Chapter 52: His Death

2.6K 54 0
                                    

Michelle's POV
           

Nagbabantay kami sa kwarto ni Black. Tahimik lang ang paligid, si Daze ay nasa tabi ni Black habang hawak ang kamay nito habang ako naman ay nakaupo sa sofa at nakatitig sa kanila. Ayokong magconclude lalo na't wala ako sa pinangyarihan ng insidente but I can't help it. Sino naman ang manglalason sa party? isa lang naman ang alam kong may motive na gawin yun.

"What happened?" agad akong lumapit kay Black nung magsalita sya.

"Thank God you're safe! I'm sorry Black! It's my fault" sabi ni Daze na nakayakap na naman kay Black.

"Ano bang nangyari bakit nandito ako?" Naguguluhang tanong nya.

"You passed out at the party. What happened back there?" I want to know more, kulang pa ang sinabi ni Daze at maaaring masagot ni Black ang mga katanungan ko. Matapos ang malalim nyang pag-iisip ay nagsimula na syang magkwento.

FLASHBACK (Black's Narration)

Nagsimula na ang event ni Dad, kasalukuyang nasa stage na sya at iaannounced ang magiging bagong President ng Black Pearl.

"Wait, mag ccr lang ako ah!" Pageexcuse ni Daze, I just nodded.

"Marie Violet Black!" nabalik ang atensyon ko sa stage ng magpalakpakan  ang mga tao while Dad is smiling right at my direction. Wow! I actually have doubt na baka kay Roxanne niya ipamana, if that happens, I'll retaliate.

Naglakad ako papuntang stage, I hugged Dad for a second. I gave a short speech, maya-maya ay umakyat si Roxanne at tinangkang bumeso sakin pero umiwas ako kaya dumiretso sya kay Dad at yumakap na ikinairap ko. Wala akong paki kung madami man ang makakita na ayoko sa kanya, ayokong magpakaplastik! Bumaba na kami sa stage at bumalik sa kanya kanya naming pwesto. Pagbalik ni Daze ay may dala syang glass of wine at inabot sakin, I gladly took it.

Ipinakilala ni Daddy si Roxanne kaya umakyat ito sa stage.
"I want to congratulate my sister for her new position! You really deserved it Sis, Cheers!" Tinaasan ko lang ng kilay si Roxanne habang nagsasalita sya sa unahan.

"Cheers!" sabi ni Daze sakin at pinagbangga ang baso namin. Pacheers cheers pa e nabawasan ko na yung wine pagkaabot nya. Iinom sana ako ulit ng biglang agawin ito ni James, ininom at mabilis na naglakad palayo.

"Hoy! Kung gusto mo ng wine, kumuha ka! Hindi yung nang-aagaw ka!" pahabol pa ni Daze. Bigla nalang akong nakaramdam ng hilo at nanlalabo ang paningin ko kaya kumapit ako sa braso ni Daze

"My color, okay ka lang?" He asked before I fainted

END OF FLASHBACK

"Black alam mo bang may lason ang ininom mo, pati ang Dad mo ay nalason din!" sabi ko kay Black na lalong kinalukot ng mukha nya.

"Sino naman ang gagawa nun? As far as I know wala namang galit samin ni Daddy" napailing ako sa sagot nya.

"Yung mismong nagbigay ng wine sayo" siguradong sabi ko.

"S-si... Wag mong s-sabihing s-si Daze?" sabi ni Black at agad tumitig ng masama kay Daze.

"Woah! Makapagbintang my color! Hindi ako, yung half sister mo nagpabigay nung wine! Sabi nya kasi baka pag sya nag-abot tatanggihan mo lang kaya hinarang nya ako pagkagaling ko sa cr at nakiusap na ibigay yun sayo!" nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Black pero kailangan nya pa ring malaman ang mga natuklasan ko.

"Black makinig kang mabuti ah! Kahapon, nung binabaan kita ng telepono, nakita ko si James dun. Tiningnan ko ang mga files na handle nya at ang patient nya ay si Roxanne, Nirelease sya ni James kahit hindi pa ito magaling. Isa pa, Psychopatic patient si Roxanne, ibig sabihin nakapanakit na ito." paliwanag ko.

"Ibig sabihin alam ni James na may lason ang ininom ni Black at alam nya kung sino ang may gawa nun?" tanong sakin ni Daze

"Siguro" maikling tugon ko.

"Nasaan si Dad?" tanging nasabi ni Black habang nakatingin sa kawalan.

------

Papunta kami sa Ward B kung nasaan ang Dad ni Black at si James pero nakita namin si Jamaine na nakatungo sa labas ng Ward. Agad ko syang nilapitan.

"Anong nangyari kay James? Bakit ka nakatungo dyan?" nag-angat ito ng tingin. Nung makita nya si Black ay bigla itong umiyak at yumakap kay Black.

"J-jam? What happened?" takang tanong niya.

"B-Black, Y-our D-dad just passed a-away" Kaming tatlo ay napatigil sa sinabi ni Jam. Nakita ko ang unti unting pangingilid ng luha ni Black. Agad namang lumapit si Daze para icomfort sya.

" W-wag kayong papasok" naglakad si Black papasok sa Ward leaving us speechless.

"How did it happened Jamaine? " wala sa sariling tanong ko.

"Kumalat na ang lason sa katawan nya. I thought he is already okay dahil naghabilin pa ito na alagaan si Black at Roxanne pero hindi na sya nagising kanina" naiiyak na sabi ni Jamaine. Napasandal nalang kaming tatlo sa pader habang iniintay si Black. We are all shock and sad, just thinking what Black feels right now pains me.

Black's POV

Pagpasok ko sa Ward ay nakita ko si James na nakatulala habang nakatingin sa isang kama. May tao dun na nakatakip ng kumot. Dahan-dahan akong lumapit at tumayo sa tabi ng walang buhay na katawan ni Daddy. Walang lumalabas na salita mula sa bibig ko, I just cried silently. Bakit kailangang matapos ng ganto? Bakit kailangang mawala sya sa gantong paraan? Biglang nagflashback sakin lahat ng pangyayaring kasama ko sya. Mga kulitan namin, mga sermon nya, mga pamamasyal namin at mga pinagtatalunan namin. Bakit nawala agad si Daddy ng hindi kami nagkaka-ayos?

Nagsisisi ako sa mga panahong hindi ako naging mabuting anak, sa mga panahong lagi ko syang sinusungitan, hindi pinakikinggan at sinusuway. Nagsisisi ako dahil hindi ko man lang sya pinatawad, hindi ko man lang narinig yung side nya tungkol sa nangyari sa pamilya namin. Hindi ko hinayaang makapagexplain sya, I hated him until his last breath. Kung kaya ko lang ibalik ang oras, gagawin ko wag lang syang mawala. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula kung alam kung wala na sya sa tabi ko para gumabay.

"B-Black I'm so-rry" sabi ni James na tangkang hahawakan ako.

"All this time you knew that Roxanne is Crazy! But until the end, you still protect her! Hindi ako tanga para hindi maintindihan kung bakit mo ininom ang wine kahit alam mong may lason! Hindi dahil gusto mo akong iligtas kundi dahil gusto mong iligtas si Roxanne sa mga mangyayari! Hindi mo inakala na pati ang wine ni Dad may lason! Kaya akala mo kahit ikaw ang malason, hindi malalaman kung sino ang gumawa nito no? Alam mo James, dahil sa kapabayaan mo, My dad died! Tell me, How can I forgive you if everytime I look at you, I saw a murderer?" Sabi ko habang panay ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko sya narinig sumagot o nangatwiran sa mga sinasabi ko at yumuko lang.

"It's your damn fault! You freed a mentally sick person! I will sue you for this! Both of  you will be punished because of this! I assure you that you will see the devil that is hiding on me! Always remember that because of you, my father died! May the guilt haunt you!" seryosong sabi ko habang nakatingin sa mga mata nya. Hindi ko siya masyadong maaninag dahil sa mga luha sa mata ko pero alam kong nakatingin siya sa akin. Gusto kong magwala, gusto kong saktan silang dalawa, napakasakit ng nararamdaman ko ngayon. Parang di ko kaya.

There's no one to blame aside from them. They brought misery in my life. I shouldn't let them in. I should have been wise enough to see through their intention!

Now, my dad was gone, I never had a chance to say that I really love him, that I really admire him, that I'm really thankful to be his daughter....

           ***

GOODBOY (COMPLETED/EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon