24:Outing

3.2K 67 0
                                    

Black's POV

April 19, 4am. Maaga kaming bumyahe papuntang Marionette Resort sa Cavite. For elites only lang daw sabi ni Mich. Nakasakay ako sa kotse ni Mich kasama namin si Jamaine. While the others ay nagrent ng sasakyan, I told Dad about it. Gusto pa nga sana nyang sumama buti nalang pinigilan ni Tito. Almost 2 hours lang ang byahe dahil wala namang traffic. Bumungad agad samin ang color Gold na gate na may design na water waves. Sa labas pa lang ay mukha ng classy. May inn sa loob sa gustong mag overnight pero sa isang bahay kaming tatlo nagstay while the others went to the inn. Wala naman silang gastos dahil all expenses are paid by the company.

Nasa isang kwarto lang kami magii-stay. 2 days and 1 night kami dito. Habang inaayos ko ang gamit ko ay nagtanong si Jamaine kay Mich.

"Kakilala mo ba ang may-ari ng resort na to?" Naningkit ang mata ko ng ngumiti si Mich at tumingin sakin kaya hindi ko na napigilang magsalita.

"Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo 7 days ago Mich! So don't give me shits again!" I glare at her but she grin. Now I know that she have another shits for me.

"Bitch!" sabi ko. Kung pwede ko lang syang patayin sa tingin baka napatay ko na sya.

"Thank you!" Nakangisi pa nitong sagot

"O-kay guys! Pahinga muna tayo pwede? Hehe" Nakangiting sabi ni Jamaine na naging ngiwi. She's still not used to us. Akala nya nag aaway na kami ni Mich pag ganto. Pinagpatuloy ko nalang ang pag-aayos ko ng gamit. Humiga naman si Mich at Jamaine sa king size na kama.

"Ghad! I miss him!" biglang sabi ni Mich. Mukhang malungkot ang boses nya.

"Bakit di mo pa kasi sya kausapin?" tanong naman sa kanya ni Jamaine.

"Tsk! Hindi ko ibababa ang pride ko. Buti sana kung ako yung may kasalanan e! Kaso hindi! Dapat sya yung sumusuyo sakin! Kapal nya! Aish! Wag na nga nating pag usapan, Naiinis lang ako! Kamusta na kayo ni Ken?" Ngumiti naman si Jamaine.

"Pa chill chill lang. So far, wala namang away." Masayang sagot nito.

"Buti ka pa! Ako lang ata broken hearted sa ating tatlo!" nakapout na sabi ni Mich. Napairap naman ako.

"Kayo ni James kamusta na?" Nakahiga na rin ako. Nakatingin ako sa kisame. Ramdam kong nakatingin sila sakin at nag aantay ng sagot ko.

"We're still friends!" Maikling sagot ko na dinugtungan ni Mich ng "with Benefits" Kung wala lang si Jamaine sa pagitan namin ay nasipa ko na sya.

"We're not having sex crazy lady!" Natawa naman silang dalawa sa sagot ko.

"Di naman ayun ang ibig naming sabihin Black. Ang Benefits ay yung nagpapakilig sayo, nagpapasaya sayo at nagfufullfill sayo. Ikaw ha? Kung ano ano pumapasok sa isip mo!" Mapang asar na sabi ni Mich, lalong natawa si Jamaine. Sa inis ko ay tinalikuran ko na sila at natulog nalang.

---------
Nagising ako ng wala ng katabi sa kama. Pagtingin ko sa orasan ay 11am na. Napahaba ang tulog ko, Nagpalit lang ako ng black sleeveless at short shorts. Sa tingin ko ay nagsiswimming na ngayon sila Mich. Pumunta muna ako sa kitchen para kumuha sana ng maiinom ng may nakita akong lalaki. Nakatalikod sya sakin kaya hindi ko makita ang mukha nya, Nagluluto sya ngayon. Tumikhim ako para malaman nya na nandito ako. Dahan dahan syang lumingon at nanlaki talaga ang mata ko ng makita kung sino yun.

"Dash Tejada?" "Black?" sabay naming sabi kaya natawa sya pero ako hindi

"Anong ginagawa mo dito?" Napailing naman sya sa tanong ko, Alam kong medyo harsh ang pagkakatanong ko but I can't help it, Imposibleng coincidence to.

GOODBOY (COMPLETED/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon