1. Panaghoy ng Isang Ina
XXX
Paano ko ba sisimulan ang kwentong ito?
Hay nakakainis naman. Hindi ako magaling sa pagkukwento, pero sige para sa inyo... Ikukwento ko sa inyo ang naging paglalakbay ko...
Sisimulan ko na ba?
Oo na, sisimulan ko na nga pero tumahimik na kayo... Salamat.
***
Sa mundo ng Altera... Sa mundong ito ay kakaunti lamang ang mga taong nakatira dito. Karamihan ay mga engkanto at iba pang lamang lupa ang makikita mo. Hindi ito naging dahilan na minamaltrato nila ang isa't -isa Ang mga tao at iba pang nilalang ay pantay-pantay.
Makikita mo sa mga nakatira sa nasasakupang lugar ng kaharian ng Altera ang tuwa nila dahil sa matiwasay na pamumuhay nila. Si Edang ay maayos na nagpapahinga sa kanyang silid. Mag-isa lang sya rito dahil ang kanyang ate ay may mahalagang pagpupulong na kasalukuyang ginaganap sa tarangkahan ng kaharian. Nakaramdam sya ng hapdi sa kanyang tyan. Hudyat na sya ay manganganak na. Agad naman syang tinulungan ng mga kapit-bahay nya.
"Mahal na hari, mayroon akong mahalagang balita para sa iyo." wika ni Grazilda.
"Hmm.... Nais kong makipag-usap kay Grazilda ng pribado." Pagkasabi nito ng hari ay agad na lumabas ang mga kawal.
"Ngayon, sabihin mo na Grazilda."
"Mahal na hari, kambal na lalaki ang inyong anak. Dalawang prinsipe ang isinilang."
"Magandang balita Grazilda. Magandang balita ito. Hahaha!"
"Pero... Mahal na hari, ang propesiya... Tama... ang propesiya."
"Ano ang meron doon Grazilda?"
"Nakalimutan nyo na po ba na kapag ang asawa ng hari ay ng kambal, ito ang magiging dahilan upang mawasak ang ating mundo. Malasang isa sa kanila mahal na hari."
Hindi lubos na maiisip ng hari ang maaring kahihinatnan ng kanyang katayuan. Ayaw nyang bumagsak ang kanyang kaharian. Natatakot syang maging mahirap.
"Totoo ba ang mga sinasabi mo Grazilda?" seryosong napatitig ang hari kay Grazilda.
"Kung gayon, ipakuha mo ang aking kambal pati na si Edang. Nais ko syang pasalamatan dahil sa pagdadala ng aking mga anak." pag-uutos ng Hari kay Grazilda.
"Ngunit, mahal na hari... Ayaw ng reyna na may isang ordinaryong nilalang ang makapasok dito sa kaharian."pag-aalala ni Grazilda.
Ano ang iyong maipapayo Grazilda?" Bahagyang lumingon ang Hari sa durungawan upang masilayan ang nag-uumpisang pagpatak ng ulan.
"Hayaan na natin yung babae...at... isa lamang sa kambal ang ating kukunin. At..." himinga ng malalim si Grazilda at tinitigan ang Hari.
"Ano iyon Grazilda sabihin mo sa akin."
"Kailangan nating iligpit ang isa sa mga kambal. Kinakailangan nating patayin."
"Ano!? Naririnig mo ba ang iyong sinasabi Grazilda? Paano mo nasabi yan sa akin? At bakit ko naman gagawin ang karumaldumal na pagpaslang na iyon sa aking anak?" Gulat na napatitig na may halong poot ang naging reaksyon ng hari.
"Mahal na Hari, huwag mo po sanang kakalimutan na ang mga ito ay naayon sa propesiya ni Kaligua."
"Ito ba talaga ang propesiya ni Kaligua?"
BINABASA MO ANG
Ang Mundo ng Altera
FantasyNaranasan mo bang pagdudahan ka dahil sa lugar na hindi makikita sa mapa? Isang lugar kung saan punong-puno ng mahihiwagang nilalang at mga lugar ang naghihintay sa iyo. Samahan mo ang dalawang bata sa kanilang paglalakbay sa Mundo ng Altera