Chapter 33:Pleased

2.6K 55 2
                                    

Michelle's POV

Nandito ako ngayon sa office at nakapangalumbaba. Wala talaga ko sa mood pumasok pero si Black ay pinilit ako. Kulang nalang kaladkarin nya ako kanina!

"Ms. Michelle, Si Team Leader Mendez po gusto kayo makausap" Napafacepalm nalang ako sa sinabi ng secretary ko, Isa pang dahilan kung bakit ayoko pumasok. Alam kong kukulitin ako ni Jamaine. Hindi naman sa hindi ko naappreciate ang pakikipagbreak nya kay Ken dahil sakin pero sa ngayon, Ayoko munang problemahin ang problema na sya mismo ang gumawa. Hindi ko naman sya inutusan makipagbreak!

"Tell her I'm busy! Comeback next time!"

"Okay Ms.Michelle" Maya maya ay may pumasok nanaman sya.

"Ms. Michelle, Our writer wants to dis-----"

"Dalhin mo sya kay Black!" Mabilis na sabi ko at tumungo ulit. Aish! I should file a sick leave. Mag-aalas sais na nung lumabas ako ng office pero si Black ay nowhere to be found na. Palabas na ako ng office ng may umangkla sakin.

"Jamaine?"

"Mich! Galit ka ba sakin?"

"Why would I?"

"Dahil sa nangyari sa inyo ni Xander" Nalungkot nanaman ako ng marinig ko ang pangalan nya.

"It's nothing to do with you or with Ken so please! Don't throw your relationship!" I plainly said. Papunta na ako ng carpark ng may nagtext sakin.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
From: The Great Black 6:02pm

Forget to tell you, I borrowed your car.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Ughhh! Talaga naman! That Brat!Aish!!!"

"Mich!" Napapitlag ako ng may tumawag sakin.

"Aish! Jamaine! Nakakagulat ka!"

"Sorry, Pero pwede mo ba akong samahan?"

"Saan?"

"Kay Ken" "Seriously Jamaine?"

"Please! Hindi ko kasi kayang harapin sya ng ako lang mag-isa"

"Uggh! Pasalamat ka kaibigan kita!" Sumakay na kami ng taxi papunta sa bahay nila Ken. Pero pag dating namin dun ay nandun ang mga barkada nya. Mukhang gulat silang makita ako, Maski naman ako na makita sila. Medyo halata parin yung mga pasa sa mukha nila..

"Ken" Pagkasabi pa lang nun ni Jam ay niyakap na sya ni Ken. Napailing nalang ako at lumabas na sa gate nila. Hindi na ako nagpaalam na aalis. Sa tingin ko ay wala rin naman silang pakielam. Pero ng makalabas ako ng gate ay nakita ko si Xander na may kasamang babae. Napigil ko nalang ang hininga ko ng magtagpo ang mata namin.

"Bhie! Mauna ka na sa loob! Susunod ako!" Akala ko ako ang tinawag nya, yun pala yung babaeng hawak ngayon ang kamay nya. Hindi ko maiwasang ang maluha kaya kinagat ko ang labi ko para pigilan ito. Nilagpasan ako ng babae, ngayon ay kaming dalawa nalang ni Xander ang nasa labas.

"Maganda sya!" Pahayag ko "Nagdudugo ang labi mo!" Sabi nya na diretsong nakatingin sa mata ko.

"Mukha syang mabait at inosente. Kailan pa naging kayo?" "Nagdudugo yung labi mo" ulit nya ulit. Hindi ko na mapigilang mapahagulgol

"Wala pa yung pagdudugong to sa nararamdaman ko ngayon! Walang wala yung dugo sa labi ko sa sugat na ginawa mo dito!" Pahina na pahina na sabi ko habang tumuturo sa puso ko. Nanginginig ako sa sobrang iyak. "Umuwi ka na!" Mapait na sabi nya habang nakatingin pa rin sa mata ko. Pinilit kong pigilan ang mga luha ko pero ayaw nitong magpapigil.

"Sino sya? Gusto kong malaman kung sino ang pinalit mo sakin? Ano bang meron sya na wala ako? Binigay ko na nga lahat ng kaya kong ibigay pero bakit nagawa mo pa rin akong iwan? Talaga bang wala lang ako sayo? Bakit ba kai----"

"Sya si Micha. Kababata ko sya, Matagal ko na syang nililigawan at kahapon nya lang ako sinagot. Tama ka, Mabait sya. Gusto mo bang malaman kung ano ang meron sya na wala ka? Respeto ng mga kalalakihan. Hindi sya yung tipo ng mga babaeng nakikipaghalika---"

*****SLAAAAAAP*****

"Paano mong nasasabi sakin to kung ikaw yung kumuha ng pinaka iingatan ko!" Malungkot na sabi ko habang patuloy ang pag-agos ng luha mula sa mata ko. Nahihirapan na din akong makita sya.

"Bakit mo ko ginago? Bakit Xander?? Mahal na mahal kita at kahit na sinasaktan mo ko ikaw pa rin ang mahal ko! Please naman! Bumalik kana sakin! Ayokong mawala ka! Magbabago ko kung gusto mo bumalik ka lang!" Pag mamakaawa ko sa kanya. Wala akong pakielam kung mukha na akong desperada. I just want him back. Napapikit ako ng hilahin nya ako at pasakayin sa motor nya. Napakabilis ng pagpapatakbo nya pero wala akong pakielam dahil nagkaroon lang ako ng tyansa na higpitan pa ang yakap sa kanya habang patuloy pa rin ang pag iyak.
Hinila nya ako pababa ng motor nya ng makarating kami sa tapat ng bar na lagi naming pinupuntahan.

"Hindi kita maihahatid sa inyo dahil wala akong lakas ng loob humarap sa mga magulang mo. Ito na yung closure natin kaya sana lang wag mo na akong kukulitin pa. Gaya ng sinabi ko, You are everything I hate so stop thinking if I Even care about you coz I don't! Isipin mo nalang na hindi mo ko kilala, Na walang nangyari satin kagaya ng gagawin ko!" And with that, He left me in misery.

Patuloy lang ako sa paglalakad. Wala na nga ata ko sa sarili dahil hindi ko alam kung saan talaga ako pupunta. Kung may direksyon ba talaga akong pupuntahan.I just found myself beside the crossroad. Everything was full of lights, Vehicles are moving fast. I wonder what does it feel to be car. When stop signal begins, I wait for the countdown.

"5" "4" "3" "2" "1" When go signal started. I closed my eyes and crossed the crossroad but a loud sound made me open my eyes. It was a truck heading on my way. Its headlight seems a spotlight to me. I smile and close my eyes again.

"After this, No more pain" I murmured. Palakas ng palakas ang tunog na naririnig ko, alam kong malapit na ito sakin pero hindi ako natinag sa kinatatayuan ko. I just smile gladly pero biglang may humila sakin at kinulong ako sa mga braso nya.

I just wish it was him pero bakit pa ako aasa? Pagtingin ko sa lalaki, I can't notice him. Everything is blur but before I lost my consciousness, I heard what he says

"Thanks GOD! She's safe"

***

GOODBOY (COMPLETED/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon