Chapter 51: For all the wrong reasons

2.5K 44 0
                                    


Daze POV

"Sheriz naman! Bakit kailangan maglasing ka pa!" Hinatid ko sya sa unit nya. Patuloy pa rin sya sa pag-iyak. Sabi sakin nung mga kaibigan namin ay nag-usap daw sila ni Jacob sa pinuntahan nilang Club. Yung Jacob na yun, wala ng ginawa kundi paiyakin si Sheriz.

"M-may girlfriend na sya! P-paano na ako? Mawawala na talaga sya sakin ng tuluyan!" sabi nya habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Marami pang iba dyan, May makikilala ka pang hihigit sa kanya kaya wag ka ng umiyak!" pagpapatahan ko. Pero ayaw nya pa ring tumigil. Dinala ko na sya sa kwarto nya para makatulog pero hindi ako makaalis dahil iyak pa rin sya ng iyak kahit nakahiga na. Kumuha ako ng upuan at tumabi sa kama nya. I stroke her hair and tell everything that can make her feel better, atleast. Hindi ko namalayan na nakatulog na rin pala ako.

Black's POV

5am pa lang ay nagising na ako, hindi ko namalayan na sa sofa pala ako nakatulog kakaintay kay Daze. Pinilit kong tanggalin yung inis ko sa kanya kaya lumabas nalang ako para magjogging. Kaso paglabas ko ay nakita ko si Daze na kakalabas lang sa kabilang unit at halatang bagong gising. Agad kong nakuyom ang kamao ko. Ayokong mag-isip ng kakaiba kahit halata naman na dun sya natulog at silang dalawa lang.

"My color? Aga mo ah! San punta?" nakangiting tanong nito at humalik sa pisngi ko.

"Magjojogging" maikling sagot ko at nagsoot ng headset.

"Sama ako! Wait lang magbibihis lang ako saglit!"

"Wag na! May importante din akong lakad pagkatapos ko magjogging. Una na ako!" mabilis na pagkontra ko sa kanya. Dahil magjojogging naman ako ay sa hagdan nalang ako dumaan. Ayokong makasabay sya pag-iintay sa elevator. Ang daming tumatakbo sa isip ko na maaaring ginawa nila at lahat ng yun ay masama.

"Nakakainis sya! Sabi nya babalik sya! Nag-intay pa ako bwisit!" magkausap ko sa sarili ko.

Pabalik na ako sa condo ng may tumawag sakin. Paglingon ko ay nakita ko si James.

"Anong kailangan mo?" otomatikong naningkit ang mata ko pagkakita sa kanya.

"Pwede ka bang makausap?" pakiusap nya.

"We're already talking!" pagtataray ko. Mukha naman syang nabigla. Hindi ko kasi sya tinatarayan pero after ng ginawa nya, umaasa pa syang magiging mabait ako sa kanya? Wow lang ah!

"May coffee shop nearby, kung okay lang sayo pwedeng dun na tayo mag-usap?" Napaiwas ako ng titigan nya ako sa mata. Halata ang sincerity sa mata nya pero ayoko pa ring magtiwala.

"Please!" sabi nya ulit. I ended up saying yes at nagsimula ng maglakad papuntang coffee shop. Nakaorder na sya pero hindi ko iyon ginagalaw. He started talking.

"Black, I'm so sorry for what I've done. I didn't know that Roxanne will go this far! But what I showed you are my true feelings! I really cared for you, I really love you!" Nakatitig lang ako habang nagsasalita sya.

"Black, Roxanne is just a sister to me. I followed her because she's-----" I smiled that made him stopped.

"You don't need to explain! Just simply looking at you tell me the whole truth." sincere na sabi ko.

"Pinapatawad mo na ako?" tanong nya. I nodded.

"But I realized one thing and I want to apologize for that!" dugtong ko. Halatang naguguluhan sya kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"I loved you because you came when I feel so empty, When I want to experience to be loved in return but when I think about Daze, he came when I almost complete. He annoys the hell out of me, I almost hated him but then I ended up falling for him. That time, I knew that I loved you for all the wrong reasons so I'm sorry!" I explained. Nakita ko ang paglungkot ng mata ni James but he still smiled.

"I don't know what to react Black but no matter what, I still love you! Thanks for your forgiveness!" sabi nya.

Wow! I'm a great liar. I loved him truly. With all the right reasons.
-----
Pagpasok ko sa unit ko ay rinig na rinig ang tv kaya kinabahan ako. Baka si Dad or Roxanne yun, papapalitan ko na talaga ang passcode ng unit ko. But to my surprise, I saw Mich and Daryl.

"Hi Black!" They said in chorus. Napataas ang kilay ko dahil nakaakbay si Daryl kay Mich. Napansin siguro nila ang ekspresyon ko kaya nagexplain sila.
Nakakagulat dahil ang daming nagbago pagbalik namin mula sa Dakak.

"Ayun, natagalan kami umuwi dahil inantay namin si Dash yun pala nauna ng umuwi. Sya nga pala! Balita ko kayo na daw ni Daze ah?" tanong sakin ni Mich.

"Saan mo naman narinig yan?" tanong ko sa kanya dahil sigurado akong kakauwi lang nila galing Dakak. Hindi pa nga sila nakakauwi sa kanya-kanya nilang bahay dahil nandito rin yung mga maleta nila.

"Kay Daze! Nandyan nga pala sya sa kitchen mo, nagluluto!" otomatikong napasimangot ako.

"Pupuntahan ko muna, baka masunog yung kusina ko!" sabi ko. Hindi ko na pinakinggan yung pang-aasar ni Mich. Nakita ko si Daze na busying busy maghalo ng kung anong niluluto nya.

"Who gave you the permission to cook in my kitchen?" Nakangiti naman syang lumingon sakin.

"You're my girlfriend, What's yours is mine. What's mine is yours!" sabi pa nito. I crossed my arms because of his statement.

"There's a thing called personal Space, and the space I'm referring is my unit. And may I remind you Daze Tejada, Yung sinabi mo ay dialogue lang ng mag-asawa!"

"Sus! Papakasalan din naman kita soon kaya magiging mag-asawa din naman tayo! Tikman mo tong Arozcaldo ko, This is my specialty!" proud na sabi nito habang hinihipan ang laman ng kutsara. I gladly took it at masasabi kong masarap nga pero hindi ko pinahalata dahil paniguradong madadagdagan ang kayabangan nya. Tahimik kaming apat na kumakain ng biglang tumunog ang phone ni Daze..

"Excuse me, dalhan ko lang ng Arozcaldo si Sheriz ah para matanggal ang hangover nya" hindi man lang nya ako inintay makasagot dahil nagsandok na sya at mabilis na lumabas. Napasimangot na naman tuloy ako.

"Who's Sheriz? Baka mistress ni Daze yan ah!" sabi ni Mich lalo tuloy napahigpit ang hawak ko sa kutsara.

"Magbestfriend sila simula nung bata pa kaya ganun sila kaclose! Wag mong bigyan ng malisya Mich!" suway ni Daryl.

"Tsk! Maski na! Dapat ngayong may girlfriend na sya, hindi nya ipinapakita ang sobrang pagke-care sa ibang babae"

"Kaibigan nga lang nya yun Michelle!"

"Sabihin na nating kaibigan pero mali pa rin yung ginawa nya! Hindi nya ba alam na maaaring magselos si Black"

"Mich naman!" bago pa ulit makasagot si Mich ay sumingit na ako.

"Tama na! Nawalan na ako ng gana kumain, papahinga na ako!" sabi ko nalang at umakyat sa kwarto ko. Dumiretso ko sa cr to freshen up. I saw my reflection on the mirror.

"Mas matangkad ka sa kanya Black, mas maganda ka at di hamak na mas eye-catching ka kaya wag ka mag-alala! Hindi ka pagtataksilan ni Daze!" pag papaalala ko sa sarili ko at naligo na. 10 am na pero inaantok ulit ako o gusto ko lang talagang itulog yung inis ko. Hindi na ako bumaba at hinayaan nalang sila Mich dun tutal feel at home na feel at home naman sila.

----

Naghikab ako at pagmulat ko ay tumambad sakin ang nakangiting mukha ni Daze kaya agad kong tinakpan ang bibig ko.

"Uggh! Di mo ba talaga maintindihan ang personal space?" bulyaw ko habang inaayos ang buhok ko.

" Dumaan kasi yung Daddy mo, ibigay ko daw agad sayo tong invitation" nakangiti pa ring sabi nito.

"Ano bang nginingiti ngiti mo dyan Tejada?"

"Simply staring at you makes me smile" napairap nalang ako pero bumilis ang tibok ng puso ko, naging abnormal na to lately and its Daze's fault.

Kinuha ko ang invitation at tiningnan. Nang mabasa ko ito ay napapikit nalang ako sa inis.

  ***

GOODBOY (COMPLETED/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon