4

87 13 0
                                    

Heartless Queen: 4

"Sabay na tayong maglunch tatlo!" Rinig kong sabi ni Dhizy sa gilid ko pero hindi ko sila pinansin at nagpatuloy sa pag ayos ng gamit ko. Bakit ba hindi nila ko lubayan?

"Baby Khea naman~ Pansinin mo kami!"

"Kanina pa ko nagtataka ha. Bakit Khea tawag mo?"

"I searched her! And as far as i know. Her whole name is Azikhea Zamral. And also my soon to be wifey!"

"Isa na lang talaga. Gigilitan ko ng leeg 'to." Inis na bulong ko at padabog na nilagay yung bag ko sa balikat ko at mabilis na naglakad. Isa na lang. Seryoso ko. Isa na lang at magnanakaw ako ng kutsilyo sa cafeteria at gigilitan ko sya ng leeg. Yung tipong titirik yung dugo nya.

"Nagsalita ka?! Nagsalita sya, Dhizy! Dumating lang ako nagsasalita na sya! Hmm, naiinlove na ata sya sakin."

Imbes na makipagtalo pa sa isip bata na yon ay lumabas agad akong room. Nagugutom na din ako at sa field ako kakain imbes na sa cafeteria. Ang ingay at ang dami ng tao doon.

"Wag kang assuming, insan!-- Ay nasan na yun?"

"Babyyyy!!"

Narinig ko agad ang mga yabag nilang papunta sakin kaya napapoker face ako ng todo. Kelan kaya ako makakatakas sakanila? Ang daya kasi. Nananahimik ako pero ginugulo ko. Bakit hindi na lang nila ko lubayan? *face palm*

"San tayo magdadate?-- este, kakain pala. *chuckle*"

Naramdaman ko nanaman ang kamay nyang nasa balikat ko kaya napairap talaga ako ng todo sa isip ko. Napakalikot ng kamay. Dapat hatulan ang mga kamay netong ungas na 'to.

"Get your fcking hands off of my shoulder, you flirt." Malamig na sabi ko dito matapos ay siniko ko ng malakas ang tyan nya pero ako yung natigilan ng maramdaman ko ang tigas ng tyan nito.

Napatingin tuloy ako dito na nakakunot ang noo. Ano yun? Sinemento nya tyan nya? Bakit ang tigas? Pwede pa lang isemento ang tyan?

"Nahuhumaling ka na ba sa tigas ng abs ko, baby?" Napatingin ako sa mukha nyang ngayo'y nakangisi na parang demonyong u*ol. Tinignan ko sya ng walang kabuhay buhay pero lalong lumawak ang ngisi nya. Tinanggal nya ang pagkaakbay sakin at nagulat ako ng hinawakan nya ang pisngi ko.

"Bakit namumula ang asawa ko?" Nakangisi nyang sabi kaya napakunot ang noo ko at tinabig ang kamay nya. Anong pinagsasasabi ng ul0l na to? Namumula? Sakanya? Asa.

Tinignan ko sya ng masama pero tanging tawa lang ang nasagot nya saakin kaya sinipa ko agad ang binti nya. Namumuro na sakin 'tong lalaking ito. Malapit nang kumota sakin 'tong hayuf na lalaking malanding 'to!

"Pff *laughs* Bestfriend! Namumula ka nga! Naiinitan ka ba? *Chuckle*"

Masaya yan, sige. Pagtripan nyo ko.

"Tara na nga! Kain na tayo, Khea ko. Baka mawalan na ng dugo ang sexy mong katawan at mapunta sa mukha mo."

"Fuck you, Zhelo." Inis na sabi ko dito at nagsimulang magmartsa palayo. Ang lakas makaasar ang gag0! Akala mo kung sinong gwapo naman! Puro kalandian lang naman ang sinasabi!

"Nagsalita ka nanaman, bestfriend!"

Teka nga, bakit nga ba ko nagsasalita?! Eh paano nakakairita yang lalaking yan! Sya lang ang nagtangkang asarin ako ng ganyan! Ang kapal ng apog asarin ako? Pag ako napuno talaga, magiging brutal na talaga ko!

Lumiko agad ako at nagderetso ng lakad. Ayokong kasabay ang magpinsang iyon. Hindi ko naman ginayuma pero sobrang adik sakin. Hindi naman ako interesado sakanya at kahit kailan hindi ako magiging kanino. Sa iisang tao lang.

Heartless Queen [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon