9.Meet the parents

4.5K 88 6
                                    

Michelle's POV

Hindi na Ulit ako nagsalita matapos nyang sabihin yun, dahil sa totoo lang tinamaan ako ng hiya. Matapos naming kumain ay nagpaalam agad ako sa kanya pero nagpumilit talaga syang ihatid ako kaya in the end napapayag nya ako. Tahimik lang kami sa loob ng kotse hanggang makarating kami sa bahay. Pagbaba ko ay akala ko aalis na sya pero bumaba din sya.

"What? Balak mo pa ba kong bantayan hanggang makapasok sa bahay?" I said sarcastically.

"No. Hindi kita babantayan dahil ihahatid mismo kita sa loob" nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

"Damn! Hindi pwede! Nandyan si Mommy at Daddy! Maghihinala yun kung bakit di ako umuwi kagabi" sabi ko sabay harang sa kanya.

"That's my point! I will explain to them what happened!" At derederetso na syang pumasok sa nakabukas naming gate.

"Shit! Shit! Shit!" First time akong maghaharap kina mom ng lalaki at yung lalaki pang yun ay kagabi ko lang nakilala. Knowing my parents, Maghihysterical yun. Malaman pa nga lang nila na I'm partying behind their back, galit na galit na. Paano pa kaya kung malaman nilang I slept overnight with a guy..

"Hey Michelle, don't be nervous as if na hihingin ko ang kamay mo sa mga parents mo" Otomatikong napairap ako sa sinabi nya.

"Tsk! Ewan ko sayo! Wag mo kong sisihin pag lumabas ka dito ng may mga latay!" Pagtataray ko at derederetsong pumasok sa bahay. Hahakbang pa sana ulit ako ng mapansin kong may dalawang pares ng mata ang nakatingin sakin.

Napakagat ako sa labi ko.

"Mom! Dad! Morning" awkward kong bati sa kanila.

"Where have you been young lady?" kunot noong tanong sakin ni Dad pero hindi pa ako nakakasagot ay nagtanong din si Mom.

"Who's that guy behind you?" taas kilay nya pang tanong sakin.

"Umm.. Dad... mom.. He is...." Shit...ano nga bang pangalan nya? I forgot to ask.

"Alexander Villamonte po."

"Follow me!" ma otoridad na sabi ni Dad. Hindi na kami umimik at sumunod na lang sa kanya.

Magkatabi kami ni Xander sa upuan habang si mom at dad ay nasa tapat namin. Pinaglaruan ko nalang ang kamay ko. Why does I have this feeling na parang nagpapakilala ko ng boyfriend.

"Mrs.Santos, Mr.Santos. Pag pasensyahan nyo na po kung hindi nakauwi si Michelle kagabi. Nalasing po kasi sya kaya dinala ko muna sya sa condo ko dahil hindi ko naman alam ang bahay nya. By the way, kagabi lang po kami nagkakilala but I can assure you na wala kong ginawang masama sa kanya." Pigil hininga akong nakatingin sa mga palad ko. Shit! Im doomed! Langyang lalaki to. Pinahamak pa ako.. I know my dad will scold me and for sure, ipupush nya na akong magtrabaho sa company namin. Usapan pa naman namin na pag may kalokohan akong ginawa, susundin ko na sya. And damn! I think I don't have a choice.

"You're brave Alexander. I like you!" I gasped when my mom said that. What the hell? She even smiled at Alexander.

"Thanks Mrs.Santos. I just want to clear thing out. Ayoko po kasing mag isip kayo ng masama kay Michelle." Hindi ko alam kung bakit nag-iinit ang mukha ko. Kung pwede lang tahiin ko na ang bibig ng lalaking to eh.

"Naaaa! Alam mo bang ikaw pa lang ang lalaking nakapunta rito sa bahay. I'm glad na gentleman ang kaibigan ng anak ko" Ngumiti ulit si mommy.

"FYI MOM! Hindi ko sya kaibigan" sabi ko pero agad namang napatikom ang bibig ko ng tumingin silang dalawa ni Dad sakin

"I'll have to go na po! I just drop by to tell that" Tumayo na si Xander kaya tumayo din ako.

"Ihahatid ko lang po sya sa gate" Naglalakad na kami ng magsalita si Dad

"Be back Young lady, I want to talk to you" He said it in a serious tone.

"O-kay Dad!" sabi ko pero sa loob loob ko ay ilang cuss na ang nasabi ko. Alam ko na kung anong sasabihin ni Dad at wala na akong ligtas ngayon

***

GOODBOY (COMPLETED/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon