29:You stole my car...And my heart

2.8K 77 2
                                    

Black's POV

He's at my unit. We're just cuddling like what couples do. Alam kong mali ang desisyon kong wag magkaroon ng commitment but I'm contented with what we have. No fights. I really like James, He's the first one who made me feel this way and I'm so thankful that he's a nice guy. Hindi pa rin nagbabago na tahimik pa rin sya hindi kagaya nung Daze na yun!

"I'm Jealous" Nagulat ako sa sinabi nya

"What?"

"Nagseselos ako sa lalaking kasama mo kaninang umaga. Narinig ko sa phone na magkatabi kayo at yumakap sya sayo" Halata ang pagtatampo sa boses nito. Nangiti tuloy ako.

"Wala kang dapat ipagselos. Asar ako sa lalaking yun" I assured him. Ngumiti lang sya bilang tugon at nanood na ulit ng movie habang nakaakbay sakin. Sometimes, I want to know what's running on his mind.

-------------
Tatlong araw ang lumipas. Sunday na ngayon. Nagyaya si James na magsimba na hindi ko naman tinanggihan. Sunday nalang kami lumalabas, Makakabuti na rin naman siguro to para sakin. Pero ang linggo ko ay masisira pa ata dahil nasa simbahan din si Daze. Katabi ko pa! Napapagitnaan tuloy nila kong dalawa. Ang kupal na to! Panay ang ngiti sakin, Alam kong napapansin na sya ni James pero binabalewala nya lang. Panay naman ang irap ko kay Daze. Nung part na ng peace be with you ay hinarap ko si James at bumeso sa kanya.
"Peace be with you!" Nakangiting sabi nito na tinugon ko din. Ramdam ko ang paghawak nya sa kamay ko kaya napangiti ako. Umayos na ako ng tayo ng may humalik sa kanang pisngi ko. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Peace be with you!" Nakangisi pang sabi nito. Nang gigigil na talaga ko sa lalaking to. Lumingon muna ako kay James, Buti hindi nya nakita ang ginawa ni Daze. Bumalik ang tingin ko kay Daze sabay sabing. "Peace-ti ka sa buhay ko!" Mabilis kong sabi at inirapan sya. Hanggang matapos ang mass ay hindi ko na ulit sya nilingon..

Niyaya ko si James na gumala muna pero tumanggi sya, Nagtext daw kasi yung dati nyang client kaya hinayaan ko nalang sya. Ang ending, nagpunta akong mag-isa sa coffee shop na lagi kong tinatambayan, marami kasing magagandang libro dun na pwedeng basahin. Naalala ko si Dash, kaya I texted him.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
To: Dash Tejada 6:41 pm
If you don't have any appointment today, Come on! Lets have some coffee at Coffeegian.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
From: Dash Tejada 6:41 pm
Okay :)
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Patuloy lang ako sa pagbabasa habang iniintay sya. Tumingala lang ako ng may sapatos akong napansin. Ngiting ngiti ako ng tumingin sa may ari nito pero agad ding nalukot ang mukha ko ng makita kung sino yun.

"Sinusundan mo ba ko?" Singhal ko kay Daze

"Wag kang assuming, Ikaw nagpapunta sakin dito!" ngiting ngiti na sabi nito at umupo sa tabi ko, he even drink my coffee.

"Kapal mo! Asa kang papuntahin kita dito! Si Dash ang------Teka! Wag mong sabihing si Dash ang nagsabi sayo?" Pasigaw kong sabi

"BINGO!"

"Tsk! I lost my apetite. Makaalis na nga!" Nung nasa pintuan na ako ay hinila nya ako pabalik.

"Teka lang!"

"Bakit ba????".Pasigaw na tanong ko sa kanya.

"Lagi nalang ikaw nauunang mag walk out! Ako naman ngayon!".Ngumisi pa ito bago ako lagpasan. Literal na napanganga ako,Lokong yun!! Ng makarecover na ako ay lumabas na ako sa coffegian para pumara ng taxi pero nandun pa rin pala si Daze.

"Hatid na kita?" Sabi pa nito at binuksan ang pintuan sa shotgun seat.

"Bwisit ka!" Ngayon ako naman ang makikipaglaro sa kanya. Napangiti sya ng pumasok ako sa sasakyan nya pero ako ay nanatiling nakasimangot. Ng masara nya na yung pinto ay agad ko itong nilock at lumipat sa driver's seat. Nilock ko rin ito pero dahil tinted ang salamin ay hindi alam ni Daze ang ginawa ko. I smiled devilishly.

"It's payback!" I murmured. I immediately dialed his number and he pick it up. "Open the door Black!" Sabi nito na halata namang naiinis.

"I'll borrow your car for a while. See you later Tejada!" Mapang asar na sabi ko at binabaan sya ng telepono. Halatang lalo syang nainis dahil mas malakas ang pagkatok nya sa salamin. Ngumiti ulit ako bago pinaharurot ang kotse nya. Kita ko ang mukha nya sa side mirror na halata namang nag ngingitngit sa galit. Nagroadtrip lang ako at tumambay sa City lights, nung 9 pm na ay napagpasyahan ko ng umuwi. Ng mapark ko na ang kotse ay nakita ko agad si Daze. Since I got out from the car, He start to look at me intenly. I flashed him my sweetest smile.

"Thanks Daze! Hindi ko nagasgasan yan!" Sabi ko sabay lahad sa kanya ng susi pero imbis na kuhanin nito ay hinila nya ako papalapit sa kanya. Nakabaon tuloy ang mukha ko sa dibdib nya.

I was about to pushed him when he suddenly talk that made my heart palpitate. "You stole my car.....And my heart,.Take responsibility Violet!"

***

GOODBOY (COMPLETED/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon