Chapter 48:My everything

2.7K 60 1
                                    

Black's POV

Today is Daze Birthday, 7 am ng mag-almusal kaming apat. We ordered Marcon( Ground pork,with chorizo bilboa,eggs,quezo de bola that steamed together with a chicken), mango mystique and a cup of tea.

Hindi ko pa rin binabati si Daze, Hindi ko alam kung paano ko sya kakausapin. I'm waiting for him to talk to me pero hindi nya din ginagawa. Alam kong dahil to sa sinabi nya kagabi, hindi ko rin naman alam ang dapat sabihin ng mga panahong yun. Its really strange to me, siya lang talaga ang nakakagawang guluhin ang isipan ko. Natapos kaming magbreakfast pero si Mich and Daryl lang ang nag-uusap. I decided to part ways with them. Gagala nalang muna ako mag-isa. Agad naman silang pumayag pero si Daze ay hindi ako pinansin.

Inis na inis ako habang naglalakad, Iniintay kong habulin nya ako dahil ganun naman lagi ang ginagawa nya, ang kulitin ako pero bakit nga ba inaasahan ko syang kulitin ako? Di ba yun naman talaga ang gusto ko, ang tigilan nya ako! Pero iniisip ko pa lang na wala ng Daze na mangungulit sakin ay nalulungkot ako. Siguro dahil I feel so empty this past few days. Masasabi kong this Vacation is really helpful, nagkakaroon ng panahon na makalimutan ko yung mga inaalala ko.

Nang mapadaan ako ng souveneir shop ay pumasok ako at namili. Nang makakita ako ng flute na made of crushed shells ay agad ko itong binili. Isang tao agad ang pumasok sa isip ko ng makita ito. My mom, she used to play flute whenever I'm sad. Napaka nostalgic talaga ng mga naaalala ko. Palabas na ako ng souveneir shop ng mapansin ko ang dreamcatcher. Its not just a common dreamcatcher dahil sa gitna ay may hole na may nakasabit na napakaliit na white heart made of shell. Kumuha ako ng dalawa at bumalik sa counter.

"280 pesos po ma'am" nakangiting sabi nung cashier. Nag-abot ako ng 300. Pagbigay nya ng sukli ay nagsalita pa ito.

"Hinaharang po nito hindi lang ang masasamang panaginip kundi pati ang masasamang pangyayari. Pag suot nyo po yan, sasaya na po kayo" nakangiting sabi nito. Pinasadahan ko lang sya ng tingin. Paano nya nasasabi yun kung hindi pa naman nya nararanasan? Napatitig ako sa dream catcher. Bakit nga ba dalawa ang binili ko?

Pagbalik ko sa hotel ay wala pa si Mich, mukhang nag-ikot ikot pa silang tatlo. Napagpasyahan kong manood nalang ng tv. Habang naghahanap ako ng palabas ay nahinto ko ito sa isang news channel.

'Nagpapresscon sya?' tanong ko sa sarili ko. Naningkit ang mata ko ng makita kung sino ang katabi nya at kung ano ang itinatanong sa kanya ng reporter.

"Reporter: That's really brave of you Mr. Black. Anyway, what's the Initial reaction of your daughter Marie Violet?"

"Of course she's mad at first but eventually, she accepted it. In fact, Roxanne says that she and Violet is good friends before Violet found out that she's her half sister" nakuyom ko ang kamao ko sa sinabi ni Dad. How dare him! Is he really shameless?

"How about your company sir? We have a hint that you will pass your position to your daughter! Is it Violet?" tanong nanaman ng reporter.

"I'm still deciding about it! That's all" tumayo na si Daddy kasabay si Roxanne. I really want to ripped her face off to remove that smile. Napagpasyahan kong patayin nalang ang tv at pagdiskitahan ang phone ko. Halos mapatay ko na ang alaga kong si Angela kakahampas. Asar na asar ako kay Daddy. I really hate him!

Hapon na ng mapagpasyahan kong lumabas. Nagtext sakin si Mich na nasa Pirate's Bar daw sila kaya dumiretso ako dun pagkatapos kong kumain.

Nasa isang round table sila kasama si Dash at mga katrabaho nya. Madami ng walang laman na bote ng El Hombre Tequilla at Margarita mix sa mesa. Lasing na din yung iba at mukhang maging si Dash ay lasing na.

GOODBOY (COMPLETED/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon