Chapter 43: One hell of a Liar

2.8K 52 2
                                    

Black's POV


Dire-diretso akong pumasok sa mansion namin. Halatang ilag sakin ang mga maids pero wala akong pakielam ang importante, makaharap ko si Roxanne. The way she talks to me, mukhang nagpapanggap nga lang syang mabait noon. Wala sya sa sala kaya dumiretso ko sa guest room. Sigurado akong ayun ang binigay ni Daddy na kwarto sa kanya. Napansin kong nakabukas ang pinto. Nakita na rin ako ni Roxanne pero napahinto ako ng magsalita sya.

"James, Mahal mo ba ako?" Naguguluhan ako sa sinabi ni Roxanne. Pero hindi ko mapigilan ang pagkuyom ng kamao ko. So si James ang kaharap nya! Sinasadya nya na iparinig sakin ang usapan nila.

"Of course I do!" napapikit ako sa sagot ni James. Manloloko din pala sya.

"Iwan mo na si Black. Tapos na yung misyon mo sa kanya. Sakin ka na ulit pero dapat masasaktan sya sa pag iwan mo sa kanya!" gusto kong marinig ang sagot ni James, gusto kong ideny nya lahat ng sinasabi ni Roxanne, gusto kong paniwalain ang sarili ko na hindi totoo ang mga naririnig ko, na malinis talaga ang intensyon nya sakin, na wala syang plano na saktan ako pero sino ba ang niloko ko? Ang linaw ng naririnig ng dalawang tenga ko.

"Kailangan pa bang gawin yun ? Hindi ba't kasama ka na ng papa mo? Mabubuhay ka na ng maayos, hindi mo na kailangang saktan ang kapatid mo.!" Napaatras ako sa Sinabi ni James. So alam nya? All this time alam nya na magkapatid kami? Anong kalokohan yun? Ang tagal nila kong pinaikot! Tumalikod na ako at bumaba pero lalong nadagdagan ang inis ko ng makita si Jamaine.

"Alam mo rin pala!?" Tanong ko kahit halata na sa ekspresyon nya ang sagot. Napayuko sya.

"I-im sorry, napilitan lang naman ako Black" sabi nya. Lumapit ako sa kanya at tumingin ng masama.

"I treated you as my friend, Nagkamali ako! Dapat pala trinato kita ng basura! Payo lang, nagkamali kayo ng pinaglaruan!" pagbabanta ko sa kanya

"B-black I-im sorry" hindi ko pinakinggan ang sinabi nya at dumiretso na sa kotse ko. Pasakay na ako ng may humila sakin at sinandal ako mismo sa kotse ko.

James POV

"James, Mahal mo ba ako?" Nagulat ako sa tanong ni Roxanne. Pinapunta nya ako para itanong lang yun. Isang maling sagot lang ay maghihysterical nanaman sya kaya kahit labag sa loob ko, sumagot parin ako.

"Of course I do!" 'Tangina James, nagsinungaling ka na naman!' pagkausap ko sarili ko. Nakatalikod ako kay Roxanne pero alam ko pa ring nakangiti sya dahil ayun naman lagi ang reaksyon nya pag natutuwa sya sa mga ginagawa at sinasabi ko.

"Iwan mo na si Black. Tapos na yung misyon mo sa kanya. Sakin ka na ulit pero dapat masasaktan sya sa pag iwan mo sa kanya!" Napaharap ako ng sabihin nya yun. Alam kong nakakunot na ang noo ko ngayon. Akala ko titigilan na nya si Black once na makasama na nya ang tatay nya pero hindi pa rin pala.

"Kailangan pa bang gawin yun ? Hindi ba't kasama ka na ng papa mo? Mabubuhay ka na ng maayos, hindi mo na kailangang saktan ang kapatid mo.!" Sagot ko sa kanya. Akala ko ay magagalit sya sagot ko pero ngumiti pa ito.

"Tsk! Di bale na nga lang, tutal narinig nanaman nya kanina ang pinag usapan natin e!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

"Paaanong----" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng makita na nakabukas pala ang pinto at tumakbo na palabas,Nakasalubong ko si Jamaine na umiiyak kaya sigurado akong nandito si Black. Pagkalabas ko ng mansion ay nakita ko sya kaya agad ko syang hinila at sinandal sa kotse nya.

Nakonsensya at nalungkot ako ng magtagpo ang mata namin. Sobrang lungkot nito.

"I'm sorry!" tanging nasabi ko lang.

GOODBOY (COMPLETED/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon