Chapter 59:I won't let you go

2.6K 45 3
                                    

Michelle's POV

"I know! I admit that I was jealous! Who wouldn't be?" sabi ni Black sakin.
4pm na at andito kami sa unit nya. Ayoko sa bahay dahil maaupset lang si mom pag nakita nyang malungkot pa rin ako. I didn't tell her a word, tinatanong nya ako kung anong nangyari pero hindi ako nagkekwento. Nahihiya na ako kay mom dahil after Xander's incident, Namroblema na sya sakin. Hindi ko ineexpect na sa walong araw na magulo ang kung anong meron samin ni Daryl ay si James ang lagi ang kasama ko. Sa katunayan, kasama namin sya sa unit ni Black. Nasa kusina at hinahain ang tinake out namin sa Giligan's kanina.

"Yang magkaibigan na yan! Sakit sa ulo at sa puso natin" I retorted at sumandal sa couch.

"Naiinis ako! Pero alam ko sa sarili kong mahal ko sya!" mahinang sabi ni Black na parang nahihiya.

"Wow! Si Black ka ba?" hinawakan ko sya sa noo na parang chinecheck up kung may sakit ba sya. Agad naman nyang tinabig ang kamay ko.

"Ewan ko sayo!" masungit na sabi nito at tumayo. Mukhang umiiwas lang naman. Tiningnan ko nalang ang phone ko, bigla akong nalungkot ng makita ang wallpaper ko. It was me and Daryl, hindi ko akalain na hahantong din kami sa ganto. Before I knew it, I'm already sobbing.

Black's POV

Tumayo ako bago pa ulit makapagsalita si Mich. Umiiwas lang ako na iexplain ang sarili ko dahil maski ako ay hindi na maintindihan ang nangyayari sakin. Pumunta ako sa kusina at dumiretso sa refrigirator, halos maibuga ko ang iniinom ko ng mapansin ang pares ng mata na nakatitig sakin. Nakalimutan kong nasa kusina nga pala ai James.

"A-ah pasensya na! Mukhang nagulat kita!" pagdespensa nya. Bahagya akong ngumiti.

"Pasensya na din, di kita napansin kaya nagulat ako" sabi ko. Ngumiti lang sya bilang tugon.

"Nakakapagtaka, bakit ba lagi kang kasama ni Mich?" deretsong tanong ko.

"Gusto ko lang syang damayan!" maikling tugon nya habang patuloy pa rin sa paglalagay ng pagkain sa plato.

"Alam mo bang sa pagdamay din sila nagsimula ni Daryl?" pagpapatuloy ko. Nahinto sya sa ginagawa nya at tumingin sakin.

"Wag ka mag-alala, I see her as a little sister. And besides, hindi sya magkakagusto sa katulad ko!" napaiwas ako ng tingin dahil napaka seryoso nya.

"Sige balik na ako dun ah!" pag-iiba ko ng topic at agad naglakad palabas ng kusina. Pagbalik ko dun ay nakita ko si Mich na nakatitig sa phone nya at umiiyak. Kumunot agad ang noo ko, ng mapansin nya ako ay agad syang nagpunas ng luha at ngumiti sakin.

'What a great pretender!' bulong ko sa sarili ko. Ilang sandali lang ay dumating na si James at nagsimula na kaming kumain pero sa kalagitnaan ng pagkain namin ay biglang may nagdoorbell. Tumayo ako at mabilis itong binuksan. Nakita ko si Daryl na seryoso ang mukha, not the usual him.

"Black pwede ko bang makausap si Mich?" seryosong sabi nya, hindi mapapansin ang playful aura nya.

"Bigyan mo ko ng isang dahilan para pumayag akong kausapin mo sya!" litanya ko.

"Mahal ko sya Black" Napapitlag ako sa sagot nya. Napaka confident ng pagkakasabi nya, para nyang pinaglalaban ang mga katagang binitawan nya. Binuksan ko ang pinto at pinapasok sya pero hindi ko pa nasasara ito ay mabilis nyang hinila si Michelle palabas. Nakita ko na hindi naman pumapalag si Michelle kaya sa tingin ko ay dapat na silang mag-usap. Mapangiti ako ng mapait, bakit si Daryl nag-eeffort na magkaayos sila pero bakit si Daze hindi na nagpakita simula nung pagtatalo namin. Pagbalik ko sa sala ay nililigpit na ni James yung mga pinagkainan. Tutulungan ko sana sya kaso aksidenteng nagdampi ang kamay namin kaya agad akong umiwas. Hindi naman sa nandidiri ako sa kanya, sadyang hindi ko lang makalimutan na isa sya sa dahilan kung bakit namatay si Daddy.

"Black" tawag nya sakin.

"Hm?" sabi ko habang patuloy pa rin ang pagliligpit.

"I know you still hate me, But I sincerely want to be your friend again." I look at him intently.

"James, you know it will never be easy for me kaya sana wag mo ng ipilit yung mga bagay na malabong mangyari!" napayuko sya sa sinabi ko. Tumayo na ako at pumunta sa kitchen, napabuntong hininga nalang ako. I really want to forgive him pero pumipigil sa akin ang nakaraan and up to now, he's still taking good care of Roxanne. She doesn't deserved it! Pag balik ko sa sala ay wala na sya, I offended him that's for sure, well he deserves it anyway.

Michelle's POV

Hindi kami nagkikibuan ni Daryl habang nagdadrive sya. Nakatingin lang ako sa malayo pero hindi maitatanggi na ang iniisip ko ay ang nasa tabi ko lang. Alam ko kung saan kami pupunta pero ayokong mag react, gusto ko sa kanya mismo manggaling ang lahat. Gusto kong magpaliwanag sya! Gusto kong sabihin nya na ako lang ang mahal nya! Na walang iba! Kaya kong kalimutan ang lahat ng nangyari dahil mahal ko sya. Napapitlag ako ng maramdaman ang mga daliri nya sa pisngi ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Mabilis kong tinabig ang kamay nya at marahas na pinunasan ang luha ko.
Nandito kami sa labas ng mansion nila, mahabang katahimikan ang bumabalot sa paligid ng mapagpasyahan nyang magsalita.

"Sorry kung naduwag ako! Sorry kung nagpakatanga ako! Sorry ngayon lang! Sorry kung nasaktan kita! Sorry kung pinaluha kita! Sorry kung sinira ko ang mga pangako ko! Sorry kung ngayon lang kita maipaglalaban! Michelle, mahal kita, yun ang totoo at wala ng iba!" nagulat ako sa sinabi nya pero mas nagulat ako ng bumaba sya at hilahin ako palabas ng kotse. Tuloy tuloy kaming pumasok sa mansion nila. Pagkarating namin sa dining area ay napatigil ang mom at dad nya sa pagkain at pinukulan si Daryl ng isang masamang tingin, Napayuko ako sa hiya.

"You just dare to disobey my order Daryl!" mahinahon pero may diin na sabi ng dad nya.

"All my life I obeyed you! I gave up my dreams to fulfill yours! Pero sana naman sa babaeng mamahalin ko hayaan nyo na akong pumili! Dad, mom mahal ko sya! Intindihin nyo naman yun!" Tumaas ang boses ni Daryl, mabilis na tumayo ang mom nya at binigyan sya ng malakas na sampal.

"How could you! HINDI KA NAMIN PINALAKI PARA MAGING BASTOS! AYAN BA ANG NATUTUNAN MO SA BABAENG YAN?"Lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng duruin nya ako. The typical Mich will surely raised her eyebrow and insult her but the mere fact that she is the mother of the man I love is enough to weaken my knees. Naramdaman kong hindi ako kagusto-gustong babae.

"Ma! Hindi ako bastos! Pinaglalaban ko lang ang karapatan ko! MAHAL KO SYA AT HINDI NA MAGBABAGO YUN!" Hinila nya ako palabas pero sa pagharap ko ay bumungad sakin si Angel. Si Angel na maganda, perpekto at mukha talagang anghel. Ang babaeng gustong gusto ng parents nya. Matiim syang nakatingin samin pero pinasadahan lang sya ni Daryl ng tingin at nilagpasan. Malapit na kami sa Gate ng may tumawag kay Daryl. Napahinto kami at sabay syang nilingon. Mabilis tong lumakad papalapit samin.

"Do you think I will give up on you Daryl? Kahit anong gawin nyo, tuloy pa rin ang kasal at hindi nyo na mababago yun! I won't let you go My dear Daryl. I won't!" nakangiting sabi nito pero ramdam na ramdam ko ang pagbabanta sa tono nya. Napapikit nalang ako ng mariin ng ngumiti ito.

***

GOODBOY (COMPLETED/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon