Chapter 60: I Love you

2.5K 51 0
                                    

Black's POV

           

Nakaupo ako habang nakaharap sa salamin at nag-iisip kung dapat bang ako ang unang kumausap kay Daze o aantayin ko nalang syang kausapin ako. Limang araw na ang nakalipas pero wala pa rin akong balita sa kanya, Ni hindi nya nga ako tinetext. Sa tingin ko sinukuan nya na talaga ko.

'Ano weak ka na ngayon Black? Wipe your tears and don't give a fuck like the usual!' pangungumbinsi ko sa sarili ko.

Does love makes me weak? Malaking tanong ko sa sarili ko kahit alam ko naman ang sagot. Noon palang, nung araw na pinapasok ko sya sa buhay ko, alam ko na ang sagot dyan pero hindi ko akalain na ganto pala ang magiging epekto nya. Napayuko nalang ako and shouted out of frustration. Mariin akong napapikit ng maramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko. I lazily took it and answer the call without looking at the screen.

"Your timing is not really on time!" I sounded tired coz I am literally tired, physically and mentally.

(I always does!) para akong naestatwa ng marinig ang boses sa kabilang linya. It was him..

"D-daze" sabi ko na hindi napigilan ang pagkabigla. Napakuyom ako ng kamao not because I'm pissed but because I'm trying to stop myself to get excited. He should not notice!

(I missed you! I missed you a lot. Sorry, for being pain in the ass Violet, Sorry if you are having a hard time because of me! I'm such a dick hurting an amazing woman like you!) ramdam sa boses nya ang sincerity. I was about to talk when he interrupted me.

(Sa tingin ko you will be better without my whole existence----) pagpapatuloy nya. I know what does it mean. Hindi ako tanga para hindi malaman ang gusto nyang ipahiwatig pero ayaw rumehistro sa isip ko kung ano man yun.

"Are you? Are you breaking up with me? Ito ba yung solusyon na naisip mo pagkatapos mo akong hindi kausapin ng limang araw? For fuck's sake Daze!" I shouted. Hindi ko napansin na nakatayo na pala ako at umiiyak habang nakahawak sa noo ko. I didn't hear anything from the other line. I bit my lips real hard to cease myself from crying but it just wouldn't stop.

"Daze! Do you really want to give up now? Just tell me so I will ready myself from any circumstances!" I almost whisper but still , there's no response. I hopelessly sit at the floor while hoping that he would answer back. I heard the sound of the opening and the closing of the door from the other line but still he's not talking.

"Daze" I almost pleaded. Napapikit ako ng marinig syang bumuntong hininga and on cue, my door opens.

"Hindi pa kasi ako tapos magsalita, I was about to say na you will be better without my whole existence so I was planning to be a GOOD BOYfriend to you para naman hindi lang better ang feeling mo kundi the best! Ano ba yang naiiisip mo? Pagkatapos ng lahat ng pinagdaanan ko maging akin ka lang, susuko agad ako? Mahal kaya kita My color, halika nga dito!" Umupo sya sa tapat ko at agad akong niyakap, naramdaman ko rin ang paghalik nya sa ulo ko pero para akong naestatwa. Feeling ko sobrang tagal ko syang hindi nakita. Nang makarecover na ako sa yakap nya ay bahagya ko syang tinulak at pinaghahampas sa dibdib.

"Bwisit ka! Bwisit ka! Bwisit ka! Bwisit ka!" Paulit ulit na sabi ko habang patuloy ang paghampas sa kanya. Yung mga luhang pinipigilan ko ay patuloy pa rin sa pagpatak. Pinigilan nya ang paghampas ko sa kanya sa pamamagitan ng pag intertwine ng kamay namin. Tumingin sya sa mata ko, sinubukan kong yumuko pero tinaas nya ang baba ko gamit ang isang kamay nya. Matiim syang nakatingin sakin na parang sinusubukang basahin ang reaksyon ko. Sinamaan ko sya ng tingin kahit patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Nagulat ako ng ngitian nya ako. Yung ngiting sobrang ganda, ngiting ayaw mong makita ng iba dahil paniguradong maiinlove sila. Yung pamatay na ngiti ni Daze Tejada, A kind of smile that are genuine, sincere and full of love, The smile I always wanted to see.

"I Love you Marie Violet Black. Kahit napaka babaero ko noon, dahil sayo natuto kong magseryoso. Kahit napaka manyak ko noon, dahil sayo natuto kong maging maginoo. Kahit ang gago gago ko, dahil sayo natuto kong magpakatao. Patawarin mo ko sa mga pagkakamali ko, Lalaki lang ako, pero kahit ilang beses pa akong matukso, hindi magbabago na ikaw lang ang mahal ko at wala ng iba!" Napalunok ako dahil nakatitig sya sa mga mata ko habang sinasabi nya ang mga katagang yun. I'm speechless right now.  Nanlaki ang mata ko ng mabilis nyang tanggalin ang espasyo sa pagitan namin at binigyan ako ng isang halik. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko, parang first time lang ako mahalikan. Nakita ko ang marahan na pagsara ng mata nya, napangiti ako sa isip isip ko na ayos na kami. Ang alam ko lang ngayon, kahit matukso man sya sa iba, kuntento na ako na malaman at marinig mula sa kanya na ako lang ang mahal nya. Ganun nga siguro pag nagmahal, kahit akala mo pusong bato ka, lalambot ka pa rin pag mahal mo na ang kaharap mo.

"I love you" he whisper between our kisses so I deepen the kiss as my reply.

        ***

GOODBOY (COMPLETED/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon