66: Bloody truth

2.7K 41 0
                                    

Black's POV

"I love you" I utter

"I love you too" Then we kissed like there's no one around. We shared a one sweet kiss.

Sa di kalayuan ay may nakita kaming van na huminto. Bumaba dun ang isang babae kasama ang isang lalaki na mukhang nasa late 40's na. Napatingin si Daze sa Dad nya, ako naman ay napatingin kay Daze. Nakakunot ang noo nya kaya napakunot din ang noo ko.

"What? I invited them!" Natatawang sabi ng Dad nya.

"What's the matter Daze?" Tanong ko dahil halata sa mukha nya na hindi sya natutuwa sa dumating na tao na sobrang nakapagtataka dahil si Sheriz yun at yung Dad nya, I guess.

"Nothing!" Sagot nya sakin at tumingin sa papalapit na lalaki.

"Tito sorry for not infor-------" nanlaki ang mata ko ng suntok sa mukha ang binati nya kay Daze. Natumba si Daze sa sahig kaya napasigaw ako.

"Oh my ghad!!" Agad akong lumapit kay Daze. May dugo sa labi nya.

"WHAT THE HELL WAS THAT FOR?" Halos pasigaw na sabi nung Dad ni Daze. Nanatiling nakatingin yung lalaki kay Daze.

"Dad tama na please!" Sabi ni Sheriz na nakakapit sa braso ng tatay nya. Halatang galing sya sa pag-iyak. Shit lang pero bakit iba yung pakiramdam ko sa nangyayari.

"Shut up Sheriz!" Sita sa kanya nung Dad nya. Naramdaman ko ang paghawak ni Daze sa kamay ko pero hindi ko ito pinansin at nanatiling nakatingin sa Dad ni Sheriz.

"Thanks for informing me about this proposal! Kung hindi dahil dito ay hindi ko malalaman ang kahayupang ginawa ng anak mo sa anak ko!" Masama pa rin ang tingin nya kay Daze pero si Daze ay nakayuko lang. Ilang beses ko ng dinasal sa isip ko na sana hindi tama yung iniisip ko.

"A-anong sinasabi mo? Daze ano ba to?" Tanong nung Dad ni Daze.

"Dad please! Let's go!" Pilit na pag-awat ni Sheriz.

"Sheriz I said shut up!----- YOU DON'T HAVE THE RIGHT TO MARRY SOMEONE COZ YOU IMPREGNATED MY DAUGHTER!"

"IMPREGNATED MY DAUGHTER!"
"IMPREGNATED MY DAUGHTER!"

Parang nag echo sakin ang sinabi nung Dad ni Sheriz. Lahat kami ay natahimik pero parang pakiramdam ko ay ako nalang ang mag-isa. Nung una palang alam ko ng posibleng may mangyari sa kanila dahil ganun sila kaclose pero hindi ko ineexpect na magagawa nya kong gaguhin.

"She's three weeks pregnant! You'll marry her or else I will sue you!" Hindi ko na kailangang kumpirmahin kung totoo ba ang sinasabi nya dahil sa pananahimik palang ni Daze, sobra sobra ng sagot yun..

"Kailan pa?" Tanong ko kay Daze.

"Let me explain my color" Tanging nasabi nya habang nakatitig sa mga mata ko.

"I trusted you, I listened to all your lies and bullshit, I gave you my all but you just let me down." Mahinang sabi ko na parang pabulong sa kanya. I tried my best not to cry in front of him. He's not worth my tears. Pinilit kong tanggalin yung pagkakahawak nya sa kamay ko pero lalo nya pang hinihigpitan yung pagkakahawak.

"Natukso lang ako! I'm so sorry!" Sabi nya na parang nagmamakaawa. Umiwas ako.

"You should be strong when faced with temptation! Hindi sana mangyayari to!" Umiwas ako at pinilit na kalasin yung pagkakahawak nya. Wala sa sariling tumayo ako. Hinawakan ako ni Mich pero hindi ako tumingin. "Not now Mich!" Tuloy tuloy akong naglakad pero umistop ako sa tapat ni Sheriz. "Congratulations! you ruined us!" Tumingin ako saglit sa tyan nya tsaka nagpatuloy. "I hope you're happy!"

Naglakad ako palayo. Palayo sa lahat pero bakit habang lumalayo ako, mas lalong sumasakit yung nararamdaman ko. Hindi ko alam kung saan ba ko pupunta basta nagdrive lang ako, gusto kong magwala, gusto kong magalit, gusto ko silang saktan pero hinang hina ako, ang kaya ko lang gawin ay ang umiyak. Hindi ko namalayan na nakarating na pala ko sa unit ko. Mabilis akong dumiretso sa kama. I burried my face in the pillow and shouted as loud as I could. Hindi ko na napigilang mapahagulgol.

"Hindi ka lang may pagkagago! Gago ka talaga! Uggggggh!" Binato ko yung lampshade na nasa side table ko.

"Bwisit ka! Ang lakas ng loob mong lokohin ako! Binuntis mo pa sya! Sabi mo kaibigan mo lang sya pero bakit sya ngayon yung dahilan kung bakit nasira tayo ? Ugggh!" Kung anong gamit ang mahawakan ko ay naibabato ko nalang. Sobrang sakit ng nararamdaman ko, parang gusto ko ng tanggalin yung puso ko para wala na kong maramdaman. Ang tanga ko kasi! Nagpaloko ko sa kanya, hinayaan kong papasukin sya sa buhay ko! Hindi ko alam na unti unti na pala kong kinakain ng sistema! Ibinigay ko na sa kanya lahat! Wala ng natira sakin! Nagring ang phone ko kaya napatingin ako sa paanan ko. I saw our picture in the screen. Umupo ako at pinulot yun.
"Sobrang sakit ng ginawa mo pero bakit hanggang ngayon nagtitiwala pa rin ako kahit sinampal na sa mukha ko ang katotohanan?" Tanong ko habang nakatingin sa phone ko. Hindi ko sinagot ang tumatawag, ibinato ko ang phone ko para tumigil ito sa pagriring. There's no point para makipag-usap pa ko. Napansin ko ang singsing na nasa daliri ko. Masaya na ko kanina, feeling ko buong buo na ko! Pero bakit in a split of moment nadurog ako? Yung kasiyahang naramdaman ko ay napalitan ng labis na kalungkutan? Does seconds really matters? Naging masama ba akong girlfriend? Nagkulang ba ko? Niloko ko ba sya? Bakit ganto yung ginawa nya sakin? Minahal ko sya! Pinapasok ko sya sa buhay ko! Binigyan ko sya ng karapatan na saktan ako! Pero bakit sa gantong paraan? Bakit kailangang makabuntis sya ng iba? Bakit sa bagay na hindi ako makakalaban? I'm not a perfect girlfriend but I know na ginawa ko yung kaya ko para magampanan yung tungkulin ko! I even gave up myself multiple times! Bakit kasi sa milyong tao sa mundo? Ako pa talaga yung nakaranas ng ganto? Grabeng first heartbreak to, siguradong hindi ko makakalimutan. Tumungo ako at patuloy sa pag-iyak. I wanna cry everything out baka sakaling maubos to at hindi na ako umiyak bukas.

***

GOODBOY (COMPLETED/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon