Chapter 46: Advice

2.5K 49 0
                                    

Michelle's POV

Naglalakad kami ni Daryl ng magkahawak pa rin ang kamay. "Michelle, Naalala mo ba yung una nating pagkikita?" biglang tanong nya, napaisip naman ako.

"Ah! Oo, yung pagpunta nyo ni Daze sa office ko!" sagot ko.

"Hindi yun! Sa bar tayo nagkita. Isa ako sa mga nasampal mo na!" Nagulat ako sa sinabi nya. Does it mean na-----". "I tried flirting with you ahaha!" sabi pa nya kaya hinampas ko sya ng kanang kamay ko.

"Wag mo sabihing plano mo ding gumanti sakin?" pagbibiro ko.

"Of course not! Hindi ko nga akalain na mapapalapit ako sa inyo ni Black. I always stopped Daze from chasing Black pero hindi sya mapigilan e. But I'm thankful dahil naging malapit tayo sa isa-t isa." mahabang sabi nya, hindi ko napigilan ang pag-ngiti.

"Waaa! So masaya ka na mapalapit sakin? Ikaw ah! Baka ikaw ang mahulog nyan at hindi ako!" pagbibiro ko pero ngumiti lang ito at naunang maglakad sakin. Napangiti ako lalo, May gusto ba sya sakin? Tanong ko sa sarili ko. Hapon na ng makabalik kami sa Hotel. Napagpasyahan muna naming magmeryenda. Sa La Bamboo Cafe Restaurant kami kumain.

" Cafe mocha and choco chip cookies sakin" nakangiting sabi ko kay Daze.

"Creamy dark chocolate at Ensaymada lang sakin pre" sabi naman ni Daryl.

"Wintermelon and sinful caramel cake sakin Tejada!" mapang-asar na sabi ni Black. Hindi ko talaga maiwasan na matuwa sa kanilang dalawa. Pinamalita agad ni Daze na nililigawan na nya si Black pero si Black ay poker face lang. Kaibahan lang ay hindi na nya gaanong sinusungitan si Daze.

"Taro at Choco banana pound muffin sakin" sabay sabay kaming napalingon sa nagsalita.

"Hindi ka kasali Dash!" sabi ni Daze na nalukot nanaman ang mukha. Agad kong hinila ang upuan sa pagitan namin ni Black.

"Dash upo ka" paanyaya ko. Ngumiti sya sakin bago umupo.

"Sige na Daze, ilibre mo na si Dash" napahalukipkip ako ng sumunod si Daze ng walang reklamo. Nakabalik sya ng nakasimangot.

Nagkatinginan nalang kami ni Daryl. Halata kasing nagseselos sya. Paano ba naman kanina pa nakikipag-usap si Black kay Dash

"Guys punta tayong Lab Kamayan" suggestion ko pagkatapos kumain.

"Saan yun?" kunot noong tanong ni Black.

" Basta maganda dun!" sabi ni Daryl at umunang maglakad.

"Tama! So tara na?" segunda ko.

"Nakapunta na ba kayong dalawa dun Michelle?" tanong ni Black sakin. Ngumiti lang ako bilang tugon at hinabol si Daryl.

Daze's POV

Tahimik kaming naglalakad papuntang Lab Kamayan. Nasa unahan namin nakapwesto si Mich at Daryl. Napapagitnaan naman namin ni Dash si Black. Putragis talaga itong pinsan ko! Lagi nalang panira ng trip. Imbis masosolo ko na ang color ko.

"My color pwede ba tayong gumala bukas ng walang ISTORBO!" sabi ko na diniinan pa ang pagkakabigkas sa huling salita para maramdaman naman ni Dash na sya ang tinutukoy ko.

Natuwa ako ng ngumiti si Black bago sumagot "HIN...DI" agad akong napasimangot sa sagot nya lalo na nung kausapin nanaman nya si Dash. Hindi ko alam kung sinasadya ba ito ni Dash pero kailangan mailayo ko sya kay Black. Habang nasa kamayan ay panay ang tawanan nilang dalawa habang tumitingin sa mga water species. Ang sarap ngang tadyakan ni Dash para mahulog sya sa tubig. Wala pa namang harang ang tulay. Haaay! Hindi ko alam kung bakit mas kinakausap ni Black si Dash e ako naman ang nanliligaw sa kanya. Wala rin naman akong makausap dahil si Mich at Daryl ay busying busy magpicture. Ang weirdo nilang dalawa, parang may relasyon pero wala naman at mas lalong weirdo si Black, kunwari masaya pero hindi naman. Masisiraan ako ng bait sa kanya, Ang dami kong plano para pasayahin sya pero pag si Dash na ang kausap sumasaya na. Nakapangalumbaba akong nakatingin sa kanilang apat. Ako yung magbi-birthday pero sila yung nag eenjoy.

"H-hi! Can I sit here?" napaangat ang tingin ko sa babaeng nasa harapan ko.

"Sure" mabilis na sagot ko. Itim na itim ang medyo wavy nitong buhok. Maganda rin sya at isa pa, empleyado sya ni Dash.

"Diba ikaw yung secretary ni Dash?"

"Ah. Oo! I'm Courtney" sabi nito at naglahad ng kamay. Tinanggap ko agad yun

"Daze. Anyway, Si Dash ba mismo ang naghire sayo?" curious na tanong ko.

"Yes. 2 years na akong nagtatrabaho sa kanya" nasagot ang tanong sa isip ko. Kawawang Dash.

"Kaya ka siguro nya hinire!" bulong ko.

"Bakit? Dahil kapangalan ko ang ex nya?" nagulat ako sa sinabi nya, so alam nya pala. Napatango nalang ako.

"Alam ko na ang tungkol dun. Kinwento na sakin ni Sir Dash ang past nilang dalawa" nakangiting sabi nito habang nakatingin sa kinaroroonan ni Dash. I chuckled. Mukhang inlove to kay Dash ah!

"Kung ganun! Alam mo na rin siguro na mahal nya pa yun?" nakuha kong muli ang atensyon nya. Halatang hindi nya expected ang sasabihin ko pero nacomposed nya ulit ang sarili nya.

"Hindi nya sinabing mahal nya pa" sabi nito at yumuko.

"Its obvious!" sabi ko.

"Hindi. Hindi nanaman nya binabanggit yung ex nya!" pagdedepensa nanaman nya.

"Ang ibig kong sabihin ay obvious na mahal mo sya!" paglilinaw ko. Agad naman syang tumingala na parang may gustong sabihin pero yumuko lang ulit sya.

"Alam mo Courtney, you're pretty!" sabi ko, nakita ko naman ang pagblush nya. Mga babae talaga...

"Kaya kung ako sayo, umamin ka kay Dash, wala namang mawawala pwera nalang kung bumalik yung totoong Courtney at tuluyan na syang mawala sayo ng hindi ka man lang nakakaamin" seryosong sabi ko at iniwan na sya dun na nag-iisip.

***

GOODBOY (COMPLETED/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon