11

17 1 0
                                    

Heartless Queen: 11

"Ano na bang plano mo, Azi ha?" Kausap ko sa sarili ko habang nakikipagtitigan sa buwan. Nasa biranda ako ng kwarto ko habang nakahalukipkip at nakikipagtitigan sa maliwanag na buwan. Alas onse na ng gabi pero di pa rin ako makatulog. Nangangamba pa rin at nababahala sa kung anong nangyayari sa mundong iyon.


*kriiiing kriiiiing*

Napatingin ako sa phone kong nasa tabi ko lang. Lumitaw ang numerong hindi nakaregister sa phonebook ko kaya nangunot ang noo ko. Sino nanaman ito?

Kinuha ko ito at sinagot ang tawag. Tahimik ang kabilang linya kaya tahimik din ako. Pero rinig ko ang pagbuntong hininga ng kung sino dito kaya napa irap ako sa ere.

[Azi?]

I knew it.

"Saan mo nakuha ang number ko?" Malamig na sabi ko bago dumekwatro at nakipagtitigan nanaman sa buwan.

[Secret]

"...."

[...]

"...."

[Galit ka?]

Hindi ako sumagot sa tanong nya dahil obvious naman na bwibwisit ako sakanya. Ano bang trip nya sa buhay at ako pa ang napili nya? Kung playboy nga sya ay huwag ako ang paglaruan nya.

[Lately I've been thinkin'
Thinkin' bout what we had]

Natigilan ako at para akong naging estatwa ng marinig ko ang malamig nyang boses.

[I know it was hard,
It was all that we knew, yeah]

Kumakanta ba sya?-Obviously, Azi. Kumakanta sya.

[Have you been drinkin'
To take all the pain away?
I wish that I could give you what you deserve..]

Tahimik lang akong pinapakinggan ang malamig nyang boses. Di ko nga namalayan na nakapikit na pala ako at dinadama ang kanta nya. Di ko alam na marunong pala syang kumanta.

['Cause nothing can ever,
Ever replace you.
Nothing can make me feel like you do, yeah.]

*heart palpitating*

Napadilat agad ako at pahawak sa kaliwang dibdib ko. Letse. Eto nanaman yung milyon milyong bultaheng kuryente at lagabog sa puso ko. Ano nanaman itong kalokohan na ito, Azi?

[You know there's no one
I can relate to
And know we won't find a love that's so true..]

Gusto kong magsalita at putulin ang kanta nya kaso di ko magawang ibuka ang bibig ko. Parang mas gusto pa nitong makinig sa ganda ng boses nya.

[There's nothing like us,
There's nothing like you and me,
Together through the storm.
There's nothing like us,
There's nothing like you and me,
Together, oh]

Hindi pwede, Azikhea. Hindi pwede.

"Ibababa ko-"

[I gave you everything, baby,
Everything I had to give.
Girl, why would you push me away, yeah?
Lost in confusion,
Like an illusion,
You know I'm used to making your day...]

Napatigil ako at this time lalong dumoble ang pintig ng puso ko. Rinig na rinig ko kung paano ito lumakas at bumilis. Napako ang dila ko at parang di na makasalita kaya katahimikan ang bumalot samin ng ilang segundo.

Heartless Queen [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon