Chapter 42: The Truth

2.6K 53 4
                                    

Black's POV

"Daddy! Daddy! Asan si Mommy? I can't find her anywhere?" maktol ko kay Daddy. Kanina ko pa hinahanap si mommy pero hindi ko sya makita, ayaw naman sumagot ng mga maids kung nasaan sya.

"Umalis na sya anak!" malungkot na sabi ni Daddy, hindi ko mapigilan na hindi umiyak.

"Bakit po? Bakit di nya ako sinama? Kelan po sya babalik?"

"Violet hindi na sya babalik!" Napalakas ang iyak ko sa sinabi ni Daddy. Agad naman nya akong niyakap.

"Hindi! Sabi nya hindi nya ako iiwan! Sabi nya nandito sya pag nag debut ako! Sabi nya nandito sya pag gumraduate ako! Bakit sya umalis daddy? May bago na ba syang baby? Hindi na ba ako love ni mommy?" patuloy pa rin ako sa pag iyak.

"Don't think like that anak. Umalis sya para mabuhay ka ng masaya"

Agad akong napabangon at napahawak sa ulo ko.

"Seriously? Bakit sa lahat ng pwedeng iflashback sa isip ko e yun pa yung lumabas?" pagkausap ko sa sarili ko at ginulo ang buhok ko.

Nag-ayos ako at bumaba na sa dining area nila Mich. Saktong nandun naman sila tita at tito.

"Goodmorning po" I greeted them tsaka tumabi kay Mich.

"Anyare? Bakit parang pinagsakluban ng langit at lupa yang mukha mo Black?" Tumingin muna ako kay tita bago pansinin ang sinabi ni Mich.

"Bad memories!" maikling sagot ko at nagsimula ng kumain. "Black iha! Can we talk later?" napaangat ang tingin ko kay tita ng magsalita sya.

"Tungkol saan mom?"sabat naman ni Mich. "Michelle hindi ikaw ang kausap!" Sagot ni tito

"Sabi ko nga Dad" sagot nya at kumain na ulit. "Sure tita! Tungkol saan po ba?" tanong ko.

"Mamaya ko nalang sasabihin" Binigyan nya ako ng ngiti at hindi na muling nagsalita. Nasa studyroom na kaming dalawa ng kausapin nya muli ako.

"Don't be shocked Black, Your Mom is coming here today" Naguguluhan akong tumingin sa kanya. "Anong--? Paanong----? Bakit sya pupunta dito?"

"Sya nalang ang magpapaliwanag Black pero sana pakinggan mo sya! Kailangan mong marinig ang sasabihin nya" hinawakan nya ang kamay ko at halata sa boses nya ang pakikiusap.

"Naging mabait ang family nyo sakin tita, you treated me as one of yours pero its too much to ask!" seryosong sabi ko.

"I know I know iha! Pero ito na ang magiging sagot sa mga tanong mo. Nakwento sakin ni Mich ang tungkol sa half sister mo, Alam ng mommy mo ang sagot kaya pakinggan mo sya!" ngumiti sya sakin bago umalis. Nanatili lang akong nakatingin sa nakasaradong pintuan. Totoo ba to? Makikita ko na sya? Pero ano ba dapat ang maramdaman ko? Maya-maya lang ay may nagbukas ng pintuan, pumasok ang isang sopistikadang babae. Nanatili akong nakatingin sa kanya habang naglalakad sya papalapit sa akin.

"V-violet Anak" Yayakap sana ito ng pigilan ko sya.

"Ano ba dapat ang maging reaksyon ko pag nakita kita? I've been waiting for this day to come para masabi ko sayo kung gaano........ Ka kawalang kwentang ina!" sinabi ko yan habang nakatingin sa mga mata nya. Nakita ko ang pangingilid ng luha nya kaya napaiwas ako ng tingin.

"Violet, I'm sorry kung iniisip mo iniwan kita pero maniwala ka, hindi ko ginusto yun---" sabi nya na ngayo'y nakaupo na sa tabi ko at hawak ang kamay ko.

"Madami akong gustong itanong sayo kaso wala na rin palang kwenta kahit malaman ko ang sagot kaya Bibigyan kita ng oras para sabihin ang gusto mong sabihin." I badly want to hug her. Namiss ko ang mommy ko pero yung sakit na dinulot nya sa akin ang pumipigil para maging matigas ang puso ko para sa kanya. Gustong gusto kong punasan ang mga luhang pumapatak sa mata nya pero naiisip ko ang mga luha kong pumatak ng dahil sa kanya.

"Violet! Mahal na mahal kita an---"

"The clock is ticking!" Maikling sabi ko at pumikit. Narinig ko ang pagbuntong hininga nya.

"7 years ago, I'm so hurt that time. Natuklasan ko na may anak sa iba ang daddy mo, Hinarap ako ng babae nya at ipinakilala sakin ang anak nila. She's also 14 years old that time. Pinakiusapan nya akong iwan ko ang daddy mo dahil sya naman talaga ang unang nabuntisan, sya dapat ang pinakasalan. I confronted your dad about it. Akala ko hindi nya alam na may anak sya, yun pala ay 14 years nya ng itinatago sakin yun. Para akong pinatay sa sinabi ng daddy mo lalo na nung makiusap sya sakin na tanggapin ko ang anak nya sa labas.
Kaya nagsabi akong makikipaghiwalay ako sa kanya at isasama kita pero he threathened me, sinabi nya na itatakwil ka nya bilang anak at sisiguraduhin nya na maghihirap tayong dalawa sa oras na kunin kita!" Napakagat ako sa labi ko dahil sa mga narinig ko.

"Hindi ko alam kung anong gagawin ko ng mga panahong yun, wala akong matakbuhan dahil wala naman akong kilalang kamag-anak kaya natakot akong dalhin ka. Ayokong maranasan mo ang hirap na naranasan ko. Pero hindi ako pinabayaan ng mga Santos, lalo na ang tita Michaella mo. Pinahiram nya ako ng pera para makapagsimula ng business, lagi nya din akong inaupdate tungkol sayo. Violet maniwala ka, hindi kita kinalimutan. Sa tuwing birthday mo ay pumupunta ko kahit sa malayo lang kita mapagmasdan. Alam ko kung saang bar ka lagi pumupunta, kung saan ka na nakatira, kung sino ang mga kaibigan mo at ang lahat lahat tungkol sayo" humahagulgol na ito ng matapos syang magkwento. Tinanggal ko ang kamay nya na nakahawak sakin at tumayo.

"Hindi mo alam lahat lahat tungkol sakin dahil hindi mo naman kung ano yung nararamdaman ko!" masama akong tumingin sa kanya bago maglakad palayo.

"P-please anak! Paniwalaan mo lahat ng sinabi ko!" Tumingin muli ako sa kanya pero kaiba sa kanina, may mga luha ng pumapatak sa mga mata ko.

"Hindi ko alam kung saan dapat ako maniwala kasi hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko! Ilang taon kitang inintay, ilang taon akong nabuhay ng miserable kakaisip kung bakit mo ako iniwan! Pero kahit sinabi mo na ang dahilan, hindi pa rin mawala yung sakit!
Sorry pero I don't want you in my life anymore. Masaya ko na sa pagkakataong ito, I can finally let go" Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko at lumabas na sa kwarto. Nakita ko sa sala sina Michelle pero dire diretso lang ako sa guest room nila.

"Shit! Shit! Shit!" Napaupo ko sa sahig at nagsimula nanamang umiyak. Bakit ang sakit sakit malaman yung katotohanan? Si daddy? Sabi nya para sakin kaya umalis si mommy! He's been a great Dad to me, he raised me well, he gave me everything I want pero pagkatapos kong marinig ang lahat ng yun, hindi ko maiwasan ang hindi magalit. My family is fucked up! My life is fucked up, everything is fucked up because he impregnated someone! Isa lang ang naiisip kong dahilan ng lahat ng ito. I immediately dialed her number.

(What a surprise my dear half sister) bungad sakin ni Roxanne

"Where the hell are you?" seryosong sabi ko.

(Nasa mansion NATIN. punta ka? Intayin kita ha!) halata ang pang aasar sa boses nito.

"Bitch!" Binaba ko ang phone at mabilis na nag-ayos. I need to face that bitch.

***

GOODBOY (COMPLETED/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon