23

2 1 0
                                    

Heartless Queen: 23

“20th of August already and It’s been 4 months since the ambush started.” Sambit ko habang sinusuri ang laptop na nasa harap ko. Nasa loob kami ng main office dito sa main at ang mga andito na kasama ko ay sina,

“Sigurado ka bang ayaw mo muna mag pahinga, Queen?” tanong ni Princess Death.

“Kanina ka pa humihikab.” Nag aalalang sabi ni Diamond.

“Kami na ang bahala dito, Queen.” Saad ni Meglia. Top rank sa Assassin’s line.

“hindi natin alam kung kelan sila susugod.” Dugtong ni Dhite. Top rank sa Snipers.

“Kaya nga ay dapat gising ako.” Sagot ko sakanila.

“Pero pagod ka na. It’s been 3 days at wala ka pang tulog.” Biglang sambit ng Gang Leader na Top rank na si Phoenix.

Nabanggit ko na ba sainyo kung paano tumatakbo ang Mafia World na pinamumunuan ko? Kung hindi mo pa maintidihan ay basahing mabuti ito at huwag tumingin saiyong paligid sapagkat maaaring may kasama ka ring nag babasa.. joke lang. So eto na nga. Alam nyo naman na ata na binubuo ito ng Gangs, Snipers, Protectors and Assassins. Under ng Gang Leaders may kanya kanya nilang myembro. Mayroong Top 30 ranks and ang iba naman ay wala subalit hindi itatangging isa silang Gang na may kanya kanyang kakaibang lakas. Bawat Gang Leaders ay may sari-sariling Protectors ngunit mayroong Protectors na walang specific Gang Leader na pinoprotektahan dahil pang kalahatan ang pinoprotektahan nito. Snipers are the ones who set the lines from the enemy. Sila ang mga nakatoka para alamin ang bawat gulo sa laban ng territory ko. Merong ranking na simula 1-25 at merong iba na wala sa ranking. Habang ang mga Assassins ay labas pasok o rotating positions sila. Lahat ay sakop ng range nila at di tulad ng Protectors, meron din silang ranking simula 1-30 ngunit ang iba ay wala naman.

“She’s not listening.” Natigilan ako at napatingin sa nag salitang si Shewyx, ang rank 2 na Gang Leader.

“Saan na nga ba tayo?” Baliwala ko sakanila at tinitignan ang screen ng laptop ko.

“Hinarangan nila ang likod at gilid na pwedeng pasukan sa West Side. Tanging sa front gate lang ang paraan upang makapasok dahil ayon sa nakuhang information ko mayroong mga bomba na nakapalibot sa West Side.” Mahabang sabi ni Meglia kaya napatango ako. Sinisigurado nilang walang makakapasok sa sarili kong teritoryo? Ha! Nag kakamali sila.

“By the second next week, we’ll begin the counter attack. Hindi natin kailangang mag madali sapagkat sa tingin ko ay mautak sila.” Sabi ko at pinag-aaralan ang mga kuhang litrato ng West Side.

“Ano ang plano?” tanong nila.

“We need to lure them out. Kailangan natin ng patibong na sisiguraduhin kong kakagat sila. Mag papatawag ulit ako ng meeting by next week. Be ready. Stay alive. Good luck to all of us.” Ma-awtoridad kong saad kaya sabay sabay silang tumayo dahil alam nilang tinatapos ko na ang meeting na ito. Sabay sabay yumuko at nag si-labasan na ngunit agad akong nag salita bago s’ya lumabas, “Princess Death will stay.”

.
.
.

Isang mahabang katahimikan ang namayani sa buong kwarto dahil sa tingin ko ay alam nya kung bakit ko sya pinatawag. Nakipagtitigan ako sakanya na parang problemado.

“Any information?” casual na tanong ko at inayos ang maskara ko. Kahit kaming dalawa na lang ang andito at pinsan ko sya, hindi ko pwedeng basta basta tanggalin ang maskara ko.

“Sigurado ka bang hindi mo matandaan o nag kukunwari ka lang?” May bakas na pag tataka at pag kalito na tanong nya kaya nangunot noo rin ako.

“Bakit naman ako mag kukunwari?” takang tanong ko kaya napa hilamos sya ng mukha nya.

Heartless Queen [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon