, di ko mahahack ito. Ang hirap pala ng ginawa ko. Buti naalala ko.

*insert picture here*

Code name: Dice
Mafia's group: Under Queen's security. (Former Queen)
---DEAD---

Dice?

Napakunot ang noo ko at agad tinitigan ang picture ni Dice na patay na't duguan. Nakadapa ito pero napukaw ng atensyon ko ang dugo sa batok nito. Halos mapunit na ang noo ko kakakunot dahil sa nakita ko.

Lahat ng underlings ko ay may tattoo sa bandang gilid ng leeg, malapit sa batok. Queen crown na kulay itim. Pero may cross na nakalagay dito at mas lalo pang na-emphasize ang pagcross dahil sa dugo na sugat galing sa cross.

"They want to kill me huh?" pabulong kong sabi habang nagpipigil ng galit. Unti unting nagsarado ang kamay ko at pinikit ang mata dahil sa pagkainis. Sisiguraduhin kong magbabayad sila sa ginawa nila.

Mga ilang minuto akong nakapikit at nagpapakalma ng sarili bago patayin na lang ang laptop. Pumasok ako sa CR at nagshower na matapos ay humiga na agad sa kama.

*5 minutes*

*15 minutes*

*30 minutes*

"Aish! Why can't I sleep?!" inis akong napabalikwas at ginulo ang buhok. Ano bang meron at hindi ako makatulog? May nagmamasid ba na multo-multo? *roll eyes* Nababaliw na ko.

*sigh*

Bumangon na agad ako at pumunta sa walk in closet ko matapos ay kinuha ang jeans at jacket na lang. Kinuha ko din ang cap ko tapos ay sinuot sa ulo ko at tahimik na bumaba habang nakabulsa ang kamay ko. Maglalakad lakad muna ako para maantok ako.

Pagkalabas ko pa lang ay bumungad agad saakin ang malakas na hangin. Mga alas-onse na kasi ng gabi kaya medyo mahangin na. Madami pa namang puno sa kalayuan saamin kaya malakas ang hatak ng hangin. Binaba ko ang cap ko at nagsimula nang maglakad.

Habang naglalakad ay may natanaw ako sa di kalayuan na 7-11 kaya biglang nagwala ang tyan ko. Oo nga pala, hindi pa ako kumakain dahil wala akong gana kanina pag-uwi ko. Bakit? Kasi yung ponyetang Zhelong iyon ininis lang ako habang pauwi kami. Hinatid pa ako ng palihim. Kala mo stalker eh no, well a sort of it. Smuggler ata iyon eh. Parang nakahuthot lagi. Nakakairita ang presensya nya. Teka nga, bakit ko ba iniisip iyo-

"Wifey? Wifey!!"

Putragis.

"Gabi na ah! Bakit nasa labas ka?! Mamaya ay baka marape ka pa jan! Ako lang ang nagmamay-ari sa'yo no!"

Ano ako? Bata? I can fucking protect myself from those damn people like you. Nagmamay ari? Ay ponyeta. Kailan pa? Bakit di ako nainform? See? Takas ata ito sa mental. Lupet din neto ah, nakatakas sa mental.

"Tara na. Hatid na kita. Delikado ngayon at gabi na."

Tumitig ako sa mata nya ng malamig habang nasa harap ko pero maya maya ay nangunot ang noo nya at tinitigan talaga ako ng todo kaya napa-tsk ako.

"What?" Naiirita kong tanong pero tumingin lang sya sa katawan nya at kinapa ang damit nya pati ang cap na suot nya matapos ay tumingin saakin.

"Wifey, same outfit tayo. Destiny na ba ito?" Parang timang na sabi nya at dahan dahang ngumiti kaya napagoose bumps ako. Napairap ako at sinamaan ko agad sya ng tingin, "Destiny your fucking face. Stop calling me wifey, you bastard. Go to hell."

Heartless Queen [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon