7.Mr nice guy

5.6K 108 6
                                    

Black's POV

"May lakad kasi ako, eh! Pwedeng next time nalang tayo mag mall?" Sabi ko kay Mich dahil nandito sya ngayon sa condo ko at niyayaya ako magshopping.

"Ano namang lakad yan? Diba lagi naman tayong nagshoshopping sa gantong araw?"

"Sorry talaga Mich! Sama ka nalang sakin!"

"San ka nga pupunta?"

"Nagyayaya mag snack si Rox!"

"Who's Rox?"

"Nakalimutan mo na? Yung girl na tinulungan natin yesternight"

"Ganun ba! Uwi na lang ako" Tinalikuran nya na ako pagkasabi nya nun. Napakunot nalang ang noo ko sa inakto nya.

Mood swings nanaman? Tanong ko sa sarili ko. I texted Rox that I'm on my way. Nakarating ako sa isang starbucks. I saw her texting while smiling. I wonder kung may boyfriend ba sya.

"Hey!" bati ko. Tumingin sya sakin at ngumiti.

"There you are! Have a seat"

"Thanks!"

"Anong gusto mong order?" tanong nya agad sakin

"Capuccino Frappe at Pandan Chocolate cake" sabi ko. I feel awkward kasi hindi ko pa sya ganun kaclose.

"Wait up! Ako na ang oorder.!" agad syang umalis at lumapit sa counter matapos sabihin yun.

Pinagmasdan ko sya habang umoorder, She's simple and plain. Based on my observation, she's in the middle class. Medyo manang nga sya pumorma. She's wearing a below the knee dress and a doll shoe, She has long straight hair. Sa ayos, kilos at pananalita nya, mukha syang mabait. She's my total opposite pero hindi ko alam kung bakit ang gaan ng loob ko sa kanya. Its really unusual kasi hindi ako yung tipo ng taong madaling makipagkaibigan. Im picky, kaya nga si Mich lang ang tinuturing kong friend. But there's something in her na kinagagaan ng loob ko. I just need to know what it is. Bumalik na sya sa table namin. Agad naman syang tumingin at ngumiti sakin.

"Salamat talaga Black, pumayag ka na makipagkita sakin" Sabi nya ng nakangiti pa rin.

"wala yun, wala rin naman akong gagawin" sabi ko.

"hehe buti nalang. Anyway, Black ba talaga name mo?" curious nyang tanong

"Its my surname"

"Foreigner? Anong real name mo?"

"My dad is half american. Marie Violet is my name"

"Wow! Ang ganda naman ng name mo!" sabi nya na halata namang na amaze

"Just call me Black okay"

"Okay! Pwede ba kitang maging kaibigan?"

"S-sure" I was shocked sa sagot ko, It's the first time after many years na may nagoffer sakin ng friendship. She smiled at me. "Thanks" She uttered, I just smiled back.

Madami dami rin kaming napagkwentuhan. Ewan ko kung bakit dumaldal ako sa kanya. Its so not me. I know I'm vocal but only when I'm with Mich.

"Sya nga pala Black, Okay lang ba pumunta dito yung kababata ko? Nandyan lang kasi sya sa mall"

"Sure its fine!" In an instant, tinext nya ang kaibigan nya. Ilang sandali lang ang may lumapit saming lalaki.

"Rox" "James! Tara upo ka" Umupo naman yung James sa tabi ni Rox.

"James si Black pala, Black si James" I awkwardly shook his hand. Im not that good in this kind of thing. I hate this formality. Im not used to it. Tahimik lang yung James habang nagkekwentuhan kami ni Rox hanggang sa may tumawag kay Rox.

"What? okay pupunta agad ako" sabi nya sa kausap nya. she's in furious

"Black pasensya na, I really need to go There's an emergency. James pakihatid si Black ah!" James just nodded. The atmosphere is really awkward now.

"I think I need to go too" sabi ko na dahilan para mapatingin sakin si James.

"Okay, ihahatid na kita" sabay kaming tumayo at naglakad na palabas ng starbucks

"Huwag mo na akong ihatid ! I'm fine"

"I insist!" ayun lang ang sinabi nya at hinawakan ako sa likod. Ang dapat kong isipin ay manyak sya, but it didn't feel like that. Gentleman sya, he's guiding me through his car. Geez! I miss my car!

"Hop in! You'll safe with me. I won't harm you" He said while Opening the passenger seat. I just nodded in his statement before entering his car.

Nang makasakay na rin sya ay agad naman syang nagsalita. "I dont know where you live, ituro mo nalang sakin yung daan"

"Okay" Buong byahe ay tahimik lang kami. Nagsasalita lang kapag tatanungin nya kung san yung daan at ituturo ko naman kung saan. Nakarating kami sa condo ko..

"Thanks!" Sabi ko at bumaba sa sasakyan nya. Hindi ko napansing umaambon pala.

Napatingin ako sa sasakyan nya dahil narinig ko ang pag sara ulit ng pinto. Bumaba sya at lumapit sakin.

"Umaambon! Maglakad na tayo!" Nagulat ako sa ginawa nya. Nilagay nya ang kanang kamay nya sa balikat ko at ang kaliwang kamay nya sa ulo ko na parang pinapayungan ako. Hindi ako nagpumiglas, basta't nagpatangay nalang ako. Huminto kami ng makapasok na kami sa lobby ng condo.

"Sige! Alis na ako!" sabi nya at naglakad na paalis. Nakatitig lang ako sa likod nya habang naglalakad sya. First time kong magkaroon ng kasamang lalaki na hindi ko nakafling. First time na may lalaking sa simpleng gesture ay nadala ako. He's a mystery for me.

"Sweet!" napalingon ako sa nagsalita. Kung may itataas lang ang kilay ko, baka umabot pa ito sa langit. I know I'm exagerating but the mere fact that this asshole is beside me, My blood just boiled.

"Shut up!" I pass through him. Nakasakay na ako sa elevator ng sumakay din sya.

"My boyfriend ka na pala! Sayang naman!" Napairap lang ako sa sinabi nya. Bwisit! Bakit parang bumagal yung elevator. Pinindot ko yung 7th, Sinadya nya talagang sabayan ako sa pag pindot para magtama yung kamay namin. He hit the 10th. So this asshole is living on the 10th floor. So why the hell he's in 7th floor thay day I encountered him?

"Break up with your boyfriend, I want to play with you!" Hindi ko pinansin ang sinabi nya dahil una, wala akong boyfriend at pangalawa,wala akong paki sa sinasabi nya.

"Okay then!" I was literally taken aback when he pinned me on the wall "Lets play behind his back" he said in a husky voice. I don't fucking know what's with me kung bakit hindi ako gumagalaw. I look at him. He's slowly closing his eyes, we're only inches apart. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, Ang alam ko lang ay kinakabahan ako dahil any second ay mahahalikan nya na ko.

**Ting**

"Save by the bell" sabi nya habang nakapikit pa rin. I smell his breath and its damn good. Nabalik ako sa wisyo ko ng dumampi ang labi nya sa labi ko. Its just a half second but its really fucking disturbing. Well, in my part. Agad ko syang tinulak at sinampal. "asshole!" sabi ko sabay labas ng elevator.

"What's wrong with him?" tanong ko sa sarili ko habang nakakuyom ang mga kamay ko.

***

GOODBOY (COMPLETED/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon