Chapter 55:She's here

2.4K 42 0
                                    

Michelle's POV

           

"Daryl I miss you !" Agad na bumeso ang mommy ni Daryl sa kanya samantalang ang papa nya ay pinasadahan lang sya ng tingin. Lalo tuloy akong kinabahan lalo na nung ibaling nya sakin ang paningin.

"Excuse me Lady, Who are you?" seryosong tanong nung papa nya.

"Kaibigan ka ba ni Daryl?" nakangiting tanong naman ng mama nya. Alangan naman akong ngumiti bago sumagot.

"I'm Michelle Santos---" Huminga muna ako ng malalim bago dugtungan ang sasabihin ko.

"Daryl's Girlfriend" napasinghap sila sa sinabi ko samantalang si Daryl ay hinawakan ang kamay ko at binigyan ako ng encouraging smile.

"Daryl!" sabay-sabay kaming napalingon sa nagsalita. Isang magandang babae ang naglalakad palapit samin. Mukhang kasing edad ko lang sya, maputi, maganda at mas matangkad sakin. Nakalugay ang straight na straight nitong blonde na buhok. Halatang gulat na gulat si Daryl pero mas gulat ako ng halikan nya si Daryl sa labi. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko lalo na nung magsalita sya.

"Don't you miss your fiance?" biglang nanikip ang dibdib ko sa narinig ko lalo na nung hindi man lang tumanggi si Daryl.

"A-angel?"

"The one and only!" ngumiti pa sya ng pagkatamis tamis at nilipat ang tingin sakin.

"You must be his fling while I'm away! Thanks for entertaining him! I'm Angel Fontanilla, his fiance!" napalunok ako sa narinig ko. Gulong-gulo na ako pero si Daryl ay parang wala sa sarili at nakatulala lang.

"Da-ryl" pilit kong niyuyugyog ang kamay nyang nakahawak sakin pero hindi nya ako pinapansin. Gusto kong ideny nya ang mga sinasabi nung babae pero kitang kita ko na sa ekspresyon nya ang kasagutan. Lahat ng ebidensya ay pinapakita na sa isip ko pero ayaw tanggapin ng puso ko. Hindi ko kaya! Sa pangatlong pagkakataon naloko na naman ako!

"Daryl, I think the lady should go now!" maawtoridad na sabi ng Daddy nya. Gusto ko ng umiyak sa nangyayari.

"S-sige po! Aalis na po ako!" nakayukong sabi ko pero hinigpitan ni Daryl ang kapit sa kamay ko.

"She's not going anywhere! She needs to know Dad!" lalo akong yumuko ng magtaas din ang boses nya.

"You must been mistaken Daryl! I'm not asking for a favor, I'm commanding you to get her out of here!" halata na ang galit na tono ng papa nya kaya pinilit kong kalasin ang pagkakahawak nya sakin at tumakbo palabas. Wala pa akong dalang kotse kaya naglakad ako palabas ng compound nila. Malapit na ako sa main gate pero hindi man lang nya ako sinundan, lumong lumo ako habang naglalakad. Hindi ko na alam ang gagawin ko, Parang gusto ko ng sumuko. Mas grabe pa to kesa sa mga nauna kong heartbreak. Pinigilan ko naman yung sarili kong mahalin sya pero bakit kahit alam nyang ikakasal na sya, pumayag syang maging distraction ko, nagpanggap syang sasaluhin ako. Nakakatang-ina lang dahil tinulungan nya akong makamove-on sa sakit na dinulot ni Xander pero pinalitan nya ito ng mas mas masakit!

"B-black?" nauutal kong sabi.  Si Black lang ang alam kong malalapitan ko ngayon kaya agad ko syang tinawagan.

(Mich? May problema ba? Bakit ganyan ang boses mo?)

"B-black! Suko na talaga ko! A-yoko ng magmahal!" marahas kong pinunasan ang luha sa pisngi ko pero parang balewala lang ito dahil patuloy parin ang pag-agos ng luha ko.

(Nasan ka ba? Pupuntahan kita!) nag-aalalang sabi nito.

"Gusto kong pumunta sa Overlooking! Wag muna akong alalahanin" Pinilit kong ngumiti kahit alam kong hindi naman nya makikita ang pekeng ngiting yun. Binaba ko na ang tawag bago pa sya makasagot at pumara ng taxi. Lumingon ako saglit sa compound nila Daryl, nagbabakasakaling nandun sya at pipigilan ako pero lalo ko lang sinaktan ang sarili ko sa katotohanang wala sya dun, hindi nya ako pinigilan, hindi nya pupunasan ang mga luha sa mata ko, hindi nya ako hihilahin at yayakapin. Baka fling nga lang ako...

Black's POV

"I just want to remind you that I didn't used protection!" Ramdam kong namula ang mga pasngi ko kaya agad kong hinampas si Daze sa dibdib.

"Leche ka! Tigilan mo ko sa kakaasar Tejada!" hapon na pero magkatabi pa rin kami sa kama at nananatiling nakabalot ng kumot.

"Ahaha! Don't worry, pag nabuntis ka papanagutan naman kita!" hirit na naman nya. Napailing nalang ako at sumandal sa dibdib nya.

"Well, ayoko pang mabuntis at lalong ayoko pang makasal! Hindi ko pa gaanong naeenjoy ang buhay ko no!"

"Hindi pa nga ko nagpopropose pero parang tinatanggihan mo na ako!" umakto pa itong kunwari ay nasaktan.

"Sira! Madami pa kasi akong plano, gusto ko pang ikutin ang mundo! Y'know! Girl's dream!"

"Pwede naman kitang samaha---- wait sagutin ko lang yung tumatawag" otomatikong napasimangot ako ng umupo sya, napilitan tuloy akong umupo din.

"ANO? SHIT SANDALI LANG!!" Dali dali syang tumayo at nagbihis kaya napakunot ang noo ko.

"Si Sheriz inaatake na naman ng Ulcer nya, Kailangan ko syang dalhin sa ospital!" pagkasabi nya nun ay mabilis syang lumabas. I was left speechless. Si Sheriz pa rin? Lagi nalang syang umaalis ng dahil kay Sheriz!

"UGGGGGH!" I throw my lamp shade out of frustration! Naligo ako para mawala ang badtrip ko pero ganun pa rin. I feel like I'm going to explode! Selfish na kung selfish pero ayoko talaga na may kahati ako sa oras ni Daze lalo na kung si Sheriz!

Paglabas ko ng walk-in closet ay nagring naman ang phone ko. Napaismid ako ng makita kung sino ang tumatawag, paniguradong mang-iinis lang tong si Michelle. Sinagot ko ang tawag at nag-antay sa sasabihin nya pero bigla akong kinabahan ng marinig ang boses nya.

(B-black?) napakunot na ang noo ko sa tono pa lang ng boses nya. Halatang umiiyak sya.

"Mich? May problema ba? Bakit ganyan ang boses mo?" Nag-aalala ko sa kanya. Obvious na may nangyari at sa pagkakakilala ko sa kanya, paniguradong tungkol sa pag-ibig ang problema nya.

(B-black! Suko na talaga ko! A-yoko ng magmahal!) Sabi na nga ba e! Pero napaka unussual na magkaproblema sya kay Daryl dahil halata namang mahal sya nito.

"Nasan ka ba? Pupuntahan kita!" nagsimula na akong kabahan. Baka kung anong kagagahan ang pumasok sa isip nya. Ayoko ng maulit ang nangyari nung nagbreak sila ni Xander.

"Gusto kong pumunta sa Overlooking! Wag muna akong alalahanin" Agad akong kumuha ng jacket nung binaba nya ang tawag. Overlooking? Yun yung favorite spot nila ni Xander. Wag mong sabihing tungkol nga ito kay Xander!

Pagkarating ko dun ay nakita ko sya na nakaupo sa malaking bato pero hindi sya nag-iisa dahil andun si James. Agad akong bumalik sa kotse para umalis, hindi ko napapansin na ang higpit na pala ng hawak ko sa manibela. Of all people? Si James pa talaga! Nainis ako sa nakita ko! Hindi dahil may past kami ni James kundi dahil mas pinagkatiwalaan nya si James na damayan sya kaysa sa akin na bestfriend nya!

        ***

GOODBOY (COMPLETED/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon