Chapter 68: Accepting the truth

3.1K 52 3
                                    

Two weeks later...

Michelle's POV

Papunta ko sa coffee shop kung saan kami magkikita ni Daze. Gusto ko sana syang makausap about kay Black kaso pagkarating ko sa coffee shop ay nakita ko si Sheriz pero may kasama siyang ibang lalaki. Nakahawak sa kamay nya yung lalaki habang magkatitigan silang dalawa. Naglakad ako papalapit sa kanila pero napahinto ako ng magsalita yung lalaki.

"I will be a good father to our child!" Sobrang nainis ako sa narinig ko. Does it mean na hindi si Daze yung ama? How could she ruined other lovestory while creating her own! This bitch! Agad akong tumalikod at sinubukan kong kontakin si Black para maikwento ang nalaman ko pero hindi nya sinasagot yung tawag kaya lumabas nalang ako ng coffee shop at inintay si Daze. Kailangan nyang malaman yung narinig ko! Ilang minuto lang ay dumating na sya, hindi pa sya nakakababa ng kotse ay sumakay na ako sa passenger seat.

"I'm sorry I was late! Kakarating ko lang galing Airport!" Sabi nya sabay turo sa mga bagahe nya na nasa likod. Napatango nalang ako dahil alam ko naman kung saan sya galing. Medyo nakonsensya nga ako dahil pumunta talaga sya sa NY para hanapin yung mom ni Black. Baka dun daw kasi nagstay si Black kahit ang totoo ay nasa Caloocan lang sya.

"Ano nahanap mo ba?" Seryosong tanong ko para hindi halata na alam ko.

"Nope. But I found someone else! Anyway, bakit mo ba ko gustong makausap ng personal?" Imbis sasabihin ko kung nasaan si Black, hindi ko na natuloy dahil yung mga narinig ko na usapan ni Sheriz at nung lalaki ang pumasok agad sa isip ko.

"He says 'I will be a good father of our child!' I heard it loud and clear baka gusto lang ipaako nung babae sayo yung anak nya!" Litanya ko.

"Sakin talaga yun Mich!" Kumunot ang noo ko.

"Why are you so sure that its yours?" Tanong ko.

"Coz I knew everything about her!" Napairap ako sa sagot nya.

"Talaga? Eh, bakit hindi mo alam na mahal ka nya?" Halatang nagulat sya sa sinabi ko. Well, nagulat din naman ako. Nakwento lang din ni Daryl sakin yun. Nalaman nya kasi na kaya nagbreak si Sheriz at boyfriend nya dahil mahal nya si Daze.

"Lalaki ako Mich. I can tell kung may gusto sakin ang babae kaya maniwala ka man o hindi, aware ako dun pero hindi lahat ng bagay dapat pag tuunan ng pansin lalo na kung alam mong ayun yung makabubuti sa inyo."

"Pero bakit ka nakipagsex sa kanya?" I know I'm being straightforward. Masyado na din akong nanghihimasok. Gusto ko lang makatulong sa kanilang dalawa. Bago pa magkaroon ng kakaiba kay Black at sa lalaking kasama nya ngayon na tiyak kong ikagagalit ni Daze.

"Kagaya ng sinabi ko, lalaki ako! Madali akong maseduce but that doesn't mean na hindi ko mahal si Black! Sa totoo lang Mich, kilala nyo kong gago pero pinipilit kong magbago, kahit paunti unti."

"Ikaw!! Magpaka Good boy ka na pwede ba! Please lang, naiistress na ako sa inyo ni Black! Kung ayaw mong maagaw sya ng iba! Magpakatino ka!"

"I don't want to be a Good boy! I want to be a Good man for her. Sino nga pa lang aagaw sa kanya? Si James?" Napansin ko ang pagseseryoso nya. Bigla tuloy akong kinabahan.

"Hehehe! Malay mo sa U.S may kanong maakit sa alindog ni Black! Ang dami pa namang pogi dun! Walang wala ka! Anyway, hindi pa rin talaga malinaw sakin e! So bakit sinabi nung lalaki na magiging mabuting ama sya ng anak nila?"

"He's Sheriz Ex. Kaibigan ko sya! Kung nakita mo lang yung black eye na pinabaon nya sakin! Malalaman mo na mahal na mahal nya si Sheriz. Sinabi na nya na sya nalang ang tatayong tatay nung dinadala ni Sheriz. Kahit ayokong pangalan nya ang ilagay sa birth certificate ng bata, wala kong magagawa dahil kailangan kong pakasalan si Sheriz kung gusto kong maging legal na tatay ng anak namin. " Bahagya akong natuwa sa sinabi nya. Alam kong ang sama pakinggan pero ganun talaga dahil sa side ako ni Black, yung sakit na dinaranas nya yung nakikita ko..

"Its for greater good! Be happy na lang na makikita mo ang magiging anak mo. Ang gawin mo na lang, hanapin si Black. Kung kailangang halughugin ang mundo, gawin mo! Tutal mayaman ka naman, mura lang sayo ang pagtatravel." Pagbibiro ko. Natawa naman sya ng bahagya sa sinabi ko. Pero lumungkot din ang mukha nya pagkatapos.

"I want to give her time, Gusto kong mag-isip muna sya, kung kaya nya pa kong mapatawad, kung sa tingin nya sasaya pa sya sakin kahit puro perwisyo ang binigay ko sa kanya. Gusto ko sigurado pa sya sakin. Pag bumalik sya, I will do my best to make her happy with me" Bahagya akong ngumiti

"Sana kayo talaga! Sana!" Maikling tugon ko. Matapos nun ay nagpahatid na ako sa bahay namin.

Black's POV

"Ayaw!"

"Isa lang! Makabubuti to sayo!" Inirapan ko sya tsaka tinanggap ang isang platito ng Caesar Salad.

"Happy?" Sarcastic na tanong ko. Ngumiti lang sya ng bahagya.

" Dash hanggang kelan mo ba balak tumambay dito? Wala ka bang trabaho ?" Tanong ko sa kanya na ngayon ay nakaharap sa laptop nya.

"Kaya may empleyado sa kumpanya namin ay para magtrabaho para samin" napaismid ako sa sagot nya. Paano ba naman kasi limang araw na sya dito. Hindi ko alam kung nananadya si Mich o coincidence lang to. Paano ba naman kasi, Magkatabi lang yung townhouse nila sa townhouse ni Dash.

"Hindi ko alam kung mabibwisit ako dahil kaugali mo na si Daze o matutuwa dahil parang kasama ko na rin sya pag kasama kita!" Sabi ko habang minomurder ang salad. May sinabi sya pero hindi ko naintindihan kaya tinanong ko ulit.

"Ang sabi ko, magpapakasal na si Sheriz at Jacob next week para hindi pa halata ang tiyan ni Sheriz. Pero walang makakaalam na si Daze daw ang totoong tatay!"

"Ah!" Sabi ko sabay patango- tango.

"Ano plano mo?" Seryosong tanong nya.

"Magpapalipas muna ko ng ilang buwan. " maikling sagot ko.

"Okay, hindi pa ba natin sasabihin sa kanya?" Tanong nya ulit. Maloko akong ngumiti.

"Let's keep it secret for a while! Hindi pa ako handang sabihin sa kanya." Pinatong nya ang kamay nya sa ulo ko at bahagyang ginulo ang buhok ko.

"Ahaha sige! Uwi na ko sa kabila! Bukas ulit Black!"

"Ge!" Naiwan akong magisa sa sofa kaya humiga ako at tumingin sa kisame. Please give me a sign na tama ang desisyon ko! Pagdarasal ko.

***

GOODBOY (COMPLETED/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon