20

5 1 0
                                    

Heartless Queen: 20

“Bestfriend, mamayang 1pm naman yung sa basketball training. Kasama tayo sa napili para sumabak sa laban sa ibang school. 8 lang ang pinili overall for girls. Pero pwedeng manood ka muna.” Hindi ko pinansin ang sinabi ni Dhizy sa harap ko dahil nakatingin lang ako sa coke in can na binili ko habang hawak ito. Nandito kami sa cafeteria dahil lunch time na. Sino kasama? Obviously, sila Dhizy, Nezter, Xyver at si Tyron ay ‘di ko alam kung san nagpunta.

“feel ko talaga may gusto yung Gladysse kay Zhelo. Biro mo, pinili sya sa 8 players na kinuha for boys basketball team kahit hindi umattend si Zhelo kahapon.”

Gigil na gigil ako kay Zero dahil bakit?! Pagkatapos nya kong sabihan ng nice ay sinabi nyang mas magaling ako sakanya pero nung try out nag pakitang gilas sya sakin. Pinagtritripan nya ba ko ha?!

“Nako mukhang may kaagaw si bestfriend.”


“oo nga pala, nasan si Zhelo?”


“Business matter daw ng family nya.”

Alam kong magaling din sya pero kanina ay hindi nya pinakita. Yung ibang mga tinira nya ay halatadong hindi talaga tinira ang gitna para sakin ang puri ng dalawang coach namin. Ano bang gusto nyang iparating ha? Tinatapakan nya ba pride ko? Bakit hindi sya nakipaglaban sakin katulad nung sa try out? Ano? Bakit? Sabihin nya, kundi masasapak ko sya.

“tignan nyo si Azi.”


“hala ang sama ng tingin sa coke in can?”


“kanina pa masama ang ihip ng hangin sakanya, ’di nyo ba halata?”


“uy ayun na si Tyron!”



“teach me how to be strong like you.”


Mas lalong sinamaan ko ang tingin sa coke in can na hawak ko at hinawakan ng mahigpit. Ume-echo sa utak ko ang sinabi ni Zero pagka-tapos ng training. Hindi ko alam kung minamaliit nya ko o hindi pero ang alam ko lang ay pinag tritripan nya ko. Ano tingin nya sakin? Mahina? Kaya kunwaring pinupuri nya ko para isipin kong ganun talaga ko kalakas?

“San ka nagpunta?”

“bumili ng gamot para sa pilay ni Azi.”


“ay ang sweet naman!”

“Nako, Tyron. Ingat ka. Badtrip ata yan.”


“Hey.” May kung sinong humawak ng baba ko at pinalingon sakanya kaya otomatikong napitpit ko yung coke in can na hawak ko.

“Ohmyghad, bestfriend!”


Bumungad sakin ang mukha ni Tyron na nakakunot ang noong nakatingin sakin. Agad ko syang sinamaan ng tingin at hinampas ang kamay nyang hawak ang baba ko.


“Anong ginawa sayo ni Zero?” tanong nya pero hindi ko sya pinansin. Tinignan ko yung coke in can na pitpit na kaya binitawan ko na ito at naghalukipkip.


“Eh? Si Zero nag pabadtrip kay Azi?”


“ang weird nung Zero.”


“tumpak ka jan, Xyver!”

Biglang nilahad ni Tyron ang gamot sa mukha ko kaya sinamaan ko na naman sya ng tingin. Wag nya kong inisin lalo dahil baka sakanya ko mapagbuntunan ang inis ko.

“inumin mo para bumilis ang galing ng pilay mo.” Ang sabi nya sabay inabot naman ang tubig kaso iniwasan ko lang sya ng tingin at tinignan ulit ang coke in can kaso bigla na naman nyang hinawak ang baba ko at pinalingon sakanya ang ulo ko.

Heartless Queen [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon