Chapter 53:Eulogies

2.7K 59 0
                                    

Michelle's POV
           

"He raised me alone since I was 14 years old, I cannot think of any need in childhood as strong as the need for a father's protection. He is the one I look up to no matter how tall I've grown. My father, he gave me the greatest gift anyone could give another person, he believed in me. He trusted me to handle hundreds of people in our company. I'm a hard headed daughter but he never gave up on me, he never stop caring and he never stop giving advices" Huminto saglit si Black at tumingin sa langit. Naiiyak na rin kami sa speech nya, ngayon na kasi ang libing ni tito dahil tatlong araw lang syang binurol.

" Dad, your guiding hands on my shoulder will remain with me forever! Thank you for being a great dad to me! Your memories will always live in the very core of my heart!" pagkasabi nun ni Black ay nagsimula na namang pumatak ang mga luha nya, mugto na nga ang mata nya. Lumapit ako at niyakap sya, ito lang ang kaya kong gawin dahil hindi ko alam kung anong kailangan kong sabihin para maging ayos sya.

"I m deeply shocked at the suddeness of your father's demise. May his soul rest in peace! Remember that we love and care about you." sincere na sabi ni mommy at saglit din na niyakap si Black, Pilit lang na ngumiti si Black. Unti-unti ng binababa ang coffin ni tito. Tinitingnan ko si Black, nakatitig lang sya sa kabaong, parang dinudurog ang puso ko. She cried so much, she's in pain for a long time, and it comes to a point na gusto nya ng sumuko. Hindi ko alam kung anong plano nya kay Roxanne dahil wala pa syang sinasabi tungkol dun, Roxanne is still living in their mansion. Nagpakita ito nung unang araw ng burol, akala ko ay pagtatabuyan siya ni Black pero hinayaan nya lang ito. Pati sina James at Jamaine ay nakiramay din.

Unti-unti ng nag-aalisan ang mga tao ng matapos na ang libing pero si Black ay tulala lang na nakatayo pero patuloy pa rin ang pag-agos ng luha sa mata nya. Kaming apat nalang nila Daze at Daryl ang naiwan. Walang nagsasalita saming tatlo, nagpapakiramdaman lang kami at nagsesenyasan kung sino ang magaapproach kay Black. Kaming tatlo ang nageffort para kausapin si Black. Sa apat na araw na nakalipas, hindi nya kami kinausap. Naiintindihan ko sya pero nag-aalala kami, lalo na si Daze na hindi talaga iniwan si Black.

"See you again, Daddy" hindi ko alam pero naiyak ulit ako sa salitang binitawan nya. 'This is really a goodbye, see you sa next life tito' I mentally said. Nakita ko na hinawakan ni Daze ang kamay ni Black, hinigpitan ni Black ang hawak dito at naunang maglakad. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang naglalakad. Sana maging ayos kaagad si Black, madami pa syang kailangang harapin.

"Cheer up! She needs strength right now!" sabi ni Daryl, I wiped my tears and smiled. Inakbayan nya na ako at sumunod sa dalawa. Sa condo kami ni Black dumiretso, dito muna kami matutulog para may kasama sya. Nagorder kami ng pagkain para sa hapunan pero hindi naman kumain si Black, hinatiran ko sya ng pagkain sa kwarto pero ewan ko lang kung ginalaw nya. Sa guestroom kami natulog, ako sa kama at yung dalawa ay sa comforter. Parepareho kaming nakatingin sa kisame, hindi rin siguro sila makatulog.

"Ano kayang ginagawa nya ngayon?" Biglang sabi ni Daze.

"Probably crying!" maikling sagot ni Daryl na ikinasimangot ko.

"Wow, thanks man' lalo lang akong nag-alala sa sinabi mo!" sarkastikong saad ni Daze. Gusto ko syang puntahan pero she need space. Losing someone forever is really painful, ang isipin ko pa nga lang na someday mawawala din ang parents ko naiiyak na ako eh, paano pa kaya kung mangyari na baka mas malala pa ako kay Black.

"Roxanne should be in Jail!" I bluntly said.

"Hindi sya pwedeng ikulong dahil ibabalik sya sa mental" sagot naman ni Daryl.

"Hindi sya mapaparusahan kung sa mental lang sya dadalhin!"

"Tama na! Kung ayaw nyong matulog, magpatulog kayo!" natahimik kami sa sinabi ni Daze. Umusog ako sa gilid para makita silang dalawa pero hindi ko inakalang nakaharap sa kama si Daryl. Otomatikong ngumiti sya ng magtama ang mata namin.

GOODBOY (COMPLETED/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon