7

59 11 0
                                    

Heartless Queen: 7

"Ingay." Sabi ko habang nakapikit pa rin. Nagtulog tulugan na nga ako, dada pa rin sya ng dada. Anong problema neto?

"Gising ka pala?"

"Hindi. Tulog ako."

Inalis ko ang kamay ko sa mata at bumangon nang dahan dahan. Kumirot unti ang sugat ko pero sumandal pa rin ako sa pader at tinignan si Zhelo na nakatitig saakin.

"What?" Inis na sabi ko at tinignan sya ng walang kabuhay buhay. Oo, maganda ako pero naiirita ako pag tinititigan ako.

"Ayos ka lang?" Tanong nya at tinignan ang sugat ko. Ano ba namang klaseng tanong yan. Kung hindi ako maayos edi di ako gagalaw. Obviously, maayos ako. Gamunggo ata utak neto eh. Kalahati bulok. Ano pa natira?

"Aish. Humanda talaga sakin yang Erika na yan." Inis na sabi nya at ginulo ang buhok kaya napatitig ako sakanya.

Ponyeta. Bakit ang gwapo nya jan-- No. Kala mo nasa commercial. Bwisit.

"Bukas may gagawin ka?" tanong nya at tumingin sakin.

Ano ba bukas? Saturday? Ano ba gagawin ko? Hmm, wala naman. Pero, "I'm busy."

"I'm busy ka jan. Hindi. Punta ko sainyo mga 9am."


"No trespassers."

"I'm your hubby, 'no!"

 

"You're not. You're nothing."

 
"Ang sakit mo talaga magsalita!"

"I know."

"Aba, nagiging talkative ka na!"

Napatigil ako sa pagsagot sakanya at tinignan sya ng masama. Oo nga 'no, bakit ang daldal ko? Aish. Bwisit kasi ito eh! Iniinis ako, kinukulit ako. Paano ako di sasabat? Nakakapikon kaya.

"Hatid na kita! Kailangan mo daw magpahinga kaya tara lets." Sabi nya at binuhat ako ng dahan dahan. Sinamaan ko sya ng tingin at hindi kumapit sakanya pero bigla nyang nilapit ang mukha nya sakin kaya nanlaki bahagya ang mata ko,

"Kumapit ka." Sabi nya pero inirapan ko lang sya at tinignan sya na naiinis na look.

"Ayoko. Alis." Malamig na sabi ko at bumaba sa buhat nya. Inayos ko ang bag ko at nagsimula nang maglakad. Kahit kumikirot ng unting unti ay okay lang. Parang langgam lang naman yung kurot eh. 

"Aish. Arte eh. Hayaan na nga." Rinig kong bulong nya kaya lumabas na ko ng tuluyan sa clinic. Uuwi na ko tutal excused na ko. Binigay naman ako ng permission ng nurse eh. Advantage pala 'to thanks to Erika but no thanks. Yari sakin yan.

"Uwi ka na? sama!"

"No cutting."

"Wala akong gunting para magcut!"

"Corny."



"Nagjojoke ba ko?" Tumigil ako sa paglalakad at inis na nilingon sya. Winiggle nya yung kilay nya at ngumisi kaya inirapan ko sya at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nakalabas na kami ng academy pero sunod pa rin ito ng sunod. Ano bang trip nito sa buhay? Dinaig pa ang buntot dahil sya ay isang malanding buntot.

Ano kayang pwedeng gawin don kay Erika? Gusto ko yung matatakot talaga sya eh. Titignan ko nga profile nya at maambush ang bahay. Ako pa kinalaban nyang putragis sya!

"Ano yun? Sunog?"

Napatigil ako sa paglalakad at tinignan si Zhelo. Nakatingin sya sa malayo habang nakakunot ang noo kaya napakunot din ang noo ko at tinignan ang tinitignan nya. Bumungad sakin ang sobrang kapal na itim na usok,

Heartless Queen [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon