25:Outing Part II

3.1K 79 1
                                    

Black's POV

Gabi na ng naisipan kong magbihis pang swimming. Tapos na kami maghapunan kaya nagsiswimming na ang lahat pati ang mga staff namin. I wear my black two piece na pinatungan ko ng seethrough. Nakaupo ako sa gilid ng pool, Watching them quietly. My disco ball sa parte nila, sinasabayan ng party song ng DJ. May tumabi sakin and I saw it was Dash.

"Bakit di ka nagsiswimming?" tanong nya sakin

"Mamaya nalang siguro!"

"Okay sasamahan nalang muna kita" Minutes of silence. Kating kati na ang dila ko para magtanong kaya hindi na ako nagdalawang isip pa.

"Who's Cassandra?" Halatang nabigla sya sa tanong ko pero ngumiti ulit

"Wanna hear a story?" Tanong nya

"Sure as long as its a good story" Ngumiti sya but sadness are written all over her face

"Cassandra Courtney was my girlfriend for 3 years. She is the living definition of almost perfect but when Jeirah comes, She confused me, I fall out of love and end up breaking Cassandra's heart. Naging kami ni Jeirah but time comes na ang pagmamahal pala namin sa isa't isa ay love for a cousin lang. I didn't know that I'm kissing, hugging and loving my own cousin. I'm devastated that time. I lost them both" Matagal kong nahanap ang mga salitang gusto kong sabihin. Nashock ako sa kwento nya, para kasing sa mga teleserye lang.

"Cassandra went to U.S with someone who loves her so much. I know I can't reach her anymore. She's happy without me" dugtong nya pa.

"Someone told me that I am resemblance of Cassandra kaya ka komportable sakin" litanya ko. Its just a statement but he gave me an answer.

"Both of you are the same. Hiding what you really feels." Napataas ang kilay ko sa sinabi nya. Pumasok sa isip ko si James

"Wag mong sabihing Psychologist ka din?" Gulat na tanong ko.

"ahahaah! Hindi no! Naging expert lang siguro ko magbasa ng emosyon dahil kay Cassandra" Sa tuwing babanggitin nya ang salitang Cassandra ay nagniningning ang mata nya. So he's still not get over with Cassandra.

"Dash, Just don't fall inlove with me kahit naaalala mo sakin yung babaeng mahal mo coz I won't catch you!" Natawa naman sya sa sinabi ko. Aba! Naninigurado lang.

"Don't worry! I won't. Tara punta na tayo dun." Nauna syang bumaba sa pool. I secretly smiled. He have been through a tough shit that's why he became like that. Hindi nya siguro namamalayan na pareho na kami. Hiding what we really feel. Sumunod ako sa kanya at pumunta sa gitna.

--------

Ng tinamad na ako magbabad sa tubig ay napagpasyahan ko ng umahon. Paakyat na ako ng hagdan ng pagtingala ko ay nakita ko si Daze. Nakalahad ang kamay nya para tulungan akong umakyat pero hindi ayun ang una kong napansin kundi ang itsura nya. Bagsak at magulo ang buhok nya, wet look, kitang kita ang six pack abs at ang ngiti nya. Napalunok ako dahil sa mga iniisip ko. Wait! Hindi maaari to!!!!! Bakit gumagwapo sya sa paningin ko? Tatabigin ko sana ang kamay nya ng bigla nya akong hilahin paakyat. Napalakas ang hila nya kaya nagdikit ang katawan namin. Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko kaya agad akong lumayo.

"May cottage banda sa mansion. Punta ka doon sabi ni Mich" Sabi nya at nauna na maglakad.

Sumunod nalang ako at hindi na sumagot pa. Pagkarating ko ay nakita ko na si Maggie at mga kaibigan nya, Mich, Daryl at Jamaine. Kasunod ko ding dumating si Dash at Daze. Pabilog ang pwesto namin.

Maggie, Daze, Steff, Nica, Kurl, Vince, Rommel, Dash, Ako, Mich, Daryl, Jamaine.

Katapat ko si Daze kaya sa tuwing nagtatama ang tingin namin ay iniirapan ko sya.

GOODBOY (COMPLETED/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon