Chapter 69: Color in my world

3.6K 59 0
                                    

10 months later....

Daze POV

"Hi baby Mathias!" Bungad ko at kinarga ang anak ko. 1 month old na sya ngayon. Masaya ko dahil hindi pinagbabawal ni Sheriz at Jacob na makita ko ang anak ko kahit hindi talaga ako ang nilagay na tatay sa birth certificate. Galit din sakin ang Dad ni Sheriz kaya hanggang maaari hindi kami magpang abot sa pagbisita.

"Ang aga mo ata?" Tanong sakin ni Sheriz. Nilapag ko si Mathias sa crib bago sumagot.

"Nagdala lang ako ng pasalubong kay Math. Baka kasi hindi ako makabisita ng ilang linggo, alam nyo na busy sa company"

"Sabagay! Sya nga pala, tinext ako ni Dash. Iniinvite kami sa wedding this coming. Sunday? Ikakasal na pala sya?" Napakunot ako ng noo pero di kalaunan ay natawa ko.

"Walang girlfriend yun! Paanong ikakasal?"

"Malay ko sige itatanong ko nalang sa kanya pag nagkita kami!"

"Ge! Alis na ko ah! Bye baby Math!" Kiniss ko si Math at bumeso na kay Sheriz. Dumiretso ako sa bahay nila Daryl. Matagal na kaming hindi nagkikita nun dahil nga busy ako. Si Mich ang nagbukas ng gate.

"Waaaaaa! Daze! Bakit ngayon ka lang nakakabwisit ka!" Bungad nya sakin.

"Busy ang CEO!" Pabirong sabi ko.

"Sus! Tara sa dining, kumakain kami ni Daryl." Sumunod ako sa kanya at nakita ko nga si Daryl na busy sa pagkain pero may katabi sya na stroller.

"Pre!" Bati nya sakin at tumango lang.

"Cute ng anak namin no? Ayesha ang name nya." Sabi sakin ni Mich. Napangiwi ako ng kunin nya pa ito at buhatin.
"Baby Ayesha say Hi to tito Daze" bumungisngis ito kaya lalo akong napangiwi.

"Ang weird nyo talagang mag-asawa. Bakit kailangan nyo pang mag ampon kung buntis naman si Mich?" Sarkastikong tanong ko at lumayo dun sa Ayesha.

"Wala e, ayan pinaglihian ng asawa ko."

"Langya pre! Sa dinami rami ng pwedeng paglihian unggoy pa?" Napahampas ako sa ulo ko. Kakaiba talaga tong si Mich. Sumimangot sya sakin at tumingin dun sa Ayesha sabay ngiti.

"Hayaan mo na baby Ayesha, broken hearted kasi yan kaya hindi makaappreciate ng maganda" Hindi ko alam kung nangbibwisit yung unggoy kasi feeling ko natuwa sya sa sinabi ni Mich.

(Baby Ayesha Photo)

"Tsk ewan ko sayo! Wala ka pa bang balita sa kanya?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Tsk ewan ko sayo! Wala ka pa bang balita sa kanya?"

"Hmp! Pagkatapos mong laiitin ang anak ko! Manigas ka!" Binalik nya sa stroller yung unggoy at patuloy na kumain.

"Yung totoo Mich? Sampung buwan ng nakalipas, lagi kang may dahilan sa tuwing nagtatanong ako." Seryosong sabi ko. Pang-asar tong ngumiti.

"Sino may kasalanan? Sinabihan na kita noon pero sabi mo bibigyan mo muna sya ng time mag-isip. Eh, hanggang ngayon di pa sya tapos mag-isip kaya manigas ka dyan!" Alam kong makulit at mapang-asar si Mich pero hindi ko akalain na mas lalala sya dahil sa pagbubuntis nya. 2months pregnant na sya kaya walang ginawa si Daryl kundi sundin sya. Napapafacepalm nalang ako, Natatawa naman sakin si Daryl.

"Namo pre!" Sabi ko

" Namo too pre! Move on na kasi" pang aasar na naman nito.

"Lol. Kung ganun lang sana kadali, bakit hindi?"

"Hay nako! Mabagal ka na kasi ngayon Tejada, sya nga pala? Ikakasal na ba si Dash?" Sabi ni Mich. Ayan na naman yung tanong.

"Bakit inimbitahan kayo sa kasal?" Tanong ko

"Oo, sino ba ikakasal? Sa linggo na yun, eh!" Tanong naman ni Daryl

"Malay ko pero siguradong hindi sya yun, wala naman syang girlfriend e"

"Malay mo naman meron, sikreto lang para di maagaw!" Pahayag ni Mich na ikinatawa ko.

"Imposible talaga. He's after a girl named Cassandra who hated him so much kaya imposibleng sa kasalan agad sila mauwi." Pagpapaliwanag ko.

"Okay! Ikaw pupunta ka ba? " tanong ulit ni Daryl.

"Di ako inimbitahan ng kupal. Oo nga pala, I have a meeting, mauna na ako sa inyo ha!"

"Ge, text text nalang" tumango lang ako at lumabas na. Habang nagdadrive ako ay hindi mawala sa isip ko si Black. Sampung buwan na ang nakalipas, kung hindi ako nagpakagago, isang taon na sana kami ngayon. Mag- asawa na nga sana. Sa totoo lang hindi talaga ko busy sa kumpanya dahil busy talaga ako sa paghahanap sa kanya. Madalas ko pang pasundan si Mich, baka sakaling bumisita sya kung nasaan man si Black. Nakausap ko na ang mom nya pero wala daw sa New York si Black at kahit alam daw nya, hindi nya sasabihin kaya ako nalang ang gumawa ng paraan. I paid a huge amount of money para lang alamin kung may record ba na umalis o bumisita sya sa ibang bansa. Nakakainis lang, dahil wala talaga, ni trace nya wala. Masyadong maingat si Mich at Daryl. Ayaw talaga nilang sabihin sakin!

"Kamusta na kaya sya? mahal nya pa rin kaya ako o may iba na sya?" Ilan lang yan sa mga katanungan na pumapasok sa isip ko. Takot at sakit yun nararamdaman ko pag naiisip na baka may iba na sya. Pinagsisihan ko na pinatagal ko pa, Sana nakinig nalang ako kay Mich, tinulungan nya pa sana kong makita si Black. I am so hopeless! Nandito na ako sa Company at yung secretary ko agad ang bumungad sakin. "Sir, cancel na po ang meeting sa foreign investors tomorrow. Inadjust nila sa June 10, sa Sofitel Manila nalang daw po dahil dun sila nakastay."

"Okay" maikling sagot ko at tuloy tuloy na pumasok sa office ko. Tinawagan ko agad ang hinire kong investigator para alamin kung may update na ba.

(Sir wala talagang pinupuntahan si Ms. Michelle kundi Mall at OB lang. Minsan sa parents nya. Mukhang hindi talaga sya bumibisita kay Ms. Black) sabi nito. Napakuyom ako ng kamao sa inis. "Paano ko sya mahahanap?" Frustrated na tanong ko.

(Wala na bang ibang malapit sa kanya? Baka ayun yung pumupunta sa kanya) "Si Jamaine pero imposibleng yun kung hindi kasama si Mich. Bukod sa kanya ay wala na!"

(Other property ng mga Black? Wala ka na bang alam?) "Wala! Ayun na lahat ang property nila"

(mukhang ayaw nya talagang magpahanap) sa inis ko sa sinabi nya ay binabaan ko sya. Napahampas ako ng malakas sa mesa.

"Damn it!" Alam kong gusto nyang sabihin na suko na sya sa paghahanap pero yun nalang yung pag-asa ko. Ito nalang yung nagbibigay ng pag-asa sakin para panghawakan na mahal nya pa ko! Alam kong mahahanap ko sya at magkakasama kami! Ramdam ko yun.

"Please God, Bring back the color in my world!" Pagdarasal ko.

***

GOODBOY (COMPLETED/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon